Tsaketang pamigil
Ang tsaketang pamigil, kamisang pampigil, o kamisola (mula sa Ingles na camisole) lamang ay isang uri ng kasuotang parang tsaketang dinisenyo upang mapigilan ang galaw ng pang-itaas na bahagi ng katawan ng isang tao. Kilala ito sa Ingles bilang straitjacket (literal na "makipot na tsaketa" o "makitid na tsaketa") hindi straightjacket (literal na "tuwid na tsaketa"). Isa sa katangian nito ang pagkakaroon ng labis na mahabang mga manggas na karaniwang ginagamit upang malimitan ang kilos ng isang taong maaaring makapanakit ng sarili o ng kapwa kapag hindi sinuotan nito. Maitatali ang mga dulo ng mga manggas na ito sa likod ng isang nagsusuot, upang mapanatiling malapit sa dibdib ang mga bisig na may posibilidad ng pagkakaroon ng kakaunting mga pagkilos lamang.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.