Pumunta sa nilalaman

Sikolohikal na tensyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Stress (sikolohiya))
Pagpapaliwanag ng stress o tensyon sa isang bidyo na nasa wikang Ingles

Sa sikolohiya, ang stress o tensyon ay isang pakiramdam ng pagkapuwersa at presyon. Maaring ginusto, may benipisyo, at nakakabuti sa kalusugan ang kaunting tensyon. Nakakatulong mapabuti ang atletikong pagganap ng positibong stress. May ginagampanan din ito sa pag-uudyok, pakikibagay at reaksyon sa kapaligiran. Subalit ang labis na tensyon ay nadudulot ng kasamaan sa katawan. Maaring tumaas ang panganib sa stroke, atake sa puso, ulcer, pagiging unano (dwarfism) at mga sakit sa pag-isip tulad ng pagkabalisa.[1]

Maaaring manggaling ang stress mula sa panlabas na kapaligiran. Ngunit, maari rin itong magmula sa saloobin ng isang tao na maaaring magresulta sa damdamin ng pagkabahala o anumang negatibong damdamin sa isang sitwasyon, katulad ng pagkabalisa, pag-alala sa bagay na hindi kaya gawan ng solusyon at iba pa.

Nakararanas ang tao ng stress kapag hindi nila maabot ang nais nilang mangyari dahil nakikita nila na ang kanilang kakayahan ay hindi sapat sa pangangailangan ng situwasyon. Kapag ang pangangailangan ay mas malaki kaysa sa ating kakayahan, doon nagkakaroon ng stress ang tao.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sapolsky, Robert M. (2004). Why Zebras Don't Get Ulcers (sa wikang Ingles). 175 Fifth Ave, New York, N.Y.: St. Martins Press. pp. 37. 71, 92, 271. ISBN 978-0-8050-7369-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link)