Sucre
Sucre | |||
---|---|---|---|
old town, municipality of Bolivia, big city | |||
| |||
Mga koordinado: 19°02′51″S 65°15′36″W / 19.0475°S 65.26°W | |||
Bansa | Bolivia | ||
Lokasyon | Provincia Oropeza, Chuquisaca Department, Bolivia | ||
Itinatag | 1538 (Huliyano) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 1,768 km2 (683 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2011) | |||
• Kabuuan | 300,000 | ||
• Kapal | 170/km2 (440/milya kuwadrado) | ||
Websayt | https://sucre.bo/ |
Ang Sucre (Kastila: [ˈsukɾe]) ay konstitusyunal na kabisera ng Bolivia, ang kabisera ng Departamento ng Chuquisaca at ang ika-6 na pinakamataong lungsod sa Bolivia. Matatagpuan sa timog-sentral na bahagi ng bansa, nasa elebasyon na 2,810 metro (9,214 talampakan) ang Sucre. Medyo mataas na altitud ito na binibigyan ang lungsod ng isang subtropikong kataasang klima na may malamig na temperatura sa buong taon.
Ang pangalan nito bago ang Kolumbiyano ay Chuquisaca; noong panahon ng Imperyong Kastila, tinatawag itong La Plata.
Bago dumating ang mga Kastila, may sariling awtonomo ang lungsod ng Chuquisaca patungkol sa Imperyong Inca (ang mga Charca lamang ang mga taong hindi nagbabayad ng pantubos para sa mga bihag na Inca).
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Nobyembre 30, 1538, itinatag ang Sucre sa ilalim ng pangalang Ciudad de la Plata de la Nueva Toledo (Lungsod ng Pilak ng Bagong Toledo) ni Pedro Anzures, Marqués de Campo Redondo.
Noong Mayo 25, 1809, nagsimula ang kilusang kalayaan sa Bolivia na nagsimula sa pagtugtog ng kampana ng Basilika ni San Francisco. Pinatunog ang kampana hanggan sa puntong masisira na ito, ngunit matatagpuan pa rin ito sa Basilika ngayon: ito ang isa sa mga pinakamahalagang relikiya ng lungsod. Hanggang ika-19 na siglo, ang La Plata ay sentrong panghukuman, relihiyoso at pangkalinangan ng rehiyon. Ipinahayag ito bilang ang pansamantalang kabisera ng bagong malayang Alto Peru (sa kalaunan, Bolivia) noong Hulyo 1826.[1] Noong Hulyo 12, 1839, idineklera ng Pangulong José Miguel de Velasco ang isang batas na pinapangalan ang lungsod bilang kabisera ng Bolivia, at pinalitan ang pangalan upang parangalan ang rebolusyonarong pinuno na si Antonio José de Sucre.[1]