Pumunta sa nilalaman

Sukot

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sukkot)

Ang Sukot, Sucot o Succoth, kilala rin bilang Pista ng mga Tabernakulo (Ingles: Sukkot, Sukkoth, Feast of Tabernacles, Festival of Shelters, o Feast of Booths), ay isang kapistahang Hudyo. Sa kaganapang ito, ipinagdiriwang ng mga tao ang pagtitipon ng mga ani. Inaalala rin nila ang panahon sa nakalipas kung kailan gumawa ang mga Hudyo ng maliliit na mga silungan noong habang nasa ilang pa sila at walang mga tahanan. Ayon kay Jose Abriol, nangangahulugan ang salitang Sucot bilang "mga kanlungan".[1][2] Kilala rin ito bilang Pista ng mga Kanlungan o Kapistahan ng mga Kanlungan.[3] Bilang isang pestibal, isa itong masayang pagdiriwang na isinasagawa ng mga Israelita tuwing taglagas, pagkaraang makumpleto ang pag-aani. Upang maalala ang mga taon ng paglalakbay at pagpapagala-gala sa ilang ng mga ninuno nila, nagtayo ang mga Israelita ng magagaspang na mga kanlungan o silungang matitirahan sa panahon ng pistang ito.[3]

Bilang lugar at tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumilitaw rin ang Sucot bilang ilang mga pook at pangkat ng mga tao sa Bibliyang Hebreo o Lumang Tipan ng Bibliyang Kristiyano:

  • Sa Ehipto, isa itong pook ng pagpasok sa kadiliman. Isa itong lugar kung saan nagpunta ang mga Anak na Lalaki ng Israel upang bawiin ang mga buto ni Jose mula sa kanyang libingang nasa Karnak (Exodo 12:37).
  • Sa silangan ng Ilog ng Jordan, isa itong lungsod na ikinakabit sa Deir Alla o Tell Deir Άlla, isang mataas na bunton, isang masa ng mga guho, sa kapatagang nasa hilagan ng Jaboc, at mga isang milya mula rito. (Josue 13:27). Dito nagtayo ng bahay si Jacob, mula sa kanyang pagbabalik sa Padan-aram pagkalipas ng pakikipag-usap niya kay Esau. Bukod sa bahay, gumawa rin ng mga sucot o "kubol" para sa kanyang mga kawan ng hayop (Henesis 32:17, 30; Henesis 33:17).
  • Sa Aklat ng mga Hukom, tumanggi ang prinsesa ng mga Sucot na magbigay ng tulong kay Gideon at sa kanyan mga tauhan, noong sundan nila ang isang pangkat ng mga Madianita pagkatapos ng dakilang pagtatagumpay sa Gilboa. Makaraan nito at sa kanyang pagbabalik, dinalaw ni Gideon ang mga pinuno ng lungsod na may dalang malupit na kaparusahan: "Kinuha niya ang matatanda ng lungsod, at ang mga tinik at mga dawag ng ilang at sa pamamagitan ng mga ito, ay pinahirapan ang mga taga-Sucot" (Mga Hukom 8:13-16).[1] Ikinakabit ito sa pook na Deir Άlla.
  • Sa Aklat ng mga Hari, isinasaad sa Mga Hari 7:46 na sa Sucot itinayo ang mga pagawaan o hulmahan ng bakal para sa mga pagawaing may metal na para sa templo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Sucot, mga kanlungan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 57, at siping mula sa Pamamahala at Pagkamatay ni Gideon ng pahina 356.
  2. Long, Dolores; Long, Richard (1905). "Succoth". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Succoth
  3. 3.0 3.1 American Bible Society (2009). "Festival of Shelters". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 135.