Pumunta sa nilalaman

Sukubo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang nililok na wangis ng isang sukubo na ginawa noong ika-16 na daantaon.

Sa kuwentong-bayan ng alamat na midyibal, ang isang sukubo ay isang babaeng demonyo o entidad na sobrenatural na lumilitaw sa loob ng mga panaginip, na nagiging isang babaeng tao upang makapang-akit ng mga lalaki, na karaniwang sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ang katumbas nitong lalaki ay tinatawag na ingkubo. Pinanghahawakan ng mga tradisyong panrelihiyon na ang paulit-ulit na pakikipagtalik sa isang succubus ay maaaring magresulta sa panghihina ng kalusugan o kaya sa kamatayan.

Sa makabagong kathang-isip na mga representasyon, ang isang sukubo ay maaari o maaaring hindi lumitaw sa mga panaginip at kadalasang inilalarawan bilang isang napakakaakit-akit na babaeng mang-aakit o salamangkera; habang, sa nakaraang mga kapanahunan, pangkalahatang inilalarawan ang mga succubus bilang nakakatakot at parang demonyo.

Ang salitang Ingles na "succubus" ay hinango mula sa Huling Latin na succuba o "istrumpeta" (strumpet sa Ingles, na may kahulugang "babaeng pakakak", mula sa succubare na may kahulugang "humimlay sa ilalim", mula sa sub- "ilalim" at cubare "humiga"), na ginagamit upang ilarawan din ang isang nilalang na sobrenatural. Unang lumitaw ang salita noong 1387.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Harper, Douglas. "succubus". Online Etymology Dictionary.