Pastoral na liham
Ang pastoral na liham o liham para sa pinuno ng simbahan (Ingles: pastoral epistle) ay mga sulat na nauukol para sa mga pinuno ng parokya o simbahan, partikular na ang sa Kristiyanismo at Katolisismo. Kabilang sa mga nakakatanggap ng ganitong uri ng liham ang mga pinunong pari ng parokya o kura paroko, obispo, pastor, at ministro,[1] na gumaganap bilang mga "pastol" ng simbahan o parokya (ang mga "kawan"). Kabilang sa mga ito ang Unang Sulat kay Timoteo, Ikalawang Sulat kay Timoteo, at Sulat kay Tito na matatagpuan sa Bagong Tipan ng Bibliya. Nagmula ang mga sulat na ito kay San Pablo - isang apostol - na ipinadala kina San Timoteo at Tito ang Alagad, na mga pinuno ng sinaunang simbahang Kristiyano. Batay sa mga halimbawang ito mula sa Bibliya, naglalaman ang mga ito ng mga gabay o patnubay hinggil sa pagsasanay at pagpili ng mga pinuno ng simbahan. Samakatuwid, tinatalakay ng mga sulat na pampastor na ito ang mga katangian ng isang pinunong pansimbahan.[2]
Autentisidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa batayan ng wika, nilalaman, at iba pang mga paktor, ang mga pastoral na liham ay itinuturing ng mga skolar ng Bibliya na hindi isinulat ng Apostol Pablo kundi pagkatapos ng kamatayan nito. [3] Ayon sa mga mga skolar, ang mga bokabularyo at mga stilong literaryo ng mga ito ay nabigong umangkop sa sitwayon ng buhay ni Pablo sa mga ibang sulat at natukoy ng mga skolar dito ang lumitaw ng Iglesiang Kristiyano kesa sa henerasyong apostoliko. Ang skolar na si P.N. Harrison sa aklat nitong "The Problem of the Pastoral Epistle" ang unang nagtangka upang pabulaanan ang pagiging may-akda ni Pablo sa pamamagitan ng pagbibilang ng hapax legomena o iba pang mga sukat bokabularyo. Ang isang halimbawa ng mga argumento ng stilo laban sa pagiging may-akda ni Pablo, ang trabaho ng pag-iingat ng tradisyon ay ipinagkatiwala sa mga ordinadong presbitero. Ang maliwanag na kahulugan ng presbuteros bilang indikasyon ng opisina ay ayon sa mga skolar tila dayuhan kay Pablo at sa lahing apostoliko. Ang mga halimbawa ng ibang mga opisina ay kinabibilangan ng 12 apostol sa Mga Gawa ng mga Apostol at ang pagkakahirang ng pitong deakono kaya naitatag ang opisina ng deakonado. Ang ikalawang halimbawa ang mga tungkuling pangkasarian(gender) sa mga liham na nagbabawal sa mga tungkulin ng kababaihan na lumilitaw na lumilihis sa mas egalitariyanong katuruan ni Pablo na kay Kristo ay walang babae o lalake(Gal. 3:28). Kabilang din dito ang pagpapabulaan ng mga liham na ito sa mas umunlad na Gnostisismo noong ika 2 siglo CE gaya ng makikita sa 1 Tim. 4:1-4 na hindi angkop sa sinasabing panahon ni Pablo na pinaniniwalaang nabuhay noong ca. 5 hanggang 67 CE. Ang mismong salitang Griyegong γνῶσις("Gnosis o Kaalaman") na pinagmulan ng Gnostisismo ay umiiral sa 1 Tim. 6:20. Ang "irregular ng karakter, biglaang mga koneksiyon at maluwag na mga transisiyon ng liham na ito" ang nagtulak sa mga skolar ng Bibliya na matukoy ang mga kalaunang interpolasyon(karagdagan) gaya ng konklusyon sa 1 Tim 6:20-21 na binabasa bilang reperensiya kay Marcion ng Sinope at ang mga linya na lumilitaw na marhinal na paliwanag(glosses) na kinopya sa katawan ng teksto. Kung ang mga pagkakatugma(parralels) sa pagitan ng 1 Timoteo at ng liham ni Polycarpio ay mauunawaang pagbatay na pampanitikan ng liham ni Polycarpio sa 1 Timoteo gaya ng pangkalahatang pagtanggap ng mga skolar[4], ito ay bubuo sa terminus ante quem na 130-155 CE. Gayunpaman, si Irenaeus na sumulat noong ca. 180 CE ang pinakaunang may-akda na maliwanag at walang dudang naglarawan ng mga pastoral na liham. Ang pinakalumang manuskrito ng 1 Timoteo at 2 Timoteo ang Codex Sinaiticus na may petsang 350 CE samantalang ang pinakalumang manuskrito ng Tito na Papyrus 32 ay may petsang ika-2 siglo CE.
- 1 Timoteo: Ang "irregular ng karakter, biglaang mga koneksiyon at maluwag na mga transisiyon ng liham na ito" ang nagtulak sa mga skolar ng Bibliya na matukoy ang mga kalaunang interpolasyon(karagdagan) gaya ng konklusyon sa 1 Tim 6:20-21 na binabasa bilang reperensiya kay Marcion ng Sinope at ang mga linya na lumilitaw na marhinal na paliwanag(glosses) na kinopya sa katawan ng teksto.
- 2 Timoteo: Ang wika at mga ideya ng sulat na ito ay makikilang iba sa dalawa pang pastoral na liham. Ito ang nagtulak sa mga skolar na magbigay ng konklusyon na ang may-akda ng 2 Timoteo ay iba sa 1 Timoteo at Tito. [5]
- Sulat kay Tito: Gaya ng sa 1 Timoteo at 2 Timoteo, ang wika ng liham na ito ay nagpapakita ng lumitaw na Iglesiang Kristiyano kesa sa henerasyong apostoliko. [6]
Makabagong kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa makabagong kabuluhan at gamit, isang bukas na liham ang isang sulat na pastoral (mas angkop na tinatawag bilang pastoral letter sa Ingles, hindi bilang pastoral epistle na laan lamang para sa mga sulat na nasa Bibliya) na nagmumula sa isang obispo at ipinadadala sa mga kura o katulad at sa mga mamamayan ng isang diyosesis (o kapwa para sa dalawang pangkat) na naglalaman ng mga pangkalahatang pangaral, paalala, kaatasan, mga mungkahi, at patnubay na pangkaasalan. Sa Simbahang Katoliko, karaniwang ipinadadala ang ganitong mga uri ng sulat sa loob ng mga partikular na panahong eklesyastiko, malimit na sa umpisa ng pagaayuno.[7]
Para sa mga hindi episkopal na simbahang Protestante, nagmumula ang ganitong mga liham sa isang pastor - mga sulat ng pastor - na ipinadadala at ibinibigay sa kaniyang kongregasyon, na kinaugaliang inilalabas sa mga natatanging panahon. Halimbawa na ang mula sa isang tagapasinaya ng isang kapulungang Presbitero o tagapangasiwa ng isang Simbahang Kongresyonal o kasapiang Bautista (mga Baptist sa Ingles).[7]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Pastoral, pastor - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ "What qualities make a good leader?, kasama sa paliwanag hinggil sa Tito 1:5-9". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ See I.H. Marshall, A Critical and Exegetical Commentary on the Pastoral Epistles (International Critical Commentary; Edinburgh 1999), pp. 58 and 79. Notable exceptions to this majority position are Joachim Jeremias, Die Briefe an Timotheus und Titus (Das NT Deutsch; Göttingen, 1934, 8th edition 1963) and Ceslas Spicq, Les Epîtres Pastorales (Études bibliques; Paris, 1948, 4th edition 1969). See too Dennis MacDonald, The Legend and the Apostle (Philadelphia 1983), especially chapters 3 and 4.
- ↑ Berding, K, (1999), Polycarp of Smyrna's View of the Authorship of 1 and 2 Timothy,Vigiliae Christianae, Vol. 53, No. 4. (Nov., 1999), pp. 349-360.
- ↑ Raymond E. Brown, An Introduction to the New Testament (New York: Doubleday, 1997), pp.672-675.
- ↑ Raymond E. Brown. An Introduction to the New Testament. New York: Anchor Bible, p. 662
- ↑ 7.0 7.1 Naglalaman ang artikulong ito ng mga teksto mula sa Encyclopædia Britannica Ika-11 Edisyon, isang publikasyon na nasa publikong dominyo na.