Super Tuesday
Sa Estados Unidos, ang Super Tuesday, ay tumutukoy sa isa o higit pang mga Martes sa unang bahagi ng panahon ng United States presidential primary kung kailan maraming estado ang nagsasagawa ng kani-kanilang mga primary election o caucus. Higit na maraming delegado para sa kumbensiyong pangnominasyon sa pagkapangulo ang napapanalunan sa Super Tuesday kaysa sa alin mang araw sa kalendaryo ng primary. At dahil ang mga primary at caucus kapag Super Tuesday ay ginaganap sa higit na maraming estado, sinasalamin nito ang panlipunan at heograpikal na pagkakaiba ng Estados Unidos, na siyang nagbibigay batayan kung ang isang kandidato ay kahalal-halal. Kayâ ang mga kandidatong nagnanais na tumakbo sa pagkapangulo ay kinakailangang maganda ang maging resulta sa araw na ito, upang masungkit ang nominasyon ng kanilang partido. Karaniwang inilulunsad ng Super Tuesday ang kandidatura ng isang kandidato upang masungkit ang nominasyon ng isang partido kapag maganda ang kanilang naging resulta sa Super Tuesday. Ang Super Tuesday ay ginaganap tuwing Pebrero or Marso sa taon ng halalan sa Estados Unidos.