Pumunta sa nilalaman

Pinakamakapangyarihang bansa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Superpower)

Ang pinakamakapangyarihang bansa (Ingles: superpower) ay isang bansa na kabilang sa isa sa mga pinaka makapangyarihang bansa sa mundo. Mas makapangyarihan ito kaysa sa bansang nangunguna sa kapangyarihan. Ang pinakamakapangyarihang bansa o napakamakapangyarihang bansa ay isang bansa na nakakaimpluwensiya sa iba pang mga bansa.

Sa mga taon na sumunod sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nabuo ang Mga Bansang Nagkakaisa. Ang limang mga bansang lumaong nagkaroon ng mga bombang nukleyar - iyong mga maaaring makapagsimula ng digmaang nukleyar - ay nabigyan ng pamalagian o permanenteng mga upuan o puwesto sa Konseho ng Seguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa. Nangangahulugan itong sila lamang ang mananatili sa Konseho ng Seguridad magpasawalang hanggan. Nabigyan din sila ng patas na kapangyarihan mag-veto o tumanggi sa mga pagpapasya sa loob ng Konseho ng Seguridad. Kabilang sa mga bansang ito ang Estados Unidos, Nagkakaisang Kaharian, Tsina, Pransiya, at ang Unyong Sobyet. Pagkaraang mahati ang Unyong Sobyet sa maraming mga bansang mas maliliit noong 1991, ang Rusya ang nakakuha ng karamihan sa mga sandatang nukleyar ng dating Unyong Sobyet, pati na ang pamalagian upuan ng Unyong Sobyet sa Konseho ng Seguridad. Ang ibang mga bansa ay mayroon ding mga sandatang nukleyar sa ngayon, at maaari ring magpasimula ng isang digmaang nukleyar, subalit hindi sila permanenteng mga kasapi na may kapangyarihang magbeto o tumanggi. Halimbawa ng ganitong mga bansa ay ang Republika ng India at ang Pakistan.


Politika Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.