Pumunta sa nilalaman

Swastika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tinatawag na svastika sa Sanskrit, ito ay isang simbolong kumakatawan sa kaswertehan sa Hinduismo, Budismo at Jainismo.
Sa Mundong Kanluranin, ang swastika mula noong dekada 1930 ay inuugnay sa watawat ng Alemanyang Nazi at ng Partidong Nazi.

Ang swastika (kilala rin bilang gamadang krus, cross cramponnée, o manji) (bilang pagsasatiktik sa Tsino: 卐 o 卍) ay isang simbolo na karaniwang nagsasa-anyo bilang isang krus na may apat na pantay-pantay na mga paanan na tinagilid ng 90 digri.[1][2] Ito ay tinatrato bilang isang sagrado at swerteng simbolo sa Hinduismo, Budismo at Jainismo.[3]

Ito ay ginagamit isang palamuti sa ilang mga kultura mula pa ng panahon ng Neolitiko nang mahanap ang simbolo sa tunika ng isang pagsasalarawan ng isang lalaki sa Villa Romana del Casale sa Sisilya. Ito ay mahalagang simbolo sa mga relihiyong Indiyano at kumakatawan sa "kaswertehan." Ito ay ginamit bag ng panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa, at mamaya ginamit ng Partidong Nazi at Alemanyang Nazi bago pa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa maraming kanluraning bansa, lubos na masama ang mga pauugnay sa simbolo dahil sa paggamit at pagkakaugnay nito ng Nazismo.[4] Patuloy itong ginagamit bilang relihiyosong simbolo sa Hinduismo at Budismo.[3]

Ang pangalan ay galing sa salitang Sanskrit na swastika (Devanagari: स्वस्तिक) "swerteng bagay".[5] Ang mas lumang terminong gammadion cross o gamadang krus sa literaturang Kanluraninin ay mula sa itsura nito na magkasinghalintulad sa apat na letrang Griyego na gamma na magkadikit sa isa't isa.[5]

  1. The Migration of Symbols, ni Goblet d'Alviella, Chapter II, ipinapaskil sa Internet Sacred Text Archive
  2. Cambridge Advanced Learner's Dictionary, Cambridge University Press, 2008, p.1472
  3. 3.0 3.1 The Handbook of Tibetan Buddhist Symbols, Robert Beer, Serindia Publications, Inc., 2003, p.97 The Illustrated Encyclopedia of Hinduism: N-Z, by James G. Lochtefeld, The Rosen Publishing Group, 2002, p. 678
  4. Rosenberg, Jennifer. "History of Swastika". about.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 25, 2018. Nakuha noong Abril 26, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 ""Swastika" Etymology". dictionary.com. Nakuha noong 8 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)