Pumunta sa nilalaman

Pawis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sweat)
Mga tulo ng pawis mula sa mukha ng isang babae.

Ang pawis ay isang likido na nililikha ng balat kapag ang katawan ay mainit. Ginagawa ito ng mga glandula ng pawis na nasa ilalim ng balat, at lumalabas ito magmula sa maliliit na mga butas na nasa loob ng balat, na tinatawag na mga butas ng balat. Karamihang tubig ang bumubuo sa pawis, subalit naglalaman din ito ng mga asin. Ang katawan ay gumagawa ng pawis upang palamigin ang sarili nito. Ang pawis ang kumukuha ng init mula sa katawan kapag sumisingaw ito o sumasailalim sa proseso ng ebaporasyon (nagiging singaw o gas). Tumutulong din ang pawis sa pagtatanggal ng dumi mula sa katawan.

May ilang mga tao na nag-iisip na ang pawis ang nakakapagpabaho ng katawan. Maraming mga tao ang gumagamit ng natatanging mga pangwisik upang mapigilan ang pangangamoy na ito. Itinatago ng mga deodorante ang amoy ng pawis. Ang mga anti-perspirante o pampigil ng pawis ang nagpapatigil ng pagpapawis ng katawan.

Ang balat ng tao ay naglalaman ng dalawang magkakaibang mga pangkat ng mga glandula ng pawis: ang apokrinong glandula ng pawis at ang merokrinong glandula ng pawis. Ang perspirasyon o pagpapawis ay ang paraan ng katawan upang mapalamig nito ang sarili, kahit na nagmumula ang sobrang init mula sa nagtatrabaho o gumagalaw na mga masel, o kaya magmula sa mga nerb na sumailalim sa labis na estimulasyon. Ang isang pangkaraniwang tao ay mayroong 2.6 milyong mga glandula ng pawis. Ang mga glandula ng pawis ay nakakalat sa kabuuan ng ibabaw ng katawan, maliban na lamang sa mga labi, mga utong, at panlabas na mga organong pangkasarian. Ang glandula ng pawis ay nasa loob ng patong ng balat na tinatawag na dermis, kasama ng iba pang mga kasangkapan o kagamitang katulad ng mga dulo ng nerb o ugat ng nerbyos, polikula ng buhok at iba pa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

AnatomiyaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.