Pumunta sa nilalaman

Tablea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tableya

Ang tablea o tableya ay isa sa mga produkto na nagmumula sa butil ng kakaw. [1] Ito ay galing sa purong butil ng kakaw na pinatuyo, isinangag at giniling o ginawang pulbos pagkatapos ay hinulma para maging hugis na katulad ng bloke, bilog na parang bola o kaya ay parang tableta.[2] Ang hugis na bilog ang pinakatanyag na hugis ng tableya. [3] Ang "tablea" ay isang salitang Kastila na nangangahulugan na tableta.[3]

Ang tableya ay karaniwang sangkap sa paggawa ng mainit na inumin na tsokolate. Tinatayang aabot sa 2,000 tonelada ng butil ng kakaw ang dumadaan sa proseso para maging tableya.[2]

Paano nagkaroon ng kakaw sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga Kastila ang nagdala ng unang halamang kakaw sa Pilipinas noong 1670.[4] Dala ni Pedro Brabo de Lagunas, isang manlalayag na sakay ng isang Kastilang galyon, ang isang halamang kakaw na may uring Mesoamerican Criollo mula sa Acapulco sa Mexico patungong Pilipinas na dumaan ng dagat Pasipiko. Ang kakaw ay ibibigay ni Brabo de Lagunas sa kanyang kapatid na si Bartolome Brabo na isang pari sa probinsiya ng Camarines Norte.[5] Subalit ito ay ninakaw ni Juan de Aguila na taga-Lipa na siya ring nag-alaga at nagparami ng nasabing halaman.[6]

Saan sa Pilipinas ang may industriya ng tablea

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Pilipinas ay mayroong klima na angkop sa pag-aalaga at pagpapayabong ng kakaw kaya't mayroong industriya ng tableya sa mga probinsiya ng Cebu, Davao, at Bohol. [4][7][8]

Paano ginagawa ang tablea

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sinangag na mga butil ng kakaw

Ang paggawa ng tablea ay nagsisimula sa pagtatanggal sa sariwang butil ng kakaw mula sa balat nito. Ang mga natanggal na butil ay pinatutuyo sa init ng araw. Ang mga natuyong butil ay isinasangag na tulad ng ginagawa sa kape sa loob ng tatlong oras. Pagkatapos isangag, ang mga butil ay ginigiling. Ang nagiling na mga butil ay hinahaluan ng asukal. Pagkatapos ay hinuhulma ito sa hugis na parang bola.[3]

Paano gumawa ng inuming tsokolate mula sa tablea

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang paggawa sa mainit na inuming tsokolate na sinasangkapan ng tablea ay sinisimulan sa pamamagitan ng pagpapakulo ng tubig na may tablea, gatas at asukal. Ang pinakuluang timpla ng tablea, gatas at asukal ay hinahalo gamit ang isang batidor na gawa sa kahoy hanggang ito ay lumapot. Mas higit na lalapot ang tsokolateng inumin kapag dinagdagan ang inilagay na tableya.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2017-2022 Philippine Cacao Industry Roadmap" (PDF). Bureau of Plant Industry of the Philippine Department of Agriculture. Bureau of Plant Industry of the Philippine Department of Agriculture. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 12 Hulyo 2018. Nakuha noong 21 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Securing The Future of Philippine Industries". Philippine Department of Trade and Industry and Board of Investments. Philippine Government. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Septiyembre 2018. Nakuha noong 21 November 2019. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "Tablea Tsokolate or Cacao Chocolate". Batangas-Philippines.Com. Batangas-Philippines.Com. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Septiyembre 2020. Nakuha noong 21 November 2019. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. 4.0 4.1 "Raquel Choa: The "Chocolate Queen" of Cebu Gives Tablea the Royal Treatment". Our Awesome Planet. Our Awesome Planet. Nakuha noong 21 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ocampo, Ambeth R. (17 Agosto 2016). "Chocolate and history". Philippine Daily Inquirer. Manila. Nakuha noong 21 Nobyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. De Vera, Irene A. (Disyembre 2018). "Cacao and Tablea Tsokolate: Spanish Contribution in Pangasinan Agroforestry, Culinary, and Economy" (PDF). Journal of Natural and Allied Sciences. Vol. II (No.I): pp. 49-56. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 Hulyo 2020. Nakuha noong 21 Nobyembre 2019. {{cite journal}}: |volume= has extra text (tulong); |issue= has extra text (tulong); |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Can The Philippines Make Premium Chocolate? This Chocolatier is Betting On It". Forbes. Forbes Media LLC. Nakuha noong 21 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The local chocolate industry is reaching new heights with homegrown cacao". F&B Report Magazine. Nakuha noong 21 Nobyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)