Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:121.54.54.60/burador

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Fashion

Popular na estilo o kasanayan ang fashion, sa pananamit, kasuotan sa paa, abubot, pampaganda, hikaw sa katawan, o muwebles. Kakaiba at madalang nauusong estilo ng pananamit ng tao ang fashion. Ito rin ang umiiral na estilo sa gawi at mga bagong likha ng mga nagdidisenyo ng tela. Ang mas teknikal na terminong kostyum ay madalas na nauugnay sa salitang fashion kaya naman ang salitang kostyum ay madalas naihahambing sa mga salitang may espesyal na kahulugan tulad ng magarang pagbabalatkayo, habang ang fashion ay nangangahulugang pangkalahatang pananamit kasama na ang pag-aral nito. Bagaman may mga aspekto ang fashion na pwede ng maging pambabae o panlalaki,ang ibang nauuso ay pwede sa parehas na kasarian.