Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:Caehlla2357/Mga nais gawin na artikulo/Pleiades

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Pleiades o Moroporo

Ang Pleiades, na tinatawag bilang Moroporo[a] at Messier 45, ay isang bukas na kumpol (open cluster) sa konstelasyong Taurus na may mga maliwanag at bughaw na mga bituin sa klaseng ispektral na B.

Nabuo ang mga bituin ng Pleiades sa loob ng huling 100 milyong taon. May mga reflection nebula na nakapalibot sa mga maliliwanag na mga bituin.[2] Tinatayang maghihiwalay ang Pleiades sa 250 milyong taon sa kinabukasan.[3]

Isa ang Pleiades sa pinakamalapit na mga kumpol ng bituin sa Daigdig. Madali rin itong makikita gamit ang mata lamang, at kilala ang kumpol na ito sa iba't-ibang mga kultura.[4]

Kilala ang Pleiades sa iba't-ibang kultura sa buong daigdig. Halimbawa, sa mga Māori, ang mga katutubo ng New Zealand, kilala ito bilang Matariki.[4]

May isang pinta sa kuweba ng Lascaux na pinaniniwalaang nagpapakita ng kumpol na Pleiades.[4][5]

  1. Iba't-iba ang mga ngalan nito sa iba't-ibang mga wika ng Pilipinas. Sa wikang Tagalog, kasama sa mga ngalan nito ay "Mapolon", "Rosaryo", at "Supot ni Hudas". Tignan ang Balatik: Katutubong Bituin ng mga Pilipino ni Dante L. Ambrosio para sa iba pang mga ngalan.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ambrosio, Dante L. (2005). Samson, Laura; Jose, Ricardo (mga pat.). "BALATIK: Katutubong Bituin ng mga Pilipino". Philippine Social Sciences Review. College of Social Sciences and Philosophy, University of the Philippines, Diliman. 57 (1–4, Recent Studies in Philippine History). {{cite journal}}: Cite has empty unknown parameter: |1= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gibson, S.J.; Nordsieck, K.H. (2003). "The Pleiades Reflection Nebula. II. Simple Model Constraints on Dust Properties and Scattering Geometry". The Astrophysical Journal. 589 (1): 362–377. Bibcode:2003ApJ...589..362G. doi:10.1086/374590.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Converse, Joseph M. & Stahler, Steven W. (2010). "The dynamical evolution of the Pleiades". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 405 (1): 666–680. arXiv:1002.2229. Bibcode:2010MNRAS.405..666C. doi:10.1111/j.1365-2966.2010.16505.x. S2CID 54611261.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Sparavigna, Amelia (2008). "The Pleiades: the celestial herd of ancient timekeepers". arXiv:0810.1592 [physics.hist-ph].{{cite arXiv}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Whitehouse, David (Agosto 9, 2000). "Ice age star map discovered". BBC.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)