Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:Carmela Sulit/burador

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Maeyet Lapeña
Kapanganakan
Ma. Angeles Guanzon
NasyonalidadFilipino
NagtaposUniversity of the Philippines, De La Salle University
Kilala saSikolohiyang Pilipino, PUP
AsawaJose Francisco "Joey" Lapeña

Si Ma. Angeles “Maeyet” Guanzon – Lapena ay naging kasapi ni Dr. Virgilio Enriquez sa pagpapatatag ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) noong 1975. Ang kanyang pangunahing kontribusyon sa Sikolohiyang Pilipino ay ang Panukat ng Ugali at Pagkatao (PUP) kasama si Dr. Virgilio Enriquez noong 1985. Ginawaran si Guanzon-Lapena ng PSSP dahil sa kanyang kontribusyon sa pagpapalaganap at pagbuo ng lokal na panukat at sa pagpapatuloy ng pag-aaral ni Enriquez sa PUP.

Personal Life

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Maeyet Guanzon-Lapena ay ipinanganak kay Francisco Pacheco Guanzon at kay Carmen Cerdenia Guanzon. Siya’y mayroon anim na kapatid. Nagpakasal siya kay Jose Francisco “Joey” Lapena Jr. at nagkaroon ng tatlong anak na babae.

Nagtapos siya bilang cum laude sa kursong AB Psychology at Master of Arts (M.A.) degree sa Unibersidad ng Pilipinas. Kumuha din siya ng Ph.D. sa Counselling Psychology sa De La Salle University.

Si Lapena ay naging pangulo ng PSSP mula 1999-2000. Naging assistant professor siya sa Psychology Department sa De La Salle University simula 1983. Noong 1986-1990, naging tagapangulo si Lapena ng Behavioral Sciences Department at Psychology Department ng pamantasan noon 1994-1996 at 2007-2010. Maliban ditto, nagsagawa rin si Lapena ng pananaliksik sa Panukat ng Ugali at Pagkatao (PUP) na isa sa mga naging pangunahing kontribusyon niya sa Sikolohiyang Pilipino.

Sa kasalukuyan, si Lapena ay pangulo ng SOS Children’s Villages Philippines at board secretary ng Philippine Psychology Research and Training House (PPRTH).

Panukat ng Ugali at Pagkatao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong panahon ng dekada ’70, hinahangad ni Enriquez na gumawa ng panukat kung saan ang pokus ay ang mga ugali, katangian at saloobin ng mga Pilipino. Mayroon itong 160 na item na nahahati sa tatlong bahagi: 24 trait scale, validity check, identifier items.

Ang 24 trait scale ay binubuo ng 119 na item na ikinalat sa 24 na trait scale (ambisyon, katipiran, katiyagaan, hirap kausapin, lakas ng loob, pagkamaaalahanin, pagkamagalang, pagkamausisa, pagkapalaaway, pagkapikon, pagkaresponsable, pagkasalawahan, pagkasigurista, pagkasunud-sunuran, sumpong, tigas ng ulo, pagkamahiyain, pagkamapagbigay, pagkamapagkumbaba, pagkamatulungin, pagkamapunahin, pagkamaramdamin, pagkamapagtimpi, pagkamalikhain). Masasagutan ang mga item sa pagpili mula sa 5-point bipolar scale (Hinding-hindi, Hindi, Walang masabi, Totoo, Totoong-totoo).

Validity check

[baguhin | baguhin ang wikitext]

And validity check naman ay nahahati sa dalawang bahagi, Pagkakilala at Kaugalian. Ang Pagkilala ay binubuo ng mga item kung saan inaasahang sumagot ang tao ng Hindi (H) or Hinding-Hindi (HH). Sa Kaugalian naman, inaasahan ang tao na sumagot ng Totoong-totoo (TT) o Totoo (T) sa kadahilanan ng impluwensiya ng kultura.

Inaaming ugali

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang identifier items o inaaming ugali ay binubuo ng 19 na item ukol sa asal, saloobin at pagkataong katangian ng tao. Maari silang sumang-ayon o hindi sa mga pahayag. Ang mga ugaling kasapi ay ang sumusunod:
- Pagkamadasalin
- Kasipagan
- Karangyaan
- Katapatan
- May kusang loob
- Madalas maaksidente
- Maninigarilyo
- Atityud sa sekswalidad bago mag-asawa
- Atityud sa sekswalidad na extramarital
- Atityud sa homosekswalidad
- Pagsusugal
- Pagiinom ng alak
- Pananakit sa sarili
- Malikhain
- Mamimilosopo

Ang PUP ay naisalin sa pitong wika maliban sa Filipino.

- Ingles
- Bahasa
- Ilonggo
- Bicolano
- Ilocano
- Cebuano
- Maranao

Maliban dito, mayroon din pamantayan ang PUP para sa 12 na pangkat etniko ng Pilipinas.

- Bagobo
- Bicolano
- Cebuano
- Chavacano
- Ilocano
- Ilonggo
- Kalinga
- Kapampangan
- Maranao
- Tagalog
- Waray
- Zambal