Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:Ceejayjosh/Baguio Athletic Bowl

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Ceejayjosh/Baguio Athletic Bowl
Ang track at field track at grandstand ng sports complex noong 2018.

Ang Baguio Athletic Bowl ay isang 7-ektaryang sports complex na matatagpuan sa bakuran ng Burnham Park dito sa Pilipinas sa lungsod ng Baguio. Nakumpleto ito noong taong 1945, at ngayon ay nire-renovate. kasalukuyan itong nire-renovate. [1]

Ang Baguio Athletic Bowl ay itinayo sa taong 1945. [1] Ang venue ay pagmamay-ari ng Philippine Tourism Authority (PTA). Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Executive Order 224 noong Ika-10 ng Pebrero taong 1995, na naglipat ng mga responsibilidad sa pamamahala, pangangasiwa, at pagpapanatili mula sa PTA patungo sa Pamahalaang Lungsod ng Baguio.[2]

Noong unang bahagi ng 2000s, itinayo ang Olympic swimming pool ng sports complex.[3]

Ang Executive Order 695, na inilabas ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Enero 10, 2008, ay nagbigay sa lokal na administrasyon ng higit na kapangyarihan, kabilang ang karapatang "kontrolin at higit na pag-unlad" ng Burnham Park.[2]

2009 na panukala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinaupahan ng Pamahalaang Lungsod ng Baguio ang parke sa isang hindi nasabing kumpanya para bumuo ng "Athletic Bowl" at "Burnham Park" sa halagang P1.43 kada metro kuwadrado. Ang kasunduan sa pagitan ng mga mamumuhunan at ang pamahalaang lungsod ay naabot noong Ika-10 ng Disyembre taong 2009, at kalaunan ay inaprubahan ng konseho ng lungsod noong Ika-11 ng Disyembre sa parehong taon. Ang ari-arian ay inaasahang uupahan sana sa loob ng 25 taon na may buwanang pag-upa na P100,000 bawat buwan, ito din ay may 10 porsiyentong itinaas pagkatapos ng limang taon. Kasama sa plano ay ang pagtatayo ng hotel, mga pasilidad ng pagsasanay sa golf, at terminal ng bus. Naging paksa ng kontrobersya sa mga residente ng Baguio ang planong pag-unlad. Noong Ika-8 ng Enero taong 2010, sinabi ng pinuno sa lungsod ng Baguio na si Reinaldo Bautista Jr. na hindi pa pinal ang plano at ito ay panukala parin.[2] Ang panukala ay kalaunang ibinasura ng pamahalaang lungsod.[4]

2014-2016 na pagsasaayos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa taong 2012, nagpahayag si Mayor Mauricio Domogan ng mga bagong plano tungo sa pagpapaunlad ng "Baguio Athletic Bowl" at "Burnham Park". Ang plano ay nagdulot ng mga alalahanin kay Konsehal Edison Bilog na pinayuhan ang mga residente ng Baguio na manatiling mapagbantay laban sa komersyalisasyon ng parke at pagputol ng mga puno para sa pagpapaunlad partikular sa mga nasa "World Park" sa likod ng Athletic Bowl. Sagot ni Domogan, hindi maaapektuhan ng pag-unlad ang mga punong binanggit ni Bilog at ipinadala na niya ang mga tuntunin ng sanggunian ng proyekto sa konseho ng lungsod.[4]

Ang Athletic Bowl ay sasailalim sa mga pagsasaayos sa hindi bababa sa tatlong yugto. Kasama sa Phase 1 ang pagtatayo ng isang multipurpose office, isang grandstand, at 75% na pagkumpleto ng mga bleachers ng venue.Ang mga bleachers ay inilagay ng Department of Public Works and Highways sa Cordillera.Nakumpleto ang Phase 1 noong Enero 2015, at nagsimula ang Phase 2 ng renovation. Nahinto ang Phase 2 noong unang bahagi ng Pebrero 2015 dahil sa pagho-host ng Baguio ng 2015 Cordillera Administrative Region Athletic Association Meet at taunang Panagbenga Festival. Ipinagpatuloy ang Phase 2 matapos ang pagdiriwang ng Panagbenga noong Marso.[5] [6]

Ang Phase 2 ay nakatakdang matapos sa Pebrero taong 2016, sa oras para sa "2016 Cordillera Administrative Region Athletic Association (Cara) meet" [7] Kabilang dito ang pag-install ng mga rubber track mula sa Switzerland, ang pagkumpleto ng mga hindi natapos na bleachers, at ang pag-aayos ng mga lumang sistema ng paagusan o "drainage system" ng venue. Spurway Enterprises at Ang R.U. Aquino Construction ay kasangkot sa yugtong ito.[1] [8]

2016 Muling pagbubukas at karagdagang pagsasaayos

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lokal na mananakbo, na si James Tellas ay tumatakbong nakasuot ng tradisyonal na bahag kasama ang isang kapwa mananakbo bilang bahagi ng seremonya ng inagurasyon ng bagong rubberized track noong Ika-29 ng Enero taong 2016.

Muling binuksan sa publiko ang Baguio Athletic Bowl noong Ika-29 ng Enero taong 2016, pagkatapos ng humigit-kumulang dalawang taon ng pagpapanumbalik. Bilang bahagi ng muling pagbubukas ng seremonya, nagsagawa ng 5,000-meter fun run.[9]

Noong Marso 13, 2020, nagsagawa ng groundbreaking ceremony para simulan ang mga pagsasaayos, na kinabibilangan ng pagpapalawak ng grandstand ng 50 metro (160 talampakan), pagdaragdag ng 360 upuan, at pag-install ng mga ilaw. [10] Gayunpaman, nahinto ang rehabilitasyon dahil sa pinaigting na community quarantine sa Luzon na ipinatupad upang labanan ang epidemya ng COVID-19. Nakaplanong ipagpatuloy ang trabaho sa Agosto 2020.[11] Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ang pag-bid sa dalawang pangunahing proyekto para sa sports complex: isang multi-level parking structure at isang Youth Convergence Center, na magbibigay-daan sa lungsod na magdaos ng mga indoor sports contest.[12] [13] [14]

Mga Pasilidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "DPWH wants oval rehab finished soon". Sun Star Baguio. Setyembre 7, 2015. Nakuha noong Setyembre 7, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Corsino, Nikka (Enero 10, 2010). "Baguio OKs 'irregular' Athletic Bowl deal". GMA News. Nakuha noong Setyembre 7, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Pool opening pushed to later date". Setyembre 10, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Dumlao, Artemio (Setyembre 1, 2012). "Baguio Athletic Bowl dev't project stirs controversy". The Philippine Star. Nakuha noong Setyembre 7, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Pasagoy, Mark Victor (Marso 5, 2015). "Athletic Bowl rehab resumes". Sun Star Baguio. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 20, 2018. Nakuha noong Setyembre 7, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Pasagoy, Mark Victor (Nobyembre 4, 2014). "Council approves Athletic Bowl rehab fund". Sun Star Baguio. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 20, 2018. Nakuha noong Setyembre 7, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Baguio Athletic Bowl ready for Caraa". Sun.Star Baguio. Enero 24, 2016. Nakuha noong Enero 24, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Pasagoy, Mark Victor (Hulyo 31, 2015). "Master plan needed for Athletic Bowl". Sun Star Baguio. Nakuha noong Setyembre 7, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Pasagoy, Mark Victor (Enero 29, 2016). "City reopens newly improved Athletic Bowl". Sun Star Baguio. Nakuha noong Enero 31, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Lobien, Pigeon (Marso 17, 2020). "Baguio breaks ground for P49-M athletic bowl grandstand". Philippine News Agency. Nakuha noong Hunyo 24, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Lobien, Pigeon (Hunyo 24, 2020). "P49-M budget for upkeep of Baguio Athletic Bowl restored". Philippine News Agency. Nakuha noong Hunyo 24, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Lobien, Pigeon (Marso 1, 2021). "P491M athletic bowl projects ready for bidding". Baguio Herald Express. Nakuha noong Abril 2, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. See, Dexter (Pebrero 27, 2021). "City to pursue put up of Athletic Bowl parking structure". Baguio Herald Express. Nakuha noong Abril 2, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Comanda, Zaldy (Marso 7, 2021). "Bidding for P392-M Youth Convergence Center in Baguio slated". Manila Bulletin. Nakuha noong Abril 2, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Padron:Baguio [[Kategorya:Mga koordinado sa Wikidata]]