Tagagamit:Coconutinstead/Philippine Science High School Main Campus
Padron:Db-author Ang Philippine Science High School - Main Campus (salin: Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Pangunahing Kampus) ay ang pangunahing kampus ng Philippine Science High School System. Ito ay itinatag noong 1964. Ito ay matatagpuan sa kahabaan ng Agham Road, Diliman, Quezon City.
Ang Campus
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasama sa 7.5 ektaryang campus ang dalawang pangunahing gusali, ang Science and Humanities Building (SHB), at ang Advanced Science and Technology Building (ASTB).
Karamihan sa mga klase ay ginaganap sa SHB. Karamihan sa mga pangkat ng kaguruan, katulad ng Biology, Chemistry, Integrated Science, Mathematics, Research, at Humanities Units, ay mayroong mga opisina sa ikalawang palapag ng gusaling ito. Kasama ng mga opisinang ito ay ang silid-aklatan ng paaralan at ang Guidance and Counseling Unit (GCU). Sa simula ng taong-panuruan (TP) 2016–2017, nagagamit ng mga mag-aaral at guro ang itinayong karugtung sa likod ng SHB (SHB Back Extension o SHB-BEx). Mula noong TP 2022-2023, nagagamit na rin ng mga mag-aaral at guro ang isang itinayong karugtung sa harap ng SHB (SHB Front Extension o SHB-FEx).
Dating nasa SHB ang Curriculum Instructions and Services Division (CISD) Office, Student Services Division (SSD) Office, Office of the Registrar, at Office of the Director. Gayunpaman, lumipat ang mga opisinang ito sa Administration Building nang matapos itong ipatayo para sa TP 2022-2023.
Matatagpuan sa ASTB ang mga opisina ng Management Information System (MIS) at ng ilan sa mga pangkat kaguruan tulad ng Computer Science Unit, Art-Design-Technology Unit, at Physics Unit. Ang mga ginaganap na klase sa gusaling ito ay Computer Science 3-5, Technology, Physics 2-4, Chemistry 3-4, Biology 4, Computational Crafts at Mathematical Physics.
Sa loob ng kampus ay meron ding apat na dormitoryo; tig-dalawa ang mga lalaki at ang mga babae. Sa bawat kasarian, isang dormitoryo ay para sa Baiting 9 hanggang 11, at isa naman ay para sa Baitang 7, 8, at 12.
Marami ring kagamitang panlibangan sa loob ng kampus. Isa na rito ang multipurpose gymnasium, na mayroong bowling lane, mga mesang pam-pingpong, kwartong pansayaw, palaruang basketball, at swimming pool na mala-OIympics ang laki. Sa labas ng gym, matatagpuan din ang larangan ng football, track na hugis-itlog, palaruang vollyball, at isa pang palaruang basketball.
Mga klase
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagpili sa mga makakapasok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Upang matanggap sa PSHS System, ang isang prospective na mag-aaral ay dapat pumasa sa PSHS National Competitive Exam. Upang kumuha ng pagsusulit, ang mag-aaral ay dapat kabilang sa nangungunang 10% ng graduating class. Humigit-kumulang 20,000 mga aplikasyon ang natatanggap bawat taon. Ang nangungunang 240 mag-aaral ng pagsusulit ay garantisadong mga puwang sa Main Campus. Kung sakaling ang isang mag-aaral ay ayaw pumasok sa paaralan o nais na lumipat sa ibang campus, ang mga mag-aaral mula sa listahan ng naghihintay ay tatawagin upang ma-enroll sa Main Campus upang makumpleto ang 240 na mga puwang na inilaan ng system. [1] Pagkatapos ay nahahati sila sa walong seksyon na may 30 mag-aaral o mas kaunti sa bawat seksyon. Pagkatapos ng unang taon ng batch, ang mga slot na na-dismiss ng mga na-dismiss na mag-aaral o ng mga pipiliing lumipat ay pupunan ng mga bagong mag-aaral na kwalipikado sa pamamagitan ng placement exam na ibinibigay sa mga mag-aaral na kabilang sa pinakamataas na porsyento ng kanilang batch sa ibang paaralan. [2] Gayunpaman, sa kasalukuyan ay hanggang Grade 9 na mga mag-aaral lamang ang pinapayagang maging transferee. Pagkatapos, ang natitirang mga mag-aaral na lamang ang natitira na makakapagtapos sa Main Campus. [[Kategorya:Mga koordinado sa Wikidata]] [[Kategorya:Infobox mapframe without OSM relation ID on Wikidata]]
- ↑ Freshman Applicants, PSHS Main Campus website
- ↑ Transfer, PSHS Main Campus website