Tagagamit:Gorillanoodles

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Mabuhay! Ako si Gorillanoodles. Weirdo ba yung pangalan? Eh weirdo kasi ako sa totoong buhay!

Kasalukuyang kumukuha ng Batsilyer ng Artes sa Ingles (Bachelor of arts in English) sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Sta. Mesa, Maynila. Bumagsak sa UPCAT, milagrong nakapasa sa PUPCET. 17 taong gulang.

Umaasang makakapagtapos at makakapaglakad sa PICC sa taong 2018 ng may karangalan. Nagnanais na makapaglakbay sa buong Pilipinas at sa Hapon. Mahilig sa Anime, Manga, Videogames, pagguhit, musika, literatura, robotika, agham (partikular sa astronomiya), at sa kalikasan.

Kasalukuyang naninirahan sa isang bahay na may 3 palapag sa Cainta, Rizal sa halagang 5,000 piso kada buwan na renta (lol ayos).

Isa sa mga layunin ko ang pagdaragdag at pagpaparami at pagpapayabong ng laman ng mga artikulo dito sa Tagalog Wikipedia. Sadyang nakakalungkot lang na halos hindi kumpleto ang laman ng karamihan sa mga artikulo rito. Hindi ko man gaano gamay ang mga pamantayang gramatikal sa Tagalog o Filipino, maasahang maglalagay at magdaragdag ako ng maraming impormasyon (syempre bubusisiin at kikilatisin muna itong maigi) kaya't kung may makita man kayong mali sa ginamit kong salita o kung ano man, 'wag matakot na i-edit ito o kaya'y kausapin ako. Gayundin, layunin ko ang pagsasalin ng mga artikulo mula sa ibang wika (partikular sa Ingles Wiki) tungo sa Tagalog/Filipino, pero isa rin sa mga layunin ko ang gumawa ng mga orihinal na artikulo.

Mga naimabag[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Gin Tama, Marso 24, 2016