Tagagamit:Inthereseting/UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang UP Kolehiyo ng Komunikasyong Pnagmadla o mas kilala bilang UP College of Mass Communication (CMC) ay ang nangungunang institusyon sa pag-aaral tungkol sa masmidya dito sa Pilipinas. Pormal itong itinatag sa buwan ng Marso taong 1965 bilang Institute of Mass Communication, isang independyenteng yunit ng Unibersidad ng Pilipinas na nag-aalok ng mga programa sa larangan ng pag-aaral ng midya at komunikasyon.

Ang kolehiyo ay matatagpuan sa Plaridel Hall, Ylanan Road, University of the Philippines Diliman, Quezon City. Dito matatagpuan ang dalawa sa mga Sentro ng Kahusayan sa Edukasyong Pangkomunikasyon ng Commission on Higher Education, ang Departamento ng Journalism at Communication Research. Ang departamento naman ng Broadcast Communication at Film ay parehas na kandidato para sa pagiging mga Sentro ng Pag-unlad.

Nang matapos ang termino ni Dra. Elena E. Pernia noong ika-31 ng Mayo, taong 2009 pinalitan siya ng kasalukuyang Dekano ng UP CMC na si Dr. Rolando B. Tolentino ng Film Institute. 

 

Ang orihinal na teksto ay nagmula sa English Wikipedia article na University of the Philippines College of Mass Communication.