Tagagamit:Mang kiko

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Sino Ka?

Maaring ito ang katanungan na umiikot sa iyong isip kung kaya't naiisipan mong pindutin ang dugtong na may ngalang Mang kiko.

Sino ka?... Isang iskolar ng buhay na may layuning masubukan ang mga iba't ibang bagay sa mundo. Nagtapos na walang parangal ng Batsilyer sa agham sa Agham pang kompyuter mula sa Unibersidad ng La Salle noong taong 2000.

Sino ka?... Isang taong napalayo ng husto sa kanyang ugat. Chinong ipinanganak sa Maynila at sa kasalukuyang nakikipagsapalaran dito sa Estados Unidos ng Amerika.

Sino ka?... Isang romantikong sawi. Walang ka-date sa darating na araw ng mga puso. Hayyy buhay...

Ngayon na may nalaman ka na tungkol sa akin ito lamang ang aking masasabi, sino ka?