Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:Mcdescartin/Adam David

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tungkol sa May-akda

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Adam David ay nagtapos ng BA Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman Quezon City. Karamihan sa kanyang mga akda ay ginagamitan ng wikang Ingles bilang pamamaraan sa kanyang pagsulat. Ang "Bikini Idolatry", "The El Bimbo Variations", at "City Lights" ay ilan sa mga pinakamalaking kontribusyon niya sa larangan ng panitikang Pilipino. Siya ay isa sa mga nagtatag ng “Youth and Beauty Brigade”, isang malayang pahayagan at nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo tulad nalang ng paggawa ng mga libro, at pagtatanim ng mga puno para mapalitan ang mga punong ginamit sa paggawa ng mga libro.

Si Belen at ang Kanyang Kahuli-hulihang Sorbetes na Kinain nung Huling Hapon ng Huling Taon ng Kanyang Kabataan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tauhan:

Belen- siya ang pangunahing tauhan sa kwento. Una niya naging sekswal na karanasan ay ang pagpahid ng kanyang dibdib sa karton ng sorbetes.

Anna Sanchez- Pinakamatalik na kaibigan ni Belen. Siya ay nagkaroon ng senswal na sandali noong nakatanggap siya ng tawag sa isang lalaki na nagtatanong kung gaanong kadalas siya “magkamot ng anit”

Anna- Isap pang Anna sa barkada ni Belen. Siya ay nagkaroon ng senswal na sandal habang nakadapa at minamasahe ng matandang bulag.

Camille Dolatre- kilala siya bilang si “Miloy Baboy” sa ikaapat na baitang. Siya ay nagkaroon ng unang senswal na sandali habang naghahanap ng makakain sa bahay nina Belen.

Buod:

Hinding-hindi makalimutan ni Belen ang huling sorbetes na kanyang kinain nung huling hapon ng kanyang kabataan. Habang naaalala niya ang mga sandaling iyon, umiinit ang kanyang mukha, bumibilis ang kanyang puso at namumula ang kanyang katawan. Iba’t-iba ang mga unang senswal na sandali na naranasan nina Belen at ng kanyang mga kaibigan. Para kay Belen, ang unang senswal na karanasan niya ay noong tag-init ng taong 1995 nang siya ay katorse pa lamang. Siya at ang kanyang kapatid na mongoloid na si William ay nagaantay sa sorbetero. Nang dumating ang sorbetero, dali-daling pinuntahan ni Belen ang kariton at habang siya ay pumipili ng sorbetes, ang kanyang dibdib ay ilang beses pumahid sa malamig na rabaw ng kariton. Naramdaman niyang nabuhay at nagpumiglas ang kanyang dibdib at nagustuhan niya ito. Pagkatapos makapili at mabili ang sorbetes, siya at ang kanyang kapatid ay naupo at kinain ang sorbetes. Habang kinakain ni Belen ang kanyang sorbetes, may kakaibang kaligayahan siyang naramdaman ng sandaling iyon.

Tema:

Sa maikling kwento, pinapakita dito ang pagpukaw sa senswalidad ng isang tao.


Sa Lavandera Ko, Kamias Branch

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tauhan:

Ang tagapagsalaysay- Madalas niyang napapansin si Marieton Pacheco. Siya ang tumulong kay Marieton sa mga labahan niyang nagkalat sa sahig ng Lavandera Ko.

Marieton Pacheco- Siya ang kapit-bahay ng tagapagsalaysay na madalas na makasalubong sa iba’t-ibang lugar ngunit hindi sila nagpapansinan. Nang papasok ang tagapagsalaysay sa Lavandera Ko, siya ay nabunggo at nagkalat ang kanyang mga labada.

Buod:

Si Marieton Pacheco ay kapit-bahay sa Kamias ng tagapagsalaysay. Madalas silang nagkikita sa iba’t-ibang lugar ngunit walang pwersang nagtutulak sa kanilang bumati sa isa’t-isa. Isang Sabado, nakasalubong ng tagapagsalaysay si Marieton sa Kamias branch ng Lavandera Ko. Abalang abala siya sa pagbalanse sa kanyang mga dala na hindi niya napansin si Marieton. Nabunggo ng tagapagsalaysay ang pwet ni Marieton at natapon tuloy ang mga labada niya. Tinulungan niya si Marieton sa pagpulot sa nagkalat nitong labada. Marami siyang napapansin kay Marieton at kung ano-ano ang dumadaan sa kanyang isip. Habang tinutulungan niya si Marieton, namulat siya sa realidad ng sitwasyon kung saan sila ay maaaring tinulak ng tadhana na kilalanin ang isa’t-isa.

Tema:

Sa maikling kwento, makikita rito na may kamalayan at pagnanais ang tagapagsalaysay sa kabilang kasarian. May romantikong aspeto ang kwento dahil sa paniniwala sa tadhana o hindi maiintindihang pwersang gumalaw sa pagkakataong iyon.

Mula Sa Probinsya, Habang Nagbabakasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Tauhan:

Tagapagsalaysay- Gusto niya sanang yayain magpakasal ang babaeng mahal niya sa isang bundok---kung saan man iyon. Ngunit, tinanggihan siya ng babae.

Babae- Siya ay naging nobya ng tagapagsalaysay. Ngunit nang yayain siyang magpakasal nito, tinanggihan niya.

Buod:

Ang tagapagsalaysay ay nakatayo sa isang malawak na damuhan noong isang madilim na gabi. Galing na siya sa bahay ng babaeng nais niyang pakasalan. Niyaya niya itong umalis kasama siya papunta sa isang bundok kung saan sila magpapakasal. Ngunit, kaysa isang yakap ang sumalubong sa kanya, siya ay sinampal ng babae. Naalala ng tagapagsalaysay ang sabi ng mga empleyado at kamag-anak ng kanyang ama tungkol sa kanya. Ang sabi nila, maraming namana ang tagapagsalaysay sa kanyang ama tulad ng pagiging “kaliwete”. Naaalala ng akda ang plano niya para sa kanila ng kanyang sinta. Ngunit, dahil sa isang pangyayari, hindi na ito natuloy at naiwan siyang nagiisa.

Tema:

Ang tema ng kwento ay tungkol sa pangangaliwa at ang maaaring maging bunga nito.

http://www.scribd.com/doc/28066452/Adam-David-Texticles sakangdaing.blogspot.com/

Tolentino,Romulo,Baquiran,Andrada,eds. Laglag Panty, Laglag Brief: Mga Kwentong Heterosexual. Mandaluyong : Anvil Publishing Inc., 2011.