Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:QALF/Questioning (sexuality and gender)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagkwestyon sa kasarian, sekswal na pagkakakilanlan, sekswal na oryentasyon, o lahat sa tatlo, ay isang proseso ng pagtuklas ng mga taong maaaring wala pang kasiguraduhan at nababahala tungkol sa pagtatakda ng kani-kanilang social label sa maraming dahilan. Ang letrang “Q” ay kadalasang kinakabit sa dulo ng acronym na LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) upang matukoy ang queer (kakaiba) o questioning. Ito pa nga ay mas pinalalawak bilang LGBTQIA upang mapabilang ang mga intersexuals at asexuals. Maraming mga grupo ng mag-aaral at maging mga panulatan ang isinasama ang questioning sa kanilang panitikan; sa kaso ng mga gay-straight alliance, ginagawa nila ito upang ang mga mag-aaral ay di mapilitang pumili ng kani-kanilang sekswal na pagkakakilanlan.

Ayon sa American Psychological Association, “Ang panahon ng pagdadalaga’t pagbibinata ay maaaring maging panahon ng pagtuklas, at maraming kabataan ang maaring kumwestyon sa kanilang sekswal na damdamin. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa sekswal na damdamin ay isang normal na development task ng panahon ng pagdadalaga’t pagbibinata. Minsan, ang mga kabataan ay nagkakaroon ng damdamin at karanasan para sa kaparehong kasarian at ito ay nagiging dahilan ng pagkalito sa kanilang sekswal na oryentasyon. Ang kalituhang ito ay unti-unting naglalaho sa paglipas ng panahon at iba-iba ang resulta para sa iba’t ibang tao.”

Marami sa kabataan ang umiiwas sa paglaladlad o maging sa pagkilala sa kanilang sekswal na oryentasyon dahil sa social stigma. Para sa ilan, ang pagkilala sa kanilang lesbian, gay, o bisexual identity ang tumatapos sa kanilang pagkalito. Ang mga nakatatanggap ng suporta ay kadalasang nagkakaroon ng maayos na buhay at nagpapatuloy sa karaniwang proseso ng adolescent development; at iyong mga nakakaranas ng bullying, ostracism, o iba pang paraan ng pang-aapi ay mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng suicidal thoughts at gumawa ng mga mapanganib na bagay tulad ng unprotected sex, alcohol, at paggamit ng bawal na gamot. Ang mga questioning youth ay mas mataas ang panganib sa pambibiktima, pagtatangkang magpakamatay, paggamit ng ilegal na droga, at alcohol abuse kaysa sa mga lesbian, gay, at bisexual youth.

Ang pagkaranas ng pagkabalisa at depresyon na may kaugnayan sa kawalang-katiyakan tungkol sa gender identity o seskwal na oryentasyon ay inuri bilang sexual maturation disorder ng World Health Organization sa ICD-10 sa ilalim ng “Psychological and behavioural disorders associated with sexual development and orientation”. Ang sekswal na oryentasyon ay hindi inuuri bilang isang karamdaman. Ito ay naiiba sa ego-dystonic sexual orientation kung saan ang sekswal na oryentasyon o gender identity ay pinipigilan.