Tagagamit:Ramsirbreath

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

--Ramsirbreath (makipag-usap) 15:55, 20 Marso 2013 (UTC)Halik Novel history paano nga ba nag umpisa ang HALIK novel? sino ang nag udyok na isulat ito..

Ganito po yan.

February 2012 ng magtapos ang pang lima kong novel ang SAYAD 2 (minsan at magpakailanman) mula ng sumubok akong sumulat noong Aril 2011. Sobrang pagod at puyat ang dinanas ko bago ko natapos iyon dahil sa pakiwari ko iyon na yata ang pinakamahabang kwento na naisulat ko inabot sya ng 235 pages..tatlong lingong singkad bago ko sya mabuong isulat mula sa aking imahinasyon, at isang buwan halos na editing. salamat naman at naging matagumpay inabangan ng marami.

Sa isip isip ko siguro tama na yon kailangan ko nang magpahinga marami na kasing nakakahalata na medyo bumagsak ang katawan ko..

Tol break muna ako sabi ko sa creator ng KAILYAN pages..naramdaman ko medyo atubili sya bakit nga ba ako magpapaalam ngayon lalot nasa panahon kami noon ng kasagsagan ng tirahan kabi kabila may umaaway sa kanya sinusugod sya sa kanyang pages dahil sa mga isyong copy paste na wala naman kaming kinalaman kundi mga writer na nais ibahagi sa ibat ibang pages ang may dahilan ng away..

Mag isip tayo ng ibang alternatibong libangan. naisip namin na hikayatin ang mga loyal writer ng pages na sumali sa KTS short story na kung saan magbibigay sya ng paksa at iyon ang magiging tema ng kwento sa una marami ang naengganyo nakagawa din naman ako ng dalawang maiksing kwento yata kung hindi ako nagkakamali( LOve letter at Black lady), nakakatuwa din dahil maraming reader's ang nainspired na mapabilang na maging manunulat. nakakatuwa dahil naging isa akong maliit na kasangkapan upang ayusin ang mga kwento nila sa umpisa kuntento na ako na maging taga tama ng mga maling pananagalog nila, taga ayos ng mga ipinapadalang short story ng mga reader's.

Masaya na ako doon dahil hindi ako pwersado na mag isip at bawas ang pressured ko sa sarili nakakapag concentrate pa ako sa trabaho.. Pero panandalian lang pala ang lahat dahil, kung gaano kalikot ang imahinasyon ko mas malikot pa ang utak ng creator ng pages lalo na at usapang pagpapasaya sa mga readers' at kapwa namin OFw ang pag uusapan.

Marahil na isip nya upang isa isang tabi ang isyo ng copy paste kailangang ibalik ang naunang rules sa pages na kailangan bago ang mga ilalabas na kwento at hindi pa lumalabas sa alinmang pages..

Doon nag umpisa ang KTS chalenge story, kung hindi ako nagkakamali si Annabelle Villoria ang unang nabigyan ng chalenge ang nobela nyang Heredera ang kauna unahang KTS chalenge..marami pa syang binigyan ng asignment pati ako nadamay ng ibigay nya sakin ang titulong "ANG HALIK MO".

"anong gagawin ko dito?" tanong ko sa kanya.wala akong idea paano ko paiikutin ang kwento..

"bahala ka na! kaya mo yan gumawa ka ng kwento na kikiligin ang mga mambabasa, malaki tiwala ko sayo basta kwento mo patok yan.".sabi nya.

parang nahiya ako sa sinabi nya may halong pambobola na talaga oh..hahahaha.. pero sa isip ko chalenge nga talaga ito grabe,..sige bahala na kung saan tatakbo ang kwento..sagot ko sa kanya.

Ayon at isang lingo yata akong nagmumuni muni kung paano ko gagawin ang plot ng storya, para akong sira at laging wala sa sarili habang nagtratrabaho, madalas daw kasi nakatulala ako..sabi ng mga ka trabaho ko.

ang hindi nila alam naglalakbay madalas ang diwa ko nag iisip kung paano ba pagtatagni tagniin sa isip ko ang isang magandang kwento.

malaking tulong sa pag iisip ang ganda ng kapaligiran madalas nag iikot ako sa parke kung saan ako nag hahanapbuhay. may headset din ako kung saan nakikinig ng mga love song habang lumilipad ang kaisipan

sumagi sa isip ko ang isang limot na kaibigan sa Japan siguro panahon na para tuparin ko ang pangako ko sa kanya. pero paanu ko uumpisahan? hindi ko alam kung saan ko uumpisahan hangang sa sumagi sa aking isipan ang paborito kung pilekula ang "The wedding date"


Noong mag umpisa akong tipain ang kwento tila isa syang kalansay .may ulo, may katawan at paa, pero walang laman at balat.

kumbaga may simula may mga eksena sa gitna at ang pinakamalupit may wakas na ang problema paano ko pagtatagpo tagpuin ang bawat eksena.

Kung ihahalintulad sa isang bahay may wangis na. may pundasyon, may poste, may dingding may bubong pero hindi ko alam kung anung klaseng desinyo ang lalapat sa kanyang kaloob looban. anung kulay ng pintura ang magpapatingkad sa ganda nya. at anong mga kasangkapan ang babagay sa kanya bilang isang tahanan.

isa lang ang naisip kong sulusyon ang bigyan ng atensyon at mag pukos ako sa pag susulat, research dito tanong doon, nang hiram ako ng mga ladies magazine sa aking mga kaibigan ang ibay bumili pa talaga ako, minsan kasama na rin sa napagtanungan ko ay si pareng googles. isang hamon ito para sakin wika ko sa sarili..

at yon nga sa halos kulang tatlong buwan na palagi akong tulala sa trabaho.kapag may naisip na eksena takbo sa harap ng PC ko sa office titipa ng kunti habang wala pang tawag ang mga amo. pag uwi ng bahay pakabihis ibaba ko sa salas ang aking lumang LG pc at prenting mauuupo at maguumpisa ng maglakbay ang diwa.

mabuti na lang at sopportive din naman ang aking mga hausmate noong mga panahong yaon.

sila ang nagluluto ng hapunan namin.dahil alam na nilang wala na naman ako sa aking sarili, madalas nga hindi ko namamalayan mag uumaga na pala,

kapag bumalik ako sa aking kamalayan saka ko lang maiisip gutom na pala ako, lalapit ako sa mesa sa aking harapan at bubuksan ang mga pingang may taklob .kailangan kong lamnan ang aking sikmura bago ako matulog kahit malamig na ang pagkain,

kumbakit kasi kanina pa nila ako tinatawag upang maghapunan nasa harap ko lang sila pero tila hindi ko naririnig ,pagkakalalam ko puro susunod na at oo lang ang sagot ko sa tawag nila habang nagtitipa.

hindi kasi ako maka alis sa harap ng pc kapag naglakbay na ang aking imahinasyon wala na ako sa aking sarili .kahit nga yata buhatin mo ang television at refrigerator sa harapan ko hindi ko mamalayan eh.

kapag naman kinausap mo ako titigan lang kita ,pero tila hindi kita napapansin..ganun daw ako ng mga panahong yaon sa loob halos ng tatlong buwan.

pero bilang bagitong manunulat hindi rin mawawala ang mental block inaabot din ng katamaran minsan na tila walang eksenang pumapasok sa utak mo..minsan nga naisip ko bakit ba ako nagpapakahirap magsulat.para matapos na patayin ko na lang ang bida..wahahaha..


to make story short ayon natapos din ang isang hamon..May 14, 2012 yata ng unang lumabas, masyadong nag marka sa isip ko ang lunching ng novela kong yaon dahil unang araw na i post sa pages huling araw din ng dalawa kung kaibigan sa trabaho.

na halik din ang dahilan pero wag na natin silang pag usapan.

maraming mga suliranin akong pinagdaanan ng mga panahong yaon mabuti na lang at maganda ang turn out ng kwento . ang mga comment at feedback na lang ng mga readers ang nagpapalimot sa aking mga lungkot pagkabagot at suliraning binabaka.

magtatapos ang kontrata ko ng ikatlong araw ng june pero wala pang ginagawang hakbang ang kompanya kung bibigyan pa nhila ako ng bagong kontrata,pero sa isip ko ayaw ko na uuwi na ako at baka lumipat na lang ng ibang bansa nakakasawa na ang mga panahong puro pressured ang nakakasalunga mo..

pero hindi pala mas magiging matatag pala tayo sa bawat unos na magdaraan sa ating buhay..

gaya ng kwento habang maraming tumatangkilik mas nagiging palasak at usap usapan dumarami ang mga kaaway kabi kabila kasama na ang mga naiingit.

naging hamon pang lalo ang mga bumabatikos hangang sa maisip namin ni Premier na bakit kaya hindi natin ipa hardbind ang kwento..

natawa ako sa kanyang sinabi hahaha wala tayong pera..

malay mo naman may mag sponsor. sagot nya. 'pero bukod doon kaya ko bang dalhin at ipagsangalang sa mga kritiko ang magiging kahihinatnan ng pag sasalibro ng aklat gayong hindi naman talaga ako manunulat?

hindi kaya ako lumabas na kahiya hiya sa paningin ng mga lihitimong manunulat? hindi ko pa naranasang sumubok magpadala ng storya sa mga malalaling publikasyon at kahit sa alinmang patimpalak nang pagsusualat hindi pa ako nasali kailan man.

siguro tiwala na lang sa aking mga kaibigan sa ibat ibang panig ng mundo napahinuhod ako..sige bahala na sabi ko sa sarili ko.kung hindi ko uumpisahan kailan pa?

isang biruan na nag katotoo nang nasa halos kalaghatian na ng kwento umuwi ako ng pilipinas,

mahirap ang susuungin kong laban pag uwi ko ng pilipinas alam ko. suntok sa buwan ang gagawin ko tila ako mamana ng dilis sa malabong tubig..

nakaririndi ng kaisipan ang isiping baka mabigo ako sa misyon ko.

siguro kaya ako naiwan ng eroplano sa dubai dahil sa kakaisip ko ,stranded ako ng 25 na oras at nag bakasakaling makakasakay sa mga susunod na byahe pero malas yata talaga puro punuan ang eroplano..walang pinaka magandang gawin kundi ang lumipat ng ruta nagpasya akong sumakay sa byaheng hongkong ,pag nandon na bahala na total malapit na rin naman ang pilipinas doon.at saka isa pang nag dagdag ng lakas ng lob ko ay may kapatid ako sa bansang yaon sa kanya ako magpapabili ng teket kapag nandoon na.

kahit maraming naaksayang pera at panahon sa wakas nakabalik na rin ako ng pilipinas

Isa sa mga pinagkaabalahan ko ay ang maghanap ng printing press, mahirap dahil hati ang aking atensyon .abala din kasi ako sa finishing touches ng aking barong barong na tatlong taon ko ng ipinagagawa. may kalayuan din naman ang main branch ng Centralbookstore sa rosevelt avenue sa Quezon City sa lugar ko sa Alabang, pero kasubuan na eh wala ng atrasan, gusto ko kasing pagbalik ko ng QAtar may dala na akong kopya ng First KTS novel. magandang regalo ito sa mga nag pupuyat at tumatangkilik sa kwento. yon na lang ang maiiwan ko sa kanila masya na ako doon..

nag ka problema pa ako ng kunti sa pagpapalimbag dahil hindi daw kayang i provide ng printing press ang kabuuang bilang ng aklat na ipinalilimbag ko bago ako bumalik ng ibang bansa kalahati lang daw ang kaya nila, dahil naubusan daw sila ng toner. dagdag akit ng ulo. pero wala eh anong magagawa ko inaalat yata talaga.

mabuti na lang at mabait ang bayaw ko sa pilipinas nangako syang sya na raw ang bahala pag alis ko..

marami pa akong pinag daanang hirap sa pag didistributed ng librong yan,,

gaya ng minsang magpapadala ako ng kopya sa singapore nasa pilipinas pa ako noon..

noong una ayaw pa kaming pakiharapan doon matagal na akong nakatayo sa counter hindi ako pinapansin mukha kasi yata akong basurero naka short lang kasi ako at naka t shirt siguro sa tingin noong clerk ng LBC wala akong sapat na pera para ibayad sa pagpapadala.

napakamahal ng hinihinging charge ng LBC tatlong doble ang presyo kumpara sa isang aklat.nag alala ako mapapamahal naman ang babayaran ng mga bibili..kawawa naman sila kahirap kayang hanapin ng pera..

boos gusto ko lang i try kung magkano ang charge nyo sa isang kilo sabi ko.

mahal ang charge tapos baka pagdating doon may charge pa rin..sabi nya

grabe naman yan charge na dito charge pa rin doon..eh magkano lang naman halaga nyan 400pesos tapos ang charge 1330 ang isa..

eh sir pocketbook po kasi yan mahal talaga yan ba negosyo nyo?

pare ako ang writer nyan at hindi ako nag nenegosyo order na kasi ng mga reader's yan doon..

tulala ang clerk napatitig sakin tila natauhan yata sa sinabi ko..o baka hindi makapaniwala na isang writer daw kuno ang kaharap nya..hahaha pati yong mga kasabayan ko na karamihan ay mga babae natahimik at napatingin sakin, yong isa nga na curios yata sumilip pa sa libro sa ibabaw ng mesa.

ay anu po yan naitanong nya?

romance novel book po.

tagalog po ba?

opo ako nga po ang author nito..

napangiti na lang ang babae na tila namamangha sa sinabi ko.

eh boss saglit lang dumayal sa telepono.

maya maya may inabot saking form fill upan ko daw.

Sir sige po try natin pero hindi ako sure kong may charge pa doon o wala..

nakapag padala din kami sa singapore ng 7 copies yata thru LBC..pangiti ngiti lang ang bayaw ko ng papauwi na kami habang lulan ng tricyle nya..

isa pang hindi ko makalimutang hirap ko ay ng araw na pabalik na ako habang nasa airport..excess ako ng 15 kilos. timbangin ba naman pati yong hand carry ko na nasa backpack ko na idaaan ko ng Dubai..yon kasing nasa maleta ko ay 140 copies na iksakto sa limit ng bagahe ko..

pandalas tuloy ako na mag halungkat at bawasin ang ibang damit ko at mga pasalubong na mga pagkain para sa mga kasamahang daratnan ko sa Qatar nagbawas din ako ng ilang kopya ng libro , mabuti na lang at nasa labas pa ng airport ang bayaw ko. grabe rin naman nag sestimang bulok sa airport natin paanu ko ibibigay sa bayaw ko ang excess bagage ko kung ayaw nila akong palabasin ng terminal na dala dala ko ang mga gamit ko..ipinakikiusap ko naman sa gwardiya na iwan saglit ayaw ding pumayag,

kakaloka gusto yatang ilagay ko na lang sa basurahan . pero pinoy tayo eh gagawat gagawa ng paraan nang makasilip ako ng tyempo tinawid ko ang barrier sabay bato sa bayaw ko ng excess bagage na ibinalot ko sa isa kong damit.. napatingin ang mga guwardiya pinag sabihan ako na bawal daw ang ginawa ko, pero hindi ko na pinanasin pa dali dali akong bumalik ulit sa pila para mag check in..

malas yata talaga ang checkin baggage ko sakto na pero ang handa carry ko excess pa rin ng 3 kilos 7 kilos lang ang allowed eh 11 kilos pa rin..

pare baka naman pweding palusutin mo na ako hand carry naman ito.pakiusap ko sa counter ..

eh boss bawal po kasi tatagilid po ang eroplano..kung gusto nyo bayaran nyo na lang ang ecsees nyo magkano kaya.

mga 300 dollar po..

namputsa sagot ba yon ng matinong kausap anong akala ng mamang ito bata ang kausap nya.kapag binayaran ko ang excess baggage deretso na ang takbo ng emirates airline..

iiling iling na lang ako.hindi na pweding ibawas pa ang mga 10 pirasong books naka alis na ang bayaw ko. naka isip ako na paraan ang ibay isiniksik ko sa case ng laptop ko pero talagang di na kasya..

may tatlong piraso pa talagang sobra.

pare inyo na lang ang tatlong kopya.

sir anu po ba yan?

romance novel ko yan..

ow talaga sir duda pa ang mokong,

oo ako ang writer nyan pwede mong pang regalo sa nililigawan mo kung mahilig syang magbasa..

abay ang mga hitad pati yong nasa kabilang counter na mga babae nagkagulo lalo na nang malaman nilang may pinamimigay at kaharap nila ang isang hampaslupa at mukhang gusgusing writer..

talaga naman anas ko na lang sa sarili ko pagtalikod ko sa counter nagmamadali akong pumasok kung nasan ang pila sa imigration 20 munuto na lang kasi ang nalalabi at paalis na naman ako ng kawawa kung bansa..

marami pang hirap akong pinag daanan sa pag di distributed kung san saang bansa..malaking pera ang in volve. may mga manloloko pang kunwaring readers oorder kunwari pero hindi naman pala desidedong bumili..pero ganun talaga kasama yon sa pagpapasaya ng kapwa doon sila masaya eh di tiisin na lang.

napaka hirap din namang maghanap sa lugar na hindi sigurado ang adress mayroon kasi nag papa deliver hindi nya alam kung nasaang syang location nakakaloka..

ang iba naman nakikiusyo sa kanilang mga driver.. mayroon ding sa kanila mismong amo..natatandaan ko pa nga may isang taga Oman na nakisuyo sa kanyang among omani na kapitan ng drug enforcer dito sa QAtar..

hahaha hirap na hirap kaming magkita kasi nag kanda ligaw ligaw yata sya ,malamang ibang mall yong napuntahan nya kung saan ang usapang kami ay magkikita. naiiling na lang ako ng magkita kami nakakahiya pati sya naabala ko mabili lang ang books na bilin ng kanyang kasambahay sa oman.

marami ring nakakatuwang pangyayari may mga nag offer na baka daw pweding isalin sa wikang english, at ang isang nakakatuwa kung sakaling isasa pelikula daw payag daw ba ako hahahaha..

ibang klase talaga ang kamandag ng halik ni Ram sabi ng iba sikat na daw ako..nyahaha..

hindi po totoo yan, baka iniisip lang ng iba..ako pa rin ang manunulat na nakatago sa balatkayo ni superman..

hindi naman mahalaga sakin na makilala nyo kung sino ako tama na yong minsan napa saya ko kayo dahil hindi ko po pinangarap kailanman na magiging manunulat pala ako.

nakakataba rin naman ng puso lalo na at naalala ko ang namayapa kong ama na siyang unang nagbasa sakin ng mga kwento noong akoy munting bata pa lamang..kapag umuuwi sya ng aming lalawigan mahilig syang bumili ng magasing liwayway at mga komiks. hindi pa ako marunong magbasa noon kaya habang nakahiga kami bago pa ako antukin sa gabi lalakasan nya ang pagbabasa at ako ang kanyang taga pakinig.

kung buhay sya maaring sya ang kauna unahan kung reader,

parang kailan lang sinong magsasabi na ang isang batang lumaki sa pasma, taga tinda ng buko langka puso ng saging sa kilo kilo, laman ng lansangan ng alabang taga tinda ng peryodiko,palamig, mani, sigarilyo, taga lako ng saging sa Las pinas habang sunong sunong ang bilao, kargador sa palengke..

ang dating gusgusing bata na gumaganap sa papel ng buhay ay isa ng taga pagsiwalat sa ngayon. isang instrumento ng kaaliwan

salamat sa Pag uudyok ng isa sa mga itinuturing ko ng personal na kaibigan na hindi pweding iwanan ko na lang ng basta basta. ang director at creator ng KAILYAN pages na nag bigay sa akin ng pangalang RAM si PREMIER VENTURA sampo ng kanyang mga Admin na walang sawang somoporta,sa mga kapwa ko manunulat salamat salamat..sa mga distibutor sa ibat ibang panig ng mundo salamat sa tulong nyo.. at sa libo libong mambabasa salamat sa sopporta kung wala kayo walang ramsirbreath sa FB.

higit kanino man wag nating kalimutang magpasalamat doon sa totong may ari ng lahat ng kwento ang DIYOS na maruonong sa lahat ng bagay at nagdikta at nag udyok sa akin na isulat ko ang HALIK.


sa kasalukuyan patuloy pa ring hinahanap ng mambabasa ang aklat na ito na lumaganap na sa buong mundo..