Pumunta sa nilalaman

Tagajō

Mga koordinado: 38°17′37.8″N 141°0′15.3″E / 38.293833°N 141.004250°E / 38.293833; 141.004250
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tagao, Miyagi)
Tagajō

多賀城市
Lungsod
Gusaling panlungsod ng Tagajō (taas), mga guho ng Kastilyo ng Taga (baba)
Watawat ng Tagajō
Watawat
Opisyal na logo ng Tagajō
Emblem
Kinaroroonan ng Tagajō sa Prepekturang Miyagi
Kinaroroonan ng Tagajō sa Prepekturang Miyagi
Tagajō is located in Japan
Tagajō
Tagajō
 
Mga koordinado: 38°17′37.8″N 141°0′15.3″E / 38.293833°N 141.004250°E / 38.293833; 141.004250
Bansa Hapon
RehiyonTōhoku
PrepekturaMiyagi
Pamahalaan
 • AlkaldeKikuchi Kenjirou
Lawak
 • Kabuuan19.69 km2 (7.60 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Hunyo 1, 2020)
 • Kabuuan62,869
 • Kapal3,200/km2 (8,300/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoCamellia sasanqua
- BulaklakIris sanguinea
Bilang pantawag022-368-1141
Adres1-1 Chūō 2-chōme, Tagajō-shi, Miyagi-ken 985-8531
WebsaytOpisyal na websayt

Ang Tagajō (多賀城市, Tagajō-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Miyagi, Hapon. Magmula noong 1 Hunyo 2020 (2020 -06-01), may tinatayang populasyon na 62,869 katao ang lungsod sa 27,869 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 3,200 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 19.64 square kilometre (7.58 mi kuw). Ipinangalan ang lungsod sa Kastilyo ng Taga, ang kabisera ng Lalawigan ng Mutsu noong panahong Nara.

Bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Mutsu ang lugar ng kasalukuyang Tagajō, at tinitirhan na ito ng mga Emishi mula noong panahong Jōmon. Ayon sa Shoku Nihongi, kasunod ng isang malakas na lindol noong 715 P.K., maraming tao ang lumipat dito mula sa katimugang rehiyong Kantō kaya nakabuo ng maraming nakukutaang mga pamayanan sa looban. Noong 729 P.K., nagtayo ang dinastiyang Yamato ng Kastilyo ng Taga, isang nakukutaang pamayanan, bilang sentrong militar upang makatatag ng kapangyarihan sa rehiyon at protektahan ang mga kolonisador. Naging kabiserang pampangasiwaan ng Lalawigan ng Mutsu ang kuta sa ilalim ng sistemang Ritsuryō. Ang tsunami noong 869 P.K. ay nagdulot ng malawakang pagbaha sa kapatagan ng Sendai at winasak ang bayan ng Tagajō. Natukoy ng arkeologong mga pagsisiyasat ang mga labi ng mga gusaling buhat sa ika-8 at ika-9 na mga dantaon sa ilalim ng kasalukuyang bayan, na tinakpan ng mga sedimentong ipinetsa sa kalagitnaan ng ika-10 dantaon.[2]

Noong huling bahagi ng panahong Heian, pinamunuan ng Hilagang Fujiwara ang lugar. Noong panahong Sengoku, pinagtatalunan ng iba-ibang mga angkang samurai ang lugar bago napasailalim ito sa angkang Date ng Dominyong Sendai noong panahong Edo, sa ilalim ng kasugunang Tokugawa.

Kasunod ng pasimula ng panahong Meiji, itinatag ang makabagong nayon ng Tagajō kasabay ng paglikha ng kasalukuyang sistema ng mga munisipalidad noong Abril 1, 1889. Mula 1945 hanggang 1954, matatagpuan sa bayan ang Kampo Loper, isang base ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Naging isang bayan ang Tagajō noong Hulyo 1, 1951. Noong kalagitnaan ng dekada-1960, itinalaga ang bayan bilang sona ng pagpapaunlad ng industriya dahil sa pagiging malapit nito sa daungan ng Sendai. Itinalagang isang lungsod ang Tagajō noong Nobyembre 1, 1971.

Lubhang naapekto ang lungsod ng tsunami na idinulot ng lindol sa Tōhoku noong 2011.[3] Magmula noong Abril 7, 2011, nasa 177 katao ang namatay, 15 ang nawawala, at 1,811 mga tao ang nakatira sa mga tirahan para sa mga nagsilikas.[4]

Ang Tagajō ay nasa pambaybaying mga kapatagan ng gitnang-silangang bahagi ng Prepektura ng Miyagi. Nasa silangan ang Karagatang Pasipiko.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Miyagi Prefecture

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[5] lumaki nang mabilis ang populasyon ng Tagajō sa nakalipas na 70 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1940 8,199—    
1950 14,659+78.8%
1960 21,047+43.6%
1970 36,677+74.3%
1980 50,785+38.5%
1990 60,625+19.4%
2000 61,457+1.4%
2010 63,060+2.6%

Nagpapatakbo ang Sony ng Sendai Technology Center sa Tagajō.[6]

Mga ugnayang pandaigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kambal at kapatid na mga lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magkakambal ang Tagajō sa:

Takasanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Tagajō city official statistics(sa Hapones)
  2. Minoura, K.; Imamura F.; Sugawara D.; Kono Y.; Iwashita T. (2001). "The 869 Jōgan tsunami deposit and recurrence interval of large-scale tsunami on the Pacific coast of northeast Japan" (PDF). Journal of Natural Disaster Science. 23 (2): 83–88. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 1 Abril 2011. Nakuha noong 12 Marso 2011.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Japan quake-tsunami death toll likely over 10,000". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-11. Nakuha noong 2020-07-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Aoki, Mizuho (Abril 7, 2011). "U.S. teacher stays to return favor to helpful residents of Miyagi town". Japan Times. p. 3.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Tagajō population statistics
  6. "Access & Map". Sony. Nakuha noong Enero 19, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kaugnay na midya ang Tagajo, Miyagi sa Wikimedia Commons