Pumunta sa nilalaman

Tagapagsanay (palakasan)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tagapagsanay
Si Joe Torre, tagapamahal ng New York Yankees (pinakakanan), kasama ang mga tagapagsanay na sina (mula kaliwa hanggang kanan) Kevin Long, Ron Guidry, at Don Mattingly.
Hanapbuhay
Mga pangalanAtletikong tagapagsanay, tagapagsanay sa palakasan
Sektor ng aktibidad
Edukasyong pisikal, nakaplanong gawain
Paglalarawan
Mga larangan ng
trabaho
Mga paaralan
Mga kaugnay na trabaho
Guro, ahente ng palakasan

Sa palakasan, ang tagapagsanay ay ang taong sangkot sa panuto, tagubilin, at operasyon ng pagsasanay ng grupo ng manlalaro o ng isang indibidwal na atleta. Ang tagapagsanay ay maaari ring isang guro.

Pagiging epektibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si John Wooden ay may pilosopiya sa pagsasanay na naghihikayat ng maayos na pagpaplano, organisasyon, at pag-unawa,[1] at naniniwala siyang mahalaga ang kaalaman subalit hindi lamang ito ang kailangan para maging epektibong tagapagsanay.[2] Sa tradisyon, sinusukat ang kahusayan o pagiging epektibo ng pagsasanay sa pamamagitan ng bahagdan ng panalo at talo, kasiyahan ng mga manlalaro, o bilang ng taon ng karanasan sa pagsasanay,[3] subalit tulad ng sa kahusayan ng mga guro, lubhang malabo ang mga sukatan na ito.[4] Ang pagiging epektibo ng pagsasanay ay naglalarawan ng mahusay na pagsasanay,[5] na tumitingin sa gawi sa pagsasanay,[6] disposisyon, edukasyon, karanasan,[7] at kaalaman.[8]

Isang malawakang ginagamit na depinisyon ng epektibong pagsasanay ay "ang tuloy-tuloy na aplikasyon ng pinagsamang propesyonal, interpersonal, at intrapersonal na kaalaman, upang mapabuti ang kakayahan, kumpiyansa, koneksyon, at karakter ng mga atleta sa partikular na konteksto ng pagsasanay."[3][9]

Kailangang magkaroon ng kaalamang naglalarawan at kaalamang pampamamaraan ang mga tagapagsanay na nauugnay sa lahat ng aspeto ng pagsasanay, kung saan mas malayang nagagamit ng mga eksperto ang kaalamang di-nakikita.[10] Ang kaalaman ng mga guro ay nauri,[11] tulad ng kaalaman ng tagapagsanay na may iba't ibang katawagang ginagamit.[12] Nakakatulong ang mga katawagang ito sa mga manlalaro at atleta na maunawaan kung ano ang nais ipatupad ng tagapagsanay. Isa sa mga terminong ito ay ang pinahusay na puna o augmented feedback, na tumutukoy sa iba't ibang paraan kung paano maaaring magbigay ng pag-aaral ang isang tagapagsanay.[13] Maraming kategorya ang nabibilang sa kaalamang pangnilalaman, kaalamang pampagtuturo, at kalamang pampagtuturo at pangnilalaman.[14] Kapag isinasaalang-alang ang pangangailangang bumuo ng ugnayan sa iba[15] at sa mga atleta,[16] isinama ang kaalamang interpersonal.[17] Pagdating naman sa propesyonal na pag-unlad, na nangangailangan ng kakayahang matuto mula sa karanasan[18] habang ginagamit ang mapanuring pagninilay-pagnilay sa gawain o reflective practice, isinama ang kaalamang intrapersonal.[17]

Bihira sa propesyonal na isport ang isang koponan na hindi kumuha ng dating propesyonal na manlalaro, subalit magkaiba ang kaalaman sa paglalaro at pagsasanay.[19] Ang kombinasyon ng propesyonal, interpersonal, at intrapersonal na kaalaman ay maaaring magbunga ng mahusay na gawi sa pag-iisip, pagiging hinog,[20] karunungan,[21] at kakayahang gumawa ng makatuwirang pagpapasya.[3]

Propesyonalismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Bong Ramos, isang tagapagsanay ng basketbol sa Pilipinas

Ang kaalaman sa paksa, palakasan, kurikulum, at pampagtuturo ay nabibilang sa kategoryang ito ng propesyonal na kaalaman ng tagapagsanay.[17] Kasama rin dito ang iba't ibang "-olohiya" ng agham pampalakasan gaya ng:[22] sikolohiya ng palakasan, biyomekanika ng palakasan, nutrisyon sa palakasan, pisyolohiya ng ehersisyo, kontrol sa motor, kritikal na pag-iisip, sosyolohiya, lakas at kondisyon, at taktika sa palakasan,[23] pati na rin ang lahat ng kaugnay na sangay ng kaalaman.[24] Ang kategoryang ito ng kaalaman ang pangunahing tinututukan ng edukasyon ng tagapagsanay[25] subalit hindi sapat na ito lamang para maging epektibong tagapagsanay.[26]

Ang pagsasanay ay hindi lamang tungkol sa espesipikong kakayahan sa palakasan[27] at edukasyon,[28] lalo na kapag isinasaalang-alang ang kabuuang pamamaraan.[29] Ang pagpapanatiling ligtas[30] at malusog[31] ng mga atleta habang lumalahok ay responsibilidad din ng tagapagsanay, kasama na ang kamalayan sa mga sosyal na salik tulad ng relative age effect o impluwensya ng pagkakaiba sa edad.

Interpersonalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Malaki ang bahagi ng pagsasanay sa pakikipag-ugnayan sa mga manlalaro, kawani, pamayanan, kalaban, at maging sa pamilya sa kabataang palakasan.[17] Ang ugnayang nabubuo sa isang koponan ay nakakaapekto sa sosyal na interaksyon na maaaring makaapekto sa pagganap at pag-unlad ng manlalaro, kultura ng mga tagahanga,[32] at sa propesyonal na palakasan, sa pinansyal na suporta. Ang epektibong tagapagsanay ay may kaalaman na nakakatulong sa lahat ng sosyal na konteksto upang mapakinabangan ang bawat sitwasyon,[33] kung saan ang relasyon ng tagapagsanay–atleta[34] ay isa sa pinakamahalaga.[35]

Mahalaga ang mahusay na kasanayan sa komunikasyon para sa mga tagapagsanay upang maibigay sa kanilang mga atleta ang sapat na kasanayan, kaalaman, at kakayahan sa mental at taktikal.[36][37]

Intrapersonalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kakayahan ng isang tagapagsanay na magpabuti ay nakasalalay sa propesyonal na pag-unlad sa patuloy na pagkatuto, na gumagamit ng kombinasyon ng evaluasyon at mapanuring pagninilay-pagnilay sa gawain.[38] Ang pagkilala sa sariling etikal na pananaw at disposisyon ay bahagi rin ng intrapersonal knowledge.[17] Ang pag-unawa sa sarili at kakayahang magsagawa ng introspeksiyon at refleksyon ay mga kasanayan na nangangailangan ng panahon upang mapagyaman,[39] gamit ang sinadyang pagsasanay sa bawat nagbabagong konteksto.[40] Ang kahusayan sa pagsasanay ay nangangailangan ng kaalaman na ito, katulad ng mga guro,[4] dahil bawat karanasan ay maaaring magpatibay o kumontra sa naunang paniniwala tungkol sa pagganap ng manlalaro.[41] Ang panloob at panlabas na pagbabalangkas sa tungkulin ng tagapagsanay ay maaaring makaapekto sa kanilang refleksyon,[42] na nagmumungkahi na ang perspektiba ay maaaring maging limitasyon, kaya pinapayo ang pagkakaroon ng isang komunidad ng pagsasanay para sa pagsusuri at puna.

Mga plano at responsibilidad ng tagapagsanay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kurso sa pagsasanay at mga seminar sa pag-eensayo ay dumarami. Isang importanteng ginagampanan ng mga tagapagsanay, lalo na ang mga tagapagsanay ng kabataan, ay ang pagtitibay ang kaligtasan para sa mga kabataang atleta. Ito ay nangangailangan ng kaalaman tungkol sa resusitasyong kardyopulmonaryo, pag-iwas sa kakulangan ng tubig sa katawan, at pagsunod sa alituntunin sa pamamaraan tungkol pagkawala ng malay.

Ang mga tagapagsanay ay madalas din na gumagawa ng plano sa paglalaro o alituntunin sa mga gagawin ng kanilang manlalaro habang naglalaro. Sa bawat palakasan, mayroong iba’t ibang plano ng paglalaro. Halimbawa, sa larong putbol, ang tagapagsanay ay maaaring pumili na magkaroon ng isang tagabantay, apat na taga-depensa, tatlo na nakapwesto sa gitna, at dalawa sa harapan. Depende sa mga tagapagsanay na mag-desisyon kung ilang manlalaro ang maglalaro sa bawat posisyon sa oras ng laro, hangga’t hindi sila lumalagpas sa pinakamaraming bilang ng mga manlalaro na pinapayagang maglaro sa laro. Depende rin sa tagapagsanay kung saang posisyon maglalaro ang isang atleta.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gallimore, Ronald; Tharp, Roland (2004-06-01). "What a Coach Can Teach a Teacher, 1975-2004: Reflections and Reanalysis of John Wooden's Teaching Practices". The Sport Psychologist (sa wikang Ingles). 18 (2): 119–137. doi:10.1123/tsp.18.2.119. ISSN 0888-4781.
  2. Gilbert, Wade D.; Trudel, Pierre (2004). "Analysis of coaching science research published from 1970-2001". Research Quarterly for Exercise and Sport (sa wikang Ingles). 75 (4): 388–399. doi:10.1080/02701367.2004.10609172. ISSN 0270-1367. PMID 15673038. S2CID 29286247.
  3. 3.0 3.1 3.2 Côté, Jean; Gilbert, Wade (2009-09-01). "An Integrative Definition of Coaching Effectiveness and Expertise". International Journal of Sports Science & Coaching (sa wikang Ingles). 4 (3): 307–323. doi:10.1260/174795409789623892. hdl:1974/14380. ISSN 1747-9541. S2CID 53352502.
  4. 4.0 4.1 O'Sullivan, Mary; Doutis, Panayiotis (1994-05-01). "Research on Expertise: Guideposts for Expertise and Teacher Education in Physical Education". Quest (sa wikang Ingles). 46 (2): 176–185. doi:10.1080/00336297.1994.10484119. ISSN 0033-6297.
  5. Lyle, John (2005-09-16). Sports Coaching Concepts: A Framework for Coaches' Behaviour (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 978-1-134-50698-9.
  6. Horn, T. S. (2008). "Coaching effectiveness in the sport domain". Mula sa T. S. Horn (pat.). Advances in Sport Psychology (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) labas). Human Kinetics.
  7. Côté, Jean; Saimela, John; Trudel, Pierre; Baria, Abderrahim; Russell, Storm (1995-03-01). "The Coaching Model: A Grounded Assessment of Expert Gymnastic Coaches' Knowledge". Journal of Sport and Exercise Psychology (sa wikang Ingles). 17 (1): 1–17. doi:10.1123/jsep.17.1.1. ISSN 1543-2904.
  8. Anderson, John R. (Hulyo 1982). "Acquisition of cognitive skill". Psychological Review (sa wikang Ingles). 89 (4): 369–406. doi:10.1037/0033-295X.89.4.369.
  9. Sports coaching : professionalisation and practice (sa wikang Ingles). John Lyle, Chris Cushion. Edinburgh: Churchill Livingstone. 2010. ISBN 978-0-7020-3054-3. OCLC 455871432.{{cite book}}: CS1 maint: others (link)
  10. Nash, Christine; Collins, Dave (2006-11-01). "Tacit Knowledge in Expert Coaching: Science or Art?". Quest (sa wikang Ingles). 58 (4): 465–477. doi:10.1080/00336297.2006.10491894. ISSN 0033-6297. S2CID 28081721.
  11. SHULMAN, LEE S. (1986-02-01). "Those Who Understand: Knowledge Growth in Teaching". Educational Researcher (sa wikang Ingles). 15 (2): 4–14. doi:10.3102/0013189X015002004. hdl:20.500.12209/225. ISSN 0013-189X. S2CID 1673489.
  12. BERLINER, DAVID C. (1986-08-01). "In Pursuit of the Expert Pedagogue". Educational Researcher (sa wikang Ingles). 15 (7): 5–13. doi:10.3102/0013189X015007007. ISSN 0013-189X. S2CID 10099407.
  13. Williams, A. Mark; Hodges, Nicola J., mga pat. (2004-07-31). Skill Acquisition in Sport: Research, Theory and Practice (sa wikang Ingles) (ika-0 (na) labas). Routledge. doi:10.4324/9780203646564. ISBN 978-0-203-64656-4.
  14. Berliner, David C. (1991-03-01). "Educational Psychology and Pedagogical Expertise: New Findings and New Opportunities for Thinking About Training". Educational Psychologist (sa wikang Ingles). 26 (2): 145–155. doi:10.1207/s15326985ep2602_6. ISSN 0046-1520.
  15. Becker, Andrea J. (2009-03-01). "It's Not What They Do, It's How They Do It: Athlete Experiences of Great Coaching". International Journal of Sports Science & Coaching (sa wikang Ingles). 4 (1): 93–119. doi:10.1260/1747-9541.4.1.93. ISSN 1747-9541. S2CID 145755762.
  16. Jowett, Sophia; Lavallee, David, mga pat. (2007). Social Psychology in Sport (sa wikang Ingles). doi:10.5040/9781492595878. ISBN 978-1-4925-9587-8. Nakuha noong 2021-11-15.
  17. 17.0 17.1 17.2 17.3 17.4 Collinson, Vivienne (1996). Becoming an Exemplary Teacher: Integrating Professional, Interpersonal, and Intrapersonal Knowledge (sa wikang Ingles).
  18. Nater, Swen (2006). You haven't taught until they have learned : John Wooden's teaching principles and practices (sa wikang Ingles). Ronald Gallimore. Morgantown, WV: Fitness Information Technology. ISBN 1-885693-66-4. OCLC 62348868.
  19. Mielke, Danny (2007-06-01). "Coaching Experience, Playing Experience and Coaching Tenure". International Journal of Sports Science & Coaching (sa wikang Ingles). 2 (2): 105–108. doi:10.1260/174795407781394293. ISSN 1747-9541. S2CID 143760422.
  20. Heath, Douglas H. (1994). Schools of Hope: Developing Mind and Character in Today's Youth. The Jossey-Bass Education Series (sa wikang Ingles). Jossey-Bass, Inc. ISBN 978-1-55542-616-3.
  21. Arlin, Patricia Kennedy (1993-01-01). "Wisdom and expertise in teaching: An integration of perspectives". Learning and Individual Differences (sa wikang Ingles). 5 (4): 341–349. doi:10.1016/1041-6080(93)90017-M. ISSN 1041-6080.
  22. Cassidy, Tania; Jones, Robyn L.; Potrac, Paul (2015-10-30). Understanding Sports Coaching: The Pedagogical, Social and Cultural Foundations of Coaching Practice (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) labas). London: Routledge. doi:10.4324/9780203797952. ISBN 978-0-203-79795-2.
  23. Marthaler, Jon (10 Mayo 2013). "In soccer, the game plan isn't quite the same". Star Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Nobyembre 2013.[patay na link]
  24. Abraham, Andy; Collins, Dave; Martindale, Russell (2006). "The coaching schematic: validation through expert coach consensus". Journal of Sports Sciences (sa wikang Ingles). 24 (6): 549–564. doi:10.1080/02640410500189173. ISSN 0264-0414. PMID 16611568. S2CID 6817036.
  25. TRUDEL, PIERRE; GILBERT, WADE (2006), "Coaching and Coach Education", Handbook of Physical Education (sa wikang Ingles), London: SAGE Publications Ltd, pp. 516–539, doi:10.4135/9781848608009, ISBN 9780761944126, nakuha noong 2021-11-16
  26. Rieke, Micah; Hammermeister, Jon; Chase, Matthew (2008-06-01). "Servant Leadership in Sport: A New Paradigm for Effective Coach Behavior". International Journal of Sports Science & Coaching (sa wikang Ingles). 3 (2): 227–239. doi:10.1260/174795408785100635. ISSN 1747-9541. S2CID 53520328.
  27. Smoll, Frank L. (2002). Children and Youth in Sport: A Biopsychosocial Perspective (sa wikang Ingles). Kendall/Hunt Pub. ISBN 978-0-7872-8223-3.
  28. Drewe, Sheryle Bergmann (2000-02-01). "An Examination of the Relationship Between Coaching and Teaching". Quest (sa wikang Ingles). 52 (1): 79–88. doi:10.1080/00336297.2000.10491702. ISSN 0033-6297. S2CID 144582950.
  29. Potrac, Paul; Brewer, Clive; Jones, Robyn; Armour, Kathleen; Hoff, Jan (2000-05-01). "Toward an Holistic Understanding of the Coaching Process". Quest (sa wikang Ingles). 52 (2): 186–199. doi:10.1080/00336297.2000.10491709. ISSN 0033-6297. S2CID 145773702.
  30. Kliff, Sarah (2009-10-19). "Heading Off Sports Injuries, Newsweek, 5 February 2010" (sa wikang Ingles). Newsweek.com. Nakuha noong 2018-02-26.
  31. Baker, Mark. "Oregon Senate Bill 348" (sa wikang Ingles). Special.registerguard.com. Nakuha noong 2018-02-26.
  32. JONES, ROBYN L.; WALLACE, MIKE (2006), "The coach as 'orchestrator': more realistically managing the complex coaching context", The Sports Coach as Educator (sa wikang Ingles), Routledge, doi:10.4324/9780203020074-16 (di-aktibo 1 Hulyo 2025), ISBN 978-0-203-02007-4, inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-16, nakuha noong 2021-11-16{{citation}}: CS1 maint: DOI inactive as of 2025 (link)
  33. Cushion, Christopher J.; Armour, Kathleen M.; Jones, Robyn L. (2006-02-01). "Locating the coaching process in practice: models 'for' and 'of' coaching". Physical Education and Sport Pedagogy (sa wikang Ingles). 11 (1): 83–99. doi:10.1080/17408980500466995. ISSN 1740-8989. S2CID 144627986.
  34. Bruner, Mark W.; Erickson, Karl; McFadden, Kimberley; Côté, Jean (2009-03-01). "Tracing the origins of athlete development models in sport: a citation path analysis". International Review of Sport and Exercise Psychology (sa wikang Ingles). 2 (1): 23–37. doi:10.1080/17509840802687631. hdl:1974/14394. ISSN 1750-984X. S2CID 144242608.
  35. Bowes, Imornefe; Jones, Robyn L. (2006-06-01). "Working at the Edge of Chaos: Understanding Coaching as a Complex, Interpersonal System". The Sport Psychologist (sa wikang Ingles). 20 (2): 235–245. doi:10.1123/tsp.20.2.235. ISSN 0888-4781.
  36. Jowett, Sophia. "The coach-athlete partnership". researchgate.net (sa wikang Ingles). The Psychologist. Nakuha noong 25 Mayo 2022.
  37. Davis, Louise; Jowett, Sophia; Tafvelin, Susanne (2019). "Communication Strategies: The Fuel for Quality Coach-Athlete Relationships and Athlete Satisfaction". Frontiers in Psychology (sa wikang Ingles). 10: 2156. doi:10.3389/fpsyg.2019.02156. PMC 6770846. PMID 31607989.
  38. Wallis, James; Lambert, John, mga pat. (2015-11-20). Becoming a Sports Coach (sa wikang Ingles). London: Routledge. doi:10.4324/9781315761114. ISBN 978-1-315-76111-4.
  39. Knowles, Zoe; Gilbourne, David; Borrie, Andy; Nevill, Alan (2001-06-01). "Developing the Reflective Sports Coach: A study exploring the processes of reflective practice within a higher education coaching programme". Reflective Practice (sa wikang Ingles). 2 (2): 185–207. doi:10.1080/14623940123820. ISSN 1462-3943. S2CID 145406552.
  40. Knowles, Zoë; Tyler, Gareth; Gilbourne, David; Eubank, Martin (2006-05-01). "Reflecting on reflection: exploring the practice of sports coaching graduates". Reflective Practice (sa wikang Ingles). 7 (2): 163–179. doi:10.1080/14623940600688423. ISSN 1462-3943. S2CID 143452503.
  41. Nelson, Lee J.; Cushion, Christopher J. (2006-06-01). "Reflection in Coach Education: The Case of the National Governing Body Coaching Certificate". The Sport Psychologist (sa wikang Ingles). 20 (2): 174–183. doi:10.1123/tsp.20.2.174. ISSN 0888-4781.
  42. Gilbert, Wade D.; Trudel, Pierre (2004-03-01). "Role of the Coach: How Model Youth Team Sport Coaches Frame Their Roles". The Sport Psychologist (sa wikang Ingles). 18 (1): 21–43. doi:10.1123/tsp.18.1.21. ISSN 0888-4781.