Pumunta sa nilalaman

Morge

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Taguan ng patay)
Ang daang pasukan ng Mortuwaryong Pampubliko ng Victoria, isang morge sa Hongkong.
Mga palamigang pinagtataguan ng mga patay sa loob ng morge sa isang ospital.
Isang dako sa morge na may mesang pangsuri ng bangkay.

Ang morge (Ingles: morgue sa Estados Unidos; mortuary sa Nagkakaisang Kaharian[1]) ay ang opisyal na lugar kung saan dinadala ang mga bangkay ng mga taong namatay o natagpuang patay, upang masuri ang naging sanhi ng kanilang kamatayan. Pinananatili dito ang patay na kailangan pang makilala, o hanggang sa payagang ipakuha na para malibing.[1][2] Tinatawag din ang taguan ng patay na ito bilang mortuwaryo, bagaman mas espesipikong tumutukoy ang mortuwaryo sa isang silid ng punerarya kung saan binibihisan at isinasaayos ang mga bangkay.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Morgue, mortuary". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 74.
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Morgue, morge; mortuary, mortuwaryo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Arkitektura Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.