Bahay sa baybayin
Ang bahay sa baybayin ay mga uri ng bahay bakasyunan sa may tabi ng dagat na karaniwang nagsisilbing pangalawang tahanan ng may-ari o pansamantalang bahay pasyalan ng mga humihiram o umaarkila nito, partikular na para gamitin tuwing Sabado at Linggo. Sa tahanan sa dalampasigan na ito namamahinga at naglilibang ang tumutuloy o nakikutuloy upang panandaliang makatakas mula sa maabalang buhay sa kalunsuran. Naiiba ang mga tirahan sa tabing-dagat na ito mula sa isang pangmatagalang kabahayan sapagkat, bagaman maaaring maging kalapit ng lungsod o malayo man, mayroon itong mga kayariang dinisenyo upang makapaghatid ng kapayapaan sa diwa ng tumitira o namamasyal. Isang halimbawa nito ang hindi paggamit ng masyadong impersonal o hindi makapantaong teknolohiya, katulad ng pagsasaisip ng konsepto ng bahay kubo o dampa, na may payak na balangkas ng mga haligi lamang at mayroong bukas na espasyo na samasama ginagamit bilang tuluyan, kainan, at tulugan. Sa Cebu, Pilipinas, ito ang isang pamamaraang ginagamit ng mga arkitekto para sa pagtatayo ng mga bahay bakasyunang nasa dalampasigan, na sinasangkapan ng mga bagay na likas at lokal sa pook.[1]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ramos, Jacinto E. "A Place in the Sun...", Beach House, A Celebration of Cebu Architecture by the Sea, Zee Publications, Inc., Lungsod ng Cebu, Pilipinas, 2007, pahina 10, ISBN 9780979977701 (matigas na pabalat), ISBN 9789719322429 (malambot na pabalat).
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.