Pumunta sa nilalaman

Takilya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang takilya sa Iao Theater, Maui, Hawaii

Ang takilya ay ang lugar kung saan ang mga tiket para sa isang pangyayari ay binebenta sa publiko. Maaaring ganapin ng mga manangkilik ang transaksyon sa mistulang hapag, animo'y butas sa dingding o durungawan, o kaya sa isang wicket (maliit na bintana o pintuan).

Sa konteksto ng industriya ng pelikula, madalas na ginagamit ang katagang takilya na kasinghulugan ng dami ng natanggap na kalakal na nalikha ng isang partikular na produksiyon, kagaya ng pelikula o teatro.

Ang tagumpay na tinaguriang takilya ay maaaring masukat sa dami ng naibentang tiket o sa halaga ng kabuuang salaping kinita sa naibentang mga tiket. Mahalaga sa industriya ng sining ay ang pag-aaral ng mga kinita at kadalasan ay bagay na sinusundan ng mga tagahanga. Ito ang namamayani sa Hollywood.