Takipsilim (serye)
Ang Takipsilim ay isang serye ng mga bampirang, fantaserye at tungkol sa Pag-ibig na nobela na isinulat ng Amerikanang Manunululat na si Stephenie Meyer. Ang istorya ay nagsisimula kung saan si Isabella "Bella" Swan ay lumpiat sa Forks, Washington at kung saan umibig siya sa isang bampira na si Edward Cullen. Ang Ikalawang Libro (New Moon) ay tungkol sa pag-iwan at tangkang pagkakamatay ni Edward Cullen, ang Ikatlong nobela (Eclipse)ay tungkol sa isang Sundalo ng mga bagong bampira ni Victoria na kung saan tinangkang patayin si Bella at ang ika-apat (Breaking Dawn) ay tungkol sa pagkakasal ni Bella at Edward at ang pagkakaiba sa nito sa ibang tatlong libro ay ang librong ito ay dalawang tao ang kumukwento; Si Bella at Jacob Black. Meron ikalimang (Midnight Sun) na hindi pinalabas dahil ito'y nagkalat sa internet, ang laman ng libro ay ang unang libro pero ang pagkakaiba ay si Edward ang kumukwento kaysa kay Bella na di tulad sa apat na libro.
Ito'y humakot ng mga parangal dahil sa kasikatan nito. Ito'y nakabenta ng mahigit 85 Milyon ng mga kopya sa buong mundo [1] at nakasalin ito sa 38 na mga iba't ibang wika sa buong mundo.[2][3] Ang mga libro ay isa sa pinaka benta na mga libro noong 2008 sa USA Today Best Selling Books list at umabot ng mahigit na 235 na sunod sunod na linggo sa posisyon sa New York Times best seller list para sa librong pangbata.
Tatlo sa apat na mga libro ay meron pelikula base sa kanila mula sa Summit Entertainment, ang una ay Twilight na pinalabas noong 2008, ang ikalawa ay ang New Moon na bago lang pinalabas noong 20 Nobyembre 2009. Ang Ikatlong pelikula na Eclipse ay ilalabas sa 20 Hunyo 2010.[4]
Mga Libro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Takipsilim (Twilight)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Bella Swan ay lumipat mula sa Phoenix, Arizona para makasama ang tatay niya sa Forks, Washington para makalakbay ang nanay niya kasama ang kanyang bagong asawa, hiwalay ang Tatay at Nanay ni Bella. Pagkatapos ng paglipat sa Forks ay nakilala niya si Edward Cullen at agad agad nahulog ang puso niya sa kanya. Habang tumatagal ang relasyon niya kay Edward ay natututo niya ang ugali ng mga bampira at nalaman niya na hindi umiinom ang pamilya Cullen ng Dugo ng Tao kung hindi Dugo ng Hayop. Isang Bampira mula sa ibang grupo nangagalan James, ay nagugustuhan si Bella at gusto niya ito patayin. Si Bella ay nakatagumpay sa pagtakas at umalis papunta ng Phoenix, Arizona kung saan naloko siya ni James para patayin siya. Siya'y sugatan pero agad agad pumunta ang pamilya Cullen para sa kaligtasan niya. Napatay nila si James at umalis ulit pabalik sa Forks.
Bagong Buwan (New Moon)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pamilya Cullen ay lumawas sa paniniwala ni Edward na titangka niya ang buhay ni Bella. Pagkatapos ng pangyayari ay nakaranas si Bella ng matinding depresyon at kung saan naging matalik na kaibigan niya si Jacob Black, kung saan nalaman niya na si Jacob Black ay nakakabago ng anyo mula sa pagiging tao sa pagiging isang lobo. Ang buong angkan ng mga lobo ni Jacob ay pinoprotekahan si Bella sa tangka ni Victoria na patayin si Bella sa pagaganti sa pagpatay ng mga Cullens sa kay James. Nagtatangka na magpagkamatay si Edward n sa akala na nagpagkamatay si Bella, agad-agad dumating si Alice para sundoin si Bella papuntang Italia para isalbar si Edward. Sa Italia, nakilala ni Bella ang Volturi isang makapangyarihan na angkan, pinangako ni Bella na magiging isang bampira siya sa nalalapit na panahon. Ang rason bakit magiging isang bampira si Bella ay dahil siya'y maraming alam tungkol sa mga bampira at kung hindi siya magiging isa sa kanila ay ipapatay siya. Si Bella at Edward nagsama ulit at umuwi sila kasama ang mga Cullens pauwi ng Forks.ong
Eklipse (Eclipse)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Victoria, ang irog ni James mula sa Twilight, ay nagsimula ng isang grupo ng mga bagong bampira para mapatay ang Cullens at para makaganti siya kay Bella. Habang si Bella ay pinapili kung ano ang mas mahalaga para sa kanya; Ang Pag-ibig niya para kay Edward o kaya ang pagkakaibigan niya kay Jacob. Ang angkan ni Jacob at Edward ay nagsama para matalo ang mga Bagong Bampira. Sa huli, pinili ni Bella nag pag-ibig niya kay Edward at nagsabi ng oo si Bella sa alok ni Edward na magpakasal na sila.
Bukang Liwayway (Breaking Dawn)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos ng kasal ni Edward at ni Bella ay nag-honeymoon sila pero nahadlang ang kanilang honeymoon dahil nalaman ni Bella na buntis siya. Dumaranas ng matinding pagkahina si Bella at nag-agaw buhay habang pinapanganak si Reneesme. Isang Bampira mula sa ibang angkan ay pinagkamalan na si Reneesme ay isang Immortal na tao at agad agad niya pina-alam niya ito sa Volturi na bawal ang pag-exist ang isang uri ng tao sa batas ng mga bampira. Inipon ang mga saksi na hindi isang Immortal na tao si Renesmee. Sa huli nakobinse ng mga Cullens ang Volturi na hindi isang tangka sa buong lahi ng mga bampira o kaya tangka sa kanilang sikreto si Renesmee.
The Twilight Saga (Pelikula)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Serye ng Twilight ay isang serye ng mga Pelikula tungkol sa Pag-ibig at Fantaserye, ito'y basi sa Librong isinulat ni Stephenie Meyer na pareho rin ang pangalan. Pinabibidahan nito ni Robert Pattinson, Kristen Stewart at Taylor Lautner bilang Edward Cullen, Bella Swan at Jacob Black. Ang unang pelikula; Twilight ay pinalabas noong Nobyembre 2008.[5] Ang ikalawang pelikula; The Twilight Saga: New Moon ay pinalabas noong Nobyembre 2009.[6] Habang mayroong ikatlong pelikula na ipapalabas sa Hunyo ng taong 2010[7] The Twilight Saga: Eclipse.
Twilight (pelikula)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginawa ang isang pelikula basi sa librong Takipsilim at pinalabas noong Nobyembre 2008 at dinerek ni Catherine Hardwicke.
New Moon (Pelikula)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Bagong Buwan ay ginawan rin ng pelikula at pinalabas lang noong Nobyembre 2009 at dinerek ni Chris Weitz.
Eclipse (Pelikula)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pelikula na susunod sa Bagong Buwan ay ipapalabas sa Hunyo 2010.
External Links
[baguhin | baguhin ang wikitext]References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lev Grossman (2009-11-13). "It's Twilight in America". Time. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-01-19. Nakuha noong 2009-11-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kenneth Turan (2002-11-21). "Movie Review: 'Twilight'". LA Times. Nakuha noong 2008-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Khalaf, Hala (2009-06-26). "'Twilight' arrives in the Arabic world". The National. Bol. 2, blg. 71. p. 4. Nakuha noong 2009-09-05.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sperling, Nicole (2008-12-10). "'Twilight' sequel: New details on 'New Moon'". Entertainment Weekly. Time Inc. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-12-12. Nakuha noong 2009-03-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.imdb.com/title/tt1099212/releaseinfo
- ↑ http://www.imdb.com/title/tt1259571/releaseinfo
- ↑ http://www.imdb.com/title/tt1325004/