Pumunta sa nilalaman

Takipsilim sa Jakarta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Takipsilim sa Dyakarta)

Ang Takipsilim sa Jakarta ay isang maikling kwentong[1] Indones na akda ni Mochtar Lubis.

"Takipsilim sa Dyakarta"
May-akdaMochtar Lubis
Orihinal na pamagat"Senja di Jakarta"
TagapagsalinAurora E. Batnag
BansaIndonesia

Pumarada ang pulang pula at bagong-bagong Cadillac sa harap ng restawrang maraming nakaparadang kotse. Bumaba mula sa sasakyan ang mag-asawang kakikitaan ng yaman at luho o marangyang pamumuhay. Umorder ng pagkain ang dalawa nang hindi man lang tumitingin sa mga presyo ng pagkain. Samantala, isang lumang kalesang walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang dumaan sa harap ng restawran sakay ang natutulog na kutsero na si Pak Idjo. Natutulog ang kutsero habang umaandar ang kanyang kalesa dahil sa init ng panahon at dahil na rin sa gutom at sakit na kanyang nararamdaman. Nagulat ang kabayo at umalma dahil sa naghahabulang aso't pusa kaya't bigla itong nadapa. Tumama sa pulang Cadillac ang kalesa at sumira sa ilang bahagi nito. Lumabas mula sa restawran ang may-ari ng Cadillac na si Raden Kaslan at galit na galit na sinigawan ang takot na takot na si Pak Idjo. Nagpatawag ng pulis si Raden Kaslan upang ituro at mapapanagot sa pagkasira ng kanyang kotse si Pak Idjo. Luhaang nagpaliwanag si Pak Idjo sa pulis na wala talaga siyang ibabayad sa nasirang sasakyan kaya't sa huli'y nagdesisyon si Raden na hayaan na ito at pumasok na lang muli sa restawran nang galit na galit pa rin.

"Ang tagumpay ng isang tao ay magiging ganap lamang kung matututo ang kanyang puso na buksan upang dumamay sa mga kaawa-awa na nangangailangan."

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. journal log sa fil.docx - Journal 1 Takipsilim sa Jakarta(maikling kwento Mochtar Lubis ANG MAY AKDA Si Mochtar Lubis ay ipinanganak noong Marso 7 1922 coursehero.com Retrieved July 6, 2019

Mga Pinagkukunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Pinagyamang Pluma 9, by Ailene G. Baisa-Julian, Mary Grace G. del Rosario, Nestor S. Lontoc ISBN 978-971-06-3652-5, pp. 6-7, 9, 16

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.