Pumunta sa nilalaman

Taktika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Taktiks)

Ang isang taktika ay isang aksyong konseptuwal o maikling serye ng mga aksyon na may pakay na matamo ang isang layuning panandalian. Maaring ipatupad ang aksyon na ito bilang isa o higit pang partikular na gawain. Ginagamit karaniwan ang katawagan sa mga kontekstong negosyo, protesta at militar, gayon din sa ahedres, palakasan o ibang mga aktibidad na nakikipagpaligsahan.[1] Nagmula ang salita sa Sinaunang Griyego na τακτική taktike, nangangahulugan sining ng pag-areglo.

Pagkakaiba sa estratehiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang estratehiya ay isang hanay ng mga alituntunin na ginagamit upang matamo ang kabuuang layunin, samantalang ang taktika ay ang espesipikong mga aksyon na naglalayong sumunod sa mga alituntunin na yaon.[2]

Gamit sa militar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa paggamit sa militar, ginagamit ang isang taktikang militar ng isang yunit ng militar na hindi mas malaki sa isang dibisyon upang ipatupad ang isang partikular na misyon at matamo ang partikular na layunni, o upang sumulong tungo sa partikular na target.

Madalas na ipinagkakalito ang mga katawagang taktika at estratehiya: ang mga taktika ay aktuwal na kaparaanan na ginagamit upang matamo ang isang layunin, habang ang estratehiya ay ang kabuuang plano ng kampanya, na maaring kinabibilangan ng kumplikadong operasyunal na mga huwaran, aktibidad, at paggawa ng pasya na pinapamahalaan ang pagpapatupad ng taktika. Ang Dictionary of Military Terms ng Kagawaran ng Depensa ng Estados Unidos ay binibigyan kahulugan ang antas taktikal bilang "ang antas ng digmaan kung saan ang mga labanan at engkuwentro ay binabalak at pinapatupad upang matupad ang mga layuning militar na itinalaga sa mga yunit taktikal at puwersang gumagawa. Nakatuon ang mga aktibidad sa antas na ito sa inayos na pag-areglo at maniobra ng mga elemento sa labanan na may kaugnayan sa bawat isa at sa kalaban upang matamo ang mga layunin sa labanan."[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Wragg, David W. (1973). A Dictionary of Aviation (sa wikang Ingles) (ika-first (na) edisyon). Osprey. p. 259. ISBN 9780850451634.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Difference between Strategy and Tactics" (sa wikang Ingles). web-strategist.com. Nakuha noong 30 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Dictionary of Military Terms Naka-arkibo 2005-02-11 sa Wayback Machine. Copy on the Joint Chiefs of Staff site Naka-arkibo 2018-04-03 sa Wayback Machine. (sa Ingles)