Talaan ng mga tauhan ng Puella Magi Madoka Magica
Itsura
Ang mga sumusunod ay isang talaan ng mga tauhan sa seryeng anime at manga na Puella Magi Madoka Magica, kasama na ang mga iba't ibang seryeng manga na nakabase dito. Ang serye ay umiikot sa mga magical girl na tinuparan ng isang hiling para sa kahit ano kapalit sa tungkuling kumalaban ng mga masasamang mga nilalang na tinatawag na witch.
Mga tauhan sa Puella Magi Madoka Magica
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing mga tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Madoka Kaname (鹿目 まどか Kaname Madoka)
- Boses ni: Aoi Yūki (Hapones), Christine Marie Cabanos (Ingles)
- Si Madoka ay isang mabait na magiliw na 14 taong gulang na babae na galing sa isang mapagmahal na pamilya. Isang magaaral sa gitnang paaralan sa ikalawang taon, nagbago ang kanyang buhay nang nakakitaan sila ng incubator na si Kyubey na inalok siyang maging magical girl. Mababa ang tingin niya sa sarili at naniniwala na siya walang angking galing o talento at pagkatapos niyang masaksi si Mami na makipaglaban sa mga witch, ninais niya na maging magical girl katulad niya. Siya ay isang mabait at magiliw na tao at umiiwas sa gulo hanggang maari. Inaasahan niya na ang mga magical girl ay makikipagtulungan at paminsan ibinubuwis ang kanyang buhay para tulungan sila. Pagkatapos masaksi ang kamatayan ni Mami, nabahala siya sa pagiging magical girl, at siya ay nag-alinlangan habang mas nagiging malinaw ang mga peligro sa isang tungkuling inaalok sa kanya.
- Sa mga nakaraang timeline, si Madoka ay naging magical girl na nakasuot ng rosas na bistida na may pana at pangtira na may palumuti na rosas. Sa drama CD na "Memories of You", ibinunyag na ang hiling niya sa unang timeline ay upang iligtas ang isang pusa na nagngangalang Amy mula sa kamatayan. Ngunit sa bawat isa sa mga timeline, siya ay namamatay o nagiging witch na may pangalang Kriemhild Gretchen, ang Witch ng Pagkaligtas, na nagiging mas makapangyarihan sa bawat pagbalik ng oras at lumalakas rin ang kapangyarihan ni Madoka, at pagkatapos ng naturang linggo, ang mundo ay papalibutin upang maging isang paraiso na may walang kalayaan sa pagkusa o pagkatao upang magdulot ng sigalot o gulo. Sa kasulukuyang timeline bago dumating sa huling kabanata, sinasabi ni Kyubey na malaki ang pambihira ang potensyal ni Madoka sa mahika at sinabi pa na siya ay magiging diyos. Ang kadahilanan dahil dito ay di malinaw dahil ang kanyang buhay hanggang ngayon ay relatibong karaniwan at walang sakuna. Ibinunyag sa mamayang kabanata na ito ay dulot ng nagkumpil na mga kabiguhan dulot ng paulit-ulit na pagbalik n Homura ng oras na nagdulot sa pagpapalakas ng kapangyarihang mahika ni Madoka sa bawat paguulit ng oras. Sa unang timeline, malakas pa rin ang kapangyarihan ni Madoka at natalo niya pa ang Walpurgisnacht (ワルプルギスの夜 Warupurugisu no Yoru), ngunit siya rin ay namatay. Sa kasalukuyang timeline naman, siya ay may potensyal na maging pinakamakapangyarihang magical girl. Sa huli, nalaman niya ang mga tangka ni Homura na iligtas siya.
- Pagkatapos masaksi ang mga paghihirap ng mga magical girl, napagpasya ni Madoka na ang kanyang ihihiling: ang pigilan ang mga magical girl sa nakaraan, kasalukuyan, at sa hinaharap at sa bawat timeline, na maging mga witch. Ang batas ng sansinukob ay isinulat muli at sa pagitim ng mga soul gem dulot sa pagkawala ng pag-asa, si Madoka ay lalabas at lilinisin ito bago pa sumakabilang buhay ang isang magical girl. Ang dulot ng hiling na ito, siya ay naging isang nilalang na As a result of this wish, she becomes an omnipotente na kilala bilang Ultimate Madoka (アルティメット・まどか Arutimetto Madoka), at siya ay iiral sa habang panahon at nabura ang kanyang pagkabuhay bago ang kanyang pag-akyat mula sa mundo; at naiwan na ang mga nakakaala lamang sa kanya ay si Homura. Ito ay may kaunting katotohan sa kaso ng kanyang nakakabatang kapatid. Naging konsepto na lamang si Madoka sa isang bagong mundo na kilala bilang Law of Cycles (円環の理 Enkan no Kotowari). Ang mga Magical girl na sumanib sa Law of Cycles ay muling maalaala ang kanilang mga kaalaman sa buhay nila sa mga nakaraang timeline.
- Sa huli ng pelikulang Rebellion, si Ultimate Madoka ay inagawan ng puwesto ni Homura at ang kanyang pagkakalinlang pagkatao at pagkadiyos ay nahiwalay, na ang kanyang ganapin bilang isang martir na ipinilit ng mga Incubator. Inilagay ni Homura ang taong Madoka sa isang bagong sansinukob kung saan siya at ang kanyang mga kaibigan ay maaring mabuhay ng normal at walang alaala sa nakaraang timeline, ngunit bumalik ang mga alaala ni Madoka sa huling sandali at sa huling pakikipagusap kay Homura, ipinahiwatig na sa pagdating ng panahon magsasama muli ang pagkakalinlang pagkatao at pagkadiyos ni Madoka.
- Homura Akemi (暁美 ほむら Akemi Homura)
- Boses ni: Chiwa Saitō (Hapones), Cristina Vee[1] (Ingles)
- Si Homura ay isang magical girl na unang lumabas sa bangugot ni Madoka. Siya ay lumipat sa paaralan ni Madoka isang araw matapos ang panaginip. Siya ay pambihirang napakahusay sa lahat ng kanyang ginagawa kasama na sa akademiko at palakasan. Ito ay ikinasikat niya sa kabila ng kanyang malamig na pakikitungo sa ibang tao. Ang pagkatao ni Homura ay dulot ng kanyang mga kabiguhan sa pagdaan sa papalapit sa isang daang mga timeline.[2]
- Dati ay isang mahiyaing magaaral sa ikalawang baitang, siya ay naging magkaibigan kay Madoka na mamaya niligtas siya sa isang witch kasama ni Mami. Ibinunyag ni Mami na mga magical girl. Nang mamatay si Mami sa sagupahan sa witch na Walpurginacht, ibinuwis ni Madoka ang kanyang buhay upang pigilan ito. Si Homura, na nalalamon ng nawawalan ng pag-asa at pagkainutil, ay nakipagsundo kay Kyubey upang maging isang tao na poprotektahan si Madoka, katulad ng pagprotekta ni Madoka sa kanya. Ang hiling niya ang kakayanang bumalik sa una nilang pagkita kay Madoka, na nagbigay kay Homura ng kakayanan na manipulahan ang oras. Labis ang mangalaga si Homura ksy Madoka, ngunit ito ay naging baluktok na pagkahumaling sa pagtiyak kaligtasan ni Madoka anuman ang nararamdaman ni Madoka at hindi sumusko na "iligtas" ni Homura si Madoka, kahit siya ay naging mas malamig at masama ang pakikitungo sa iba at ginampanan ang tungkuling "rival hero" na archetype sa genre na magical girl. Naipit sa isang paradox ng kapalaran, siya ay paulit-ulit na sinubukan muli na pigilang makikipagsundo si Madoka kay Kyubey o mapatay, ngunit palagi siyang nabibigo. Pagkatapos ng isang pagulit ng isang timeline, si Homura ay bumabalik sa silid sa ospital na tinirhan niya. Dulot ng pagbalik ng kanyang edad noong na sa ospital siya sa bawat paguulit ng timeline, ang pisikal na edad ni Homura ay hindi tugma sa mental na edad niya; Sa pagiisip, siya at mas matanda sa kanyang itsura sa ito ay dulot ng kanyang pagbabalik ng oras na paparating sa isangdaan na siklo ng timeline.
- Ang kanyang sandatang mahika ay isang kalasag na pinuno ng buhangin na bumibigay siya ng kakayanang pigilan ang oras. Ngunit ang kakayanan na ito ay nagiging walang saysay kung siya ay napigilang ikutin ang kanyang kalasag upang gamitin ito. Maari niya rin gamiting pansangga ang kalasag at punuhan ng hindi mabilang na mga sandata na kanyang dinadala. Dahil hindi maaring gamitin mismo ang kanyang kalasag at mahika sa panlaban, siya ay lumalaban gamit ng mga ninakaw na mga baril at mga pampasabog na sariling ginawa habang pinipigil ang oras. Wala ni isa sa mga kababaihan ay may alam kung ano ang mga sandata niya dahil ginagamit niya lamang ito kapag pinipigil ang oras. Hindi maaring iulit ni Homura ang timeline hanggang hindi pa nauubos ang buhangin sa kanyang kalasag - na nangyayari sa halos isang buwan at kalahati mula sa kanyang paglabas mula sa ospital hanggang sa araw ng paglabas ng Walpurgisnacht – pagkatapos nito maari niya nang ulitin ang timeline kung kailan niyang nanaisin.
- Sa huling timeline, ibinigay sa kanya ang pana ni Madoka na may dalawang pares ng puting pakpak at ang pantira nito ay gawa sa ebony at may mga lila na brilyante. Patuloy na nakikipaglaban si Homura sa mga wraith, naniniwala na hindi mapagkailanman na mawawala ng kahirapan ang mundo at dahil ito ang mundong dati na pinotektahan ni Madoka at sinumpa na hindi man makakalimutan ang ginawa ni Madoka.
- Ang kanyang anyo na witch form sa larong PSP at sa pelikulang Rebellion ay Homulilly, kilala bilang Witch ng Mundong Mortal sa larong PSP at ang Nutcracker Witch sa Rebellion.
- Sa huliang bahagi ng Rebellion, Inagawan ng puwesto ni Homura si Ultimate Madoka at naging nilalang na kilala bilang Akuma Homura (悪魔 ほむら), at hiniwalay ang pagkakalinlang pagkatao at pagkadiyos ni Madoka, itinabi ang kanyang mga kapangyarihan at isinulat muli ang sansinikob. Si Akuma Homura ay nagkatawang tao sa bagong mundo at hindi naging isang konsepto lamang, isang pagkakaiba kay Ultimate Madoka. Inalipin niya ang lahing Incubator na nagtatrabaho para sa kanya na pamahalaan ang mga sumpa ng bagong mundo. Ang mga kapangyarihan ni Madoka ay napasaloob ng kanyang hikaw na maaring magibang anyo sa o mula sa isang anyong butiki na naglalakad sa sarili nito.
- Sayaka Miki (美樹 さやか Miki Sayaka)
- Boses ni: Eri Kitamura (Hapones), Sarah Williams (Ingles)
- Si Sayaka ang kaklase ni Madoka at pinakamatalik na kaibigan, isang magaaral sa ikalawang baitang sa paaralan ni Madoka. Siya ay masigla at kilos lalaki na may matatag na prinsipyo sa pag-ibig at katarungan. Pagkatapos na tulungan si Madoka na iligtas si Kyubey, nakipagsundo siya kay Kyubey at hiniling na gumaling ang kamay na nasa malubhang kalagayan ni Kyosuke Kamijo, ang crush niya na araw-araw na binibisitahan niya sa ospital. Bilang isang magical girl ang kanyang sandata ay espada, na maaring padamihin. Siya ay mayroon ring pambihirang kakayanang gumaling dahil sa uri ng kanyang hiling. Iginigiit ni Sayaka na ang kanyang hiling ay walang bahid ng pagkamasarili at ang pakikipagsagupahan sa mga witch ay karagdagang parangal lamang kahit matapos masaksi ang kamatayan ni Mami. Dahil ang mga paniniwala ni Sayaka ay nasusubok laban sa katotohanan ng mga kinahihitnan ng kanyang hiling dahil sa hirap ng pakikipagsagupahan, unti-unti sumama ang kanyang tingin sa mundo. Siya ay naging mapagpoot at hindi mapagkatiwala sa iba, kahit si Madoka, na binintangan si Madoka na naging makasarili. Dahil dito tila parang base sa orihinal na kuwento ng Little Mermaid si Sayaka, dahil katulad ng munting sirena na niligtas ang prinsipe mula sa tiyak na kamatayan, Ginaling ni Sayaka si Kyouseke; katulad ng paano sinuko ng munting sirena ang kanyang dila upang maging tao at mapagulog ang loob ng g prinsipe, sinuko ni Sayaka ang kanyang pagkatao upang mapagaling si Kyousuke at upang mapahulog ang loob niya sa kanya; katulad ng pagkahulog ng loob ng prinsipe sa ibang prinsesa na nagdulot sa pagkabigo ng puso ng sirena. Nahulog ang loob ni Kyousuke kay Hitomi at nabigo ang puso ni Sayaka; At sa wakas, katulad ng munting sirena na sinabihang patayin ang prinsipe upang itulo ang dugo niya sa paa niya upang maging sirena muli siya ay hindi sinunod ang sinabi sa kanya at naging bula, iniwasan ni Sayaka na linisin ang kanyang umiitim na Soul Gem, na nagdulot sa kanya na maging isang witch, katulad ng sirena.
- Matapos malaman niya na ang kanyang kaluluwa ay hindi na sa loob ng kanyang katawan, at sa halip ay na sa loob ng kanyang soul gem, nagumpisa na maniwala si Sayaka na zombie na siya; at nang nagtapat si Hitomi ng kanyang nararamdaman para kay Kyousuke, naging mapag-isa si Sayaka at tumangi sa pagtanggap ng tulong sa iba. Sa kanyang nawalan ng pag-asa, nawalan siya ng paniniwala sa sangkatauhan at katarungan, at sinuko ang kanyang mga panindigan ant ang kanyang sarili; kanya tuluyang umitim ang kanyang soul gem, at naging isang grief seed, kaya siya ay naging isang witch na kilala bilang Oktavia von Seckendorff (オクタヴィア・フォン・ゼッケンドルフ Okutavia Fon Zekkendorufu), ang witch na sirena, isang nakabaluti na sirena na witch sa kanyang labirint na may hango sa isang bulwagan ng konsiyerto, kung saan isang nilalang na may katulad kay Kyosuke ay nagtatanghal kasama ang mga ibang nilalang walang mukha. Bagamat sinubukang kausapin ni Kyoko at Madoka, nabatid nila na wala na silang magagawa upang maligtas si Sayaka. Tinapos ni Kyoko ang witch isang makapangyarihang atake at tuluyang binawian ng buhay kasama ng witch.
- Sa kabila ng muling pagsasaayos ni Madoka sa mundo sa huling timeline, humiling pa rin si Sayaka sa bagong mundo at naging magical girl kaya sa huli siya ay naglaho matapos tuluyang maggamit ang kanyang soul gem. Sa kabila nito, hindi nagsisis si Sayaka sa hiling niya at inasa na magiging masaya sila Hitomi at Kyosuke, bago siya pumunta sa kabilang buhay kasama ni Madoka.
- Sa Rebellion, tinutulungan ni Sayaka si Madoka at Nagisa sa pagligtas kay Homura, at may kaalaman sa mga nangyari sa mga naunang mga timeline dulot sa pagiging bahagi ng Law of Cycles. Ipinakita na may kakayanan siyang tumawag at magmanipula ng mga witch, kasama ang anyong witch niya na si Oktavia, ngunit kaya niya galawin ito ng hiwalay sa kanyang katawan hindi katulad ni Nagisa. Sinabi ni Sayaka na naging tagtulong siya ni Madoka dahil "sinisisi niya na iwanan si Kyoko".
- Sa huling bahagi ng Rebellion, si Sayaka at Nagisa ay inalis sa kabilang buhay ni Homura, at binigyan ng bagong buhay ni Homura sa isang bagong mundo. Hindi katulad ni Madoka at Nagisa, naalaala pa rin ni Sayaka ang kanyang mga alaala sa bagong mundo, ngunit ito ay ibinawi rin ni Homura sa pagkikita nila. Sa kabila nito, isinususmpa ni Sayaka na hindi niya makakalimutan na demonyo si Homura.
- Mami Tomoe (巴 マミ Tomoe Mami)
- Boses ni: Kaori Mizuhashi (Hapones), Carrie Keranen (Ingles)
- Si Mami ay isang beteranong magical girl at mag-aaral sa ikatlong taon sa paaralan ni Madoka. Mag-isa siyang nabubuhay sa isang penthouse matapos mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidenteng sa sasakyan. Noong panahon na iyon nagawa niya lamang na iligtas ang sarili sa pakikipagsundo kay Kyubey. Ang kanyang mga kapangyarihang mahika ay nakaikot sa mga dilaw na ribon na maaring gamitin upang iantala ang mga kalaban, at maniulahin upang gumawa ng di mabilang na mga ripleng flintlok na parang Tanegashima, kasama na ang mahika para sa pagpapagaling. Si Mami ay inilalarawang bilang stereotipikal na bidang magical girl: Siya ay nakapokus sa paglitas ng ibang tao, hindi makasarili ang paniniwala sa tungkulin ng pagiging magical girl, at kaugaliang ipangalan ang mga pangwakas na galaw. Dati niyang katambalan si Kyoko sa pakikipagsagupahan – na pinakita sa drama CD na "Farewell Story", at mas pinalawig sa larong PSP at sa The Different Story – ngunit naging magisa lamang matapos na hindi nagkasundo sa kanilang mga paniniwala.
- Bagamat sa panlabas ay siya ay masayahin at may tiwala sa sarili, sa loob malungkot si Mami dahil wala siyang mga kaibigang pwedeng makipaghabilo o tulungan siya sa mga sagupahan. Inalok ni Madoka na maging magkatambalan sila para hindi na siya malungkot ngunit biglaang namatay si Mami ng witch na may pangalang Charlotte, at hindi na nalaman ang mga mas madilim na katotohanan sa likod ng soul gem at ang pinagmulan ng mga witch. Sa isang timeline, nalaman niya ang katotohan, at pinatay si Kyoko, at tinutukan niya ng baril si Homura upang pigilan silang maging mga witch, ngunit siya ay pinatay ni Madoka. Ayon kay Yukihiro Miyamoto, ang direktor ng seryeng Puella Magi Madoka Magica, ginawa ni Mami ito sa isang kalmado at pinagisipang paraan at hindi dahil siya ay nagmaoy o nabaliw.[3][4]
- Sa huling timeline, buhay uli si Mami at nakikipagsagupahan kasama ni Kyoko at Homura.
- Ipinakita sa Rebellion na may potensyal si Mama na maging pinakamakapangyarihan si Mami sa lahat ng mga magical girl kung hindi sa kanyang kalungkutan. Nakipagkaibigan si Mami kay Bebe/Nagisa. Sa huling bahagi ng Rebellion, pagkatapos isulat muli ni Homura ang katotohanan, si Mami ay nakitang nililigtas si Nagisa mula sa mga kahon ng keso at ipinahiwatig na naging magkaibigan rin sila.
- Ang kanyang anyong witch sa larong PSP ay Candeloro, ang Witch ng Dress-up, ang pinakamaliit na witch - na hindi lalaki sa tsarera.
- Kyoko Sakura (佐倉 杏子 Sakura Kyōko)
- Boses ni: Ai Nonaka (Hapones), Lauren Landa (Ingles)
- Si Kyoko ay isang beteranong magical girl na bumisita sa lungsod pagkatapos ng pagkamatay ni Mami, Natatangi ang kanyang mahabang pulang buhok, pangil, at labis na gana sa pagkain, halos palaging nakikita na may dalang pagkain. Galing siya sa isang mahirap na pamilya sa simbahan at hiniling niya na makinig ang mga tao sa mga turo ng kanyang ama. Nang malaman ng kanyang ama ukol dito, siya ay namaoy at pinatay ang lahat ng miyembro ng kanyang pamilya maliban kay Kyoko. Mula noon, napagpasya na gagamitin ni Kyoko ang mahika sa pansarili lamang dahil ayon sa kanya masama lamang ang idudulot nito kung gagamitin para tulungan ang iba. Dahil nagmula sa mahirap na pamilya, siya ay karaniwang nagnanakaw ng pagkain at labis na galit sa mga taong nagaaksaya nito. Kapareha ang pagtrato niya sa mga grief seed, at nakikipaglaban lamang sa mga ganap na mga witch.
- Si Kyoko ay matagal na naging magical girl kaysa sa iba kaya siya ay mas mahusay; siya ay may sibat na maaring ipahaba, ihati sa maraming bahagi at gumawa ng isang bola sa hulian ng isang kadena, na maaring humapit at makasaktan sa iba. Maari rin siya gumawa ng mga pansangga pang protektaha o upang pigilan ang iba na mangialam. Sa una siya ay nakikipagsagupa kay Sayaka, ngunit matapos malaman ang katotohanan sa likod ng mga soul gem, ay siya ay nakipagsimpatiya sa kanya at sinubukang tulungan siya. Isa sa mga dahilan ay naaalala ni Kyoko ang dating sarili niya kay Sayaka, na naghiling para sa iba at lumaban para sa katarungan. Bagkus, nais niyang pigilan si Sayaka na ulitin ang kanyang mga dating pagkakamali at pinayunang mabuhay para sa sarili. Kahit sinalamatan siya ni Sayaka at inamin na hindi niya nauunawahan si Kyoko, pilit parin ni Sayaka na panindigan ang kanyang paniniwala sa katarungan.
- Pagkatapos maging isang witch si Sayaka, disdido si Kyoko na iligtas siya at ibalik siya sa dati. Ngunit sa huli, napagod si Kyoko a sinuko niya ang kanyang dating paniniwala na pamumuhay para sa sarili at piniling pugsahin si Oktavia at binawian ng sariling buhay sa tangka na maging payapa sa kamatayan at upang matiyak na hindi mamatay ng mag-isa si Sayaka sa pamamagitan ng pagsagad sa kanyang soul gem upang gumawa ng malaking pagsabog na ikinamatay nilang dalawa. Ngunit ang pagbubuwis ni Kyoko ay iniwanan sila Madoka at Homura na harapin ang Walpurgisnacht na nauwi sa pagkatalo ni Homura at pakikipagsundo ni Madoka.
- Sa isang naunang timeline, pinatay siya ni Mami, na disidong patayin silang lahat nang malaman na magiging witch rin sila pagdating ng panahon.
- Sa huling timeline, nabuhay si Kyoko, at nagluksa sa pagkamatay ni Sayaka sa pagsasagupa at malungkot na nabatid na sila ay "sa wakas ay naging magkaibigan".
- Sa huling bahagi ng Rebellion, isinulat muli ni Homura ang sansinukob upang mabuhay muli si Kyoko kasama ni Sayaka at may mas mabait, masiyahin ngunit mapagpabaya na pagkatao dulot ng kanyang mas mabuting buhay, sa halip ng pagiging makasarili at pala-away sa iba.
- Bago magsimula ang pangunahing kuwento, naging magkatambalan sila Kyoko at Mami's partner at dating may mahika sa paggawa ng ilusyon dahil sa kanyang hiling ng pagkalinlang na nagbibigay kakayanang gumawa ng kopya ng sarili. Pagkatapos ng kamatayan ng kanyang mga kapamilya, nawala ang kanyang mahika sa paggawa ng ilusyon at nagpasyang maging mas makasarili at nagtapos ang ugnayan kay Mami. Ang pakikipagsama na ito ay mas inilahad sa ikatlong drama CD, "The Farewell Story", ang larong PSP, at ang manga na Different Story. Sa larong PSP, ang anyong witch niya ay Ophelia, ang witch ng wǔdàn na inilalarawan bilang isang mandirigmang nakasakay sa kabayo na may kandila bilang ulunan.
- Kyubey (キュゥべえ Kyūbē)
- Boses ni: Emiri Katō (Hapones), Cassandra Lee (Ingles)
- Si Kyubey ay walang kasarian (ngunit tilang lalaki ang tingin sa sarili) na nilalang ekstraterestriyal na nagaalok ng kahit anong hiling sa isang babae kung siya ay magiging isang magical girl at makikipagsagupahan laban sa mga witch. Kung ang napiling babae ay nakipagsundo sa kanya, inililipat niya ang kaluluwa niya sa isang soul gem na nagdudulot sa kanilang katawan na mas magiging matibay upang makapagsagupa sa mga witch. Patuloy niyang inaalok si Madoka na makipagsundo sa kanya, dahil ayon sa kanya mayroon siyang napalaking potensyal sa mahika sa loob niya at siya ay magiging pinamakapangyarihan sa lahat ng mga magical girl. Siya ay maaring makita lamang ng mga magical girl o ang mga may potensyal at maari lamang makipagusap gamit ng isip. Hindi batid ang dami ng mga katawan ni Kyubey at maari ito ay walang limitadong bilang; kapag napatay ang isa, isang pa ay lilitaw upang lamunin ang labi ng napatay na katawan.
- Si Kyubey ay mula sa lahing Incubator (インキュベーター Inkyubētā), na may layong humanap at magipon ng enerhiya para pigilan ang entropiya at pigilan ang heat death ng sansinukob na nakagawa ng pamamaraan na gawing enerhiya ang mga damdamin. Pagkatapos suriin ang maraming mga espesye sa sansinukob natuklasan ng mga Incubator na ang kaluluwa ng mga tao, lalo na ang mga sa dalaga at nagdadalaga, ay may pinakamakapangyarihang anyo ng enerhiyang ito. Pinakamakapangyarihan ito kapag ang soul gem ng isang magical girl ay naging isang grief seed, at ito ay iniipon at ginagamit sa pagpigil ng entropiya. Iginigiit ni Kyubey na walang damdamin ang kanyang lahi (ang mga may damdadamin sa kanila ay itinuturing abnormal), at may kauunting pagunawa sa pagpapahalagang pantao at moralidad. Hindi nila naiintidihan kung bakit ang pagkamatay ng isang tao sa kabila ng populasyon ng tao na humihigit sa bilyon, ay ikinababahala, sa halip naniniwala sila na utilitarian ay kanilang mga gawi. Bagamat nito, si Kyubey ay isang bihasang tagamanipula kahit hindi siya nagsisingungalin, sa halip hindi niya sinasabi ang mga mahahalagang bagay ukol sa pakikipagsundo at ang mga bagay sa likod nito at kanyang nilalahad lamang kapagtinatanong sa kanya. Ayon kay Kyubey, ang pagiiral mismo ng sistemang Magi-Witch ay nagdulot sa pagusbong ng sibilisasyon ng tao at marami sa mga pangunahing pangyayari sa kasaysayan ng tao ay may kinalaman sa mga magical girl. Bagamat sinagot niya ang lahat ng mga tinanong sa kanya, marami pang bagay ukol sa sansinukob na hindi pa pinaguusapan ni Kyubey.
- Sa Puella Magi Kazumi Magica, si Kyubey ay tagasundo sa lahat ng mga magical girl sa Lungsod ng Asanaru, kasama na ang mga Pleiades Saint. Nang nalaman ng Pleiades ang katotohanan ukol sa mga magical girl, kinuha nila ang isa sa mga labi ni Kyubey, at gumawa sila ng kanilang sariling Incubator na pinangalang Jubey, na may kakayanang linisin ang mga soul gem. Si Umika ay ipinagayuma ang iba pang mga kababaihan sa lungsod upang hindi makita si Kyubey at ibinago ang kanilang mga alaala para maniwala na nakipagsundo sila kay Jubey upang tangkahing pigilan ang pagsulpot ng mga witch. Ito ay hindi nagtagumpay dahil isang kabiguhan si Jubey.
- Sa Rebellion ang mga Incubator ay inilarawan bilang lahi na may hive mind. Sa mga pangyayari ng pelikula, sinubukan ng mga Incubator, na mapasailalim nila si Ultimate Madoka at ang Law of Cycles para maibalik muli ang sistemang witch sa mga nakaraang timeline, dahil mas mainam ang dating sistema. Ngunit napigilan ang kanilang mga balak at sa huli inagawan ni Homura ang kapangyarihan ni Ultimate Madoka at inalipin ang kanilang lahi at ginamit sila bilang tagapangasiwa ng mga sumpa sa bagong mundo sa lugar ni Madoka. Si Kyubey ay huling nakita nakahiga sa lupa na nanghihina dahil siya ay namaoy sa kanyang biglahang kakayanang makaramdam kasama na ang pilitang pagpapasan ng mga pinagsamahang kawalan ng pag-asa at paghihirap ng bawat magical girl sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ohanesian, Liz (2013-10-03). "How Puella Magi Madoka Magica Shatters Anime Stereotypes | Public Spectacle | Los Angeles | Los Angeles News and Events". LA Weekly. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-17. Nakuha noong 2014-08-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://wiki.puella-magi.net/Nitro%2B_Q%26A_Panels_at_Animagic_2013
- ↑ Magica Quartet(原作) 『魔法少女まどか☆マギカ KEY ANIMATION NOTE vol.5』 シャフト、シャフト、2012年7月31日。ISBN 978-4896106435
- ↑ Magica Quartet(原作)・虚淵玄(シナリオ) 『魔法少女まどか☆マギカ The Beginning Story』 ニュータイプ(編)、角川書店、2011年12月10日。ISBN 978-4-04-110045-5