Pumunta sa nilalaman

Talataan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang talata o talataan ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap[1] na naglalahad ng isang bahagi ng isang buong pagkukuro, palagay, o paksang-diwa.

Mga bahagi ng talata

  1. Panimulang talata – ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng komposisyon. Ang layunin nito ay ang ipahayag ang paksa ng komposisyon.
  2. Talatang ganap – makikita ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon. Tungkulin nito ang paunlarin ang pangunahing paksa.
  3. Talata ng paglilipat-diwa – mahalaga ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon. Ginagamit ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na talata.
  4. Talatang pabuod – madalas na ito ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon.

Mga sanggunian

  1. University of North Carolina at Chapel Hill. "Paragraph Development". The Writing Center (sa wikang Ingles). University of North Carolina at Chapel Hill. Nakuha noong 20 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)