Pumunta sa nilalaman

Talon ng Tappiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Talon ng Tappiya

Ang Talon ng Tappiya ay isang talon na may taas na 70 metro sa kabundukan ng Banawe. Matatagpuan ito sa barangay Batad, bayan ng Banaue sa probinsya ng Ifugao kung saan naroroon ang Hagdang-hagdang Palayan ng Batad, na isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO. Ang ngalan ng talon ay mula sa katutubong salitang nangangahulugang trap sa Ingles o bitag sa Tagalog.[1]

Ayon sa isang artikulo ng The Guardian, isa ito sa 20 pinakamagandang talon sa mundo.[2] Isa itong panturismong destinasyon subalit nirerekomenda na kumuha ng lokal na gabay dahil sa may pagkakataon ng pagguho ng lupa lalo na kung maulan. Mararating ang talon sa pamamagitan ng mga 2 hanggang 3 oras na paglalakad mula sa sentro ng Batad. Maaring lumangoy sa likas na basin o kuwengka nito.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Banaue's Breathtaking wonders: Batad Rice Terraces and Tappiya Falls". Travel (sa wikang Ingles). Setyembre 4, 2016. Nakuha noong 2022-10-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "20 of the world's best waterfalls: readers' tips". the Guardian (sa wikang Ingles). 2019-08-01. Nakuha noong 2022-10-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Insight Guides Philippines (Travel Guide with Free eBook) (sa wikang Ingles). Apa Publications (UK) Limited. 2018-01-01. ISBN 978-1-78671-856-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]