Pumunta sa nilalaman

Talong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Talong
Ang mga namumungang prutas sa halaman
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Solanales
Pamilya: Solanaceae
Sari: Solanum
Espesye:
S. melongena
Pangalang binomial
Solanum melongena
Tatlong uri ng talong, kabilang dito ang kulay puting mga bunga.
Isang lilang talong na hiniwa at hinati sa gitna para maipakita ang loob. Nagsisimula nang pumailalim sa proseso ng oksidasyon ang mga laman na nakapaligid sa mga buto, na magiging sanhi ng pagiging kayumanggi ng lamang ito. Nagaganap ito matapos ang ilang minuto pagkaraang mahiwa ang talong.

Ang talong ay isang espesye sa pamilyang Solanaceae. Itinatanim ang solanum melongena sa buong mundo para sa nakakaing prutas nito.

Kadalasang kulay lila, sinasangkap ang malaespongha, nakakasipsip na prutas sa ilang mga lutuin. Karaniwang ginagamit bilang gulay sa pagluluto, isa itong beri ayon sa botanika. Bilang miyembro ng genus Solanum, kabilang sa mga kamag-anak nito ang kamatis, sili, at patatas, ngunit galing sa Bagong Mundo ang mga iyon habang galing sa Lumang Mundo ang talong. Tulad ng kamatis, maaaring kainin ang balat at binhi nito, ngunit, kagaya ng patatas, kadalasan itong niluluto bago kainin. Mababa ang makrosustansiya at mikrosustansiya ng talong, ngunit ginagamit ito sa kulinarya dahil nakakasipsip ang prutas ng mga mantika at lasa habang niluluto.

Unang dinomestika ito mula sa S. incanum,[1][2][3] marahil nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na pagdodomestika: isa sa Timog Asya, at isa sa Silangang Asya.[4] Noong 2021, 59 milyong tonelada ang produksiyon ng talong sa mundo, at nanggaling sa Tsina at Indiya ang 86% ng kabuuan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Tsao and Lo in "Vegetables: Types and Biology" ["Mga Gulay: Mga Uri at Biolohiya"] (sa wikang Ingles). Handbook of Food Science, Technology, and Engineering by Yiu H. Hui (2006). CRC Press. ISBN 1-57444-551-0.
  2. Doijode, S. D. (2001). Seed storage of horticultural crops [Pag-iimbak ng binhi ng mga hortikultural na pananim] (sa wikang Ingles, pa 157). Haworth Press: ISBN 1-56022-901-2
  3. Doganlar, Sami; Frary, Anne; Daunay, Marie-Christine; Lester, Richard N.; Tanksley, Steven D. (1 Agosto 2002). "A Comparative Genetic Linkage Map of Eggplant (Solanum melongena) and Its Implications for Genome Evolution in the Solanaceae" [Isang Pahambing na Mapa ng Mga Henetikong Pagkakaugnay ng Talong (Solanum melongena) at Ang Mga Implikasyon Nito para sa Ebolusyon ng Henoma sa Solanaceae]. Genetics (sa wikang Ingles). 161 (4): 1697–1711. doi:10.1093/genetics/161.4.1697. PMC 1462225. PMID 12196412. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Marso 2016. Nakuha noong 3 Agosto 2012 – sa pamamagitan ni/ng www.genetics.org.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Solanum melongena". Germplasm Resources Information Network (GRIN). Agricultural Research Service (ARS), United States Department of Agriculture (USDA). Nakuha noong 20 Nobyembre 2014.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bulaklak ng talong.