Taon ng Pagsasauli
Ang Taon ng Pagsasauli, Taon ng Pagbabalik, o Taon ng Restorasyon ay ang katawagan sa isang tradisyon o kaugaliang Hudyo kung saan tuwing ikalimampung taon ay sinusunod nila ang pagbibigay ng kalayaan sa sinumang mga Israelitang naging mga alipin dahil sa kanilang mga pagkakautang. Gayundin, ibinabalik o isinasauli nila patungo sa orihinal o dating mga may-ari, o mga tagapagmana ng mga dating may-aring ito, ang alin mang pamanang lupaing ipinagbili dahil sa pagkakautang. Hindi rin nila sinasaka ang kanilang mga taniman o bukirin. Matatagpuan ito sa Aklat ng Lebitiko 25:8-55 at Aklat ni Esekiel 46:17).[1] Sa pagsasalin ni Jose Abriol ng Bibliya sa Tagalog, inilarawan ito sa mga kabanatang pinamagatang Ang Taong Hubileo at Ang Pagbabawi ng Dating Ari-arian, at ayon pa rin kay Abriol ang salitang kalayaan sa bahaging ito ng Bibliya ay nangangahulugang "pinalalaya ang mga alipin" at "ang ari-arian naman ay ibinabalik sa unang nagma-may-ari."[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ American Bible Society (2009). "Year of Restoration at Restoration, Year of; mula sa Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 134 at 136. - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Kalayaan, Levitico 25:10". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 186.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.