Pumunta sa nilalaman

Templo sa Herusalem

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Templo ng Jerusalem)

Ang Templo sa Herusalem o Banal na Templo (pangalang Hebreo: בית המקדש, Bet haMikdash, "Ang Banal na Bahay"), ay tumutukoy sa sunud-sunod o serye ng mga kayariang nasa ibabaw ng Bundok ng Templo (Har haBayit) sa loob ng Lumang Lungsod ng Herusalem. Batay sa kasaysayan, dalawang mga templo ang naitayo sa lokasyong ito, at ang templo sa hinaharap na nakalarawan sa eskatolohiyang Hudyo, ang Templo ni Solomon at Ikalawang Templo sa Herusalem(Templo ni Herodes). Ayon sa klasikong paniniwalang Hudyo, ang Templo (o ang Templong Bundok ang gumaganap bilang sumasagisag na "bangkitong patungan ng paa" ng pag-iral o presensiya ng Diyos (Ebreo: שכינה, shekhina) sa mundong pisikal.

Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah.
Moderning replika ng Arko ni Tito sa Beit Hatfutsot: Museum of the Jewish People in Tel Aviv.

Mga serbisyong pansakripisyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Tanakh, sinabi ng Diyos sa mga Israelitang ipagtayo siya ng mga ito ng isang templo at doon Siya sambahin ng mga ito, sapagkat ito ang pook kung saan inaalay ng mga pari ang mga sakripisyo para sa Kaniya. Sa Bagong Tipan ng Bibliya ng Kristyanismo, ipinaliwanag na hindi isang gusali ang "bagong templo"; sa halip, ang mismong mga tao ang pinaka-Templo ng Diyos sapagkat nabubuhay sa loob ng mga tao ang Espiritu Santo ng Diyos.[1] Ngayong wala na ang Templo sa Herusalen, sanhi ng pagwasak nito ng mga Romano, sa Hudaismo ang mga sakripisyo ay napalitan na ng mga dasal—na maaaring ialay saaanman at ninuman.[2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Committee on Bible Translation (1984). "Temple". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B12.
  2. Siddur Koren. 2009. Koren: Herusalen.
  3. http://www.chiefrabbi.org/UploadedFiles/thoughts/acharei5766.pdf[patay na link]

HudaismoBibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Hudaismo at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.