Tensor na stress-enerhiya
Ang tensor na stress-enerhiya (stress–energy tensor o stress–energy–momentum tensor) ay isang kantidad na tensor sa pisika na naglalarawan sa densidad at flux ng enerhiya at momentum sa espasyo-oras na lumalahat sa tensor na stress sa pisikang Newtoniano. Ito ay katangian ng materya(matter), radiasyon, at ng mga hindi-grabitasyonal na puwersang field. Ang tensor na stress-enerhiya ay ang pinagmumulan ng grabitasyonal na field sa mga ekwasyong field ni Einstein ng pangkalahatang relatibidad kung paanong ang masa ang pinagmumulan ng field sa grabidad ni Newton.