Teody Belarmino
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Pebrero 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Si Teody Belarmino (1922-1984) ay isang artistang Pilipino na nakagawa ng humigit-kumulang labing anim na pelikula sa kanyang tahanang LVN Pictures. Sumama siya sa pelikulang Malaya ni Mila del Sol kung saan isa siya sa mga taong gubat.
Nakatambal niya si Rebecca Gonzalez sa isang musikal na pelikulang Mutya ng Pasig at Tessie Quintana sa Candaba noong 1950
Sinubok rin niya ang komedya sa Nagsaulian ng Kandila kung saan kasama niya sina Pugo at Togo at Venus na nakapareha naman niya ang magandnag maybahay ni Gil de Leon na si Lilia Dizon
Noong 1951 gumawa siya ng pelikula sa labas ng kompanya ang Lihim ni Bathala at Singsing na Sinulid. Hanggang taong 1955 tuluyang nilisan ang LVN at naging freelancer sa pelikulang Elephant Girl ng Shaw & Sons ni Paraluman.
Gumawa rin siya ng isang pelikula sa Larry Santiago Production ang Heneral Paua. Hanggang tuluyang lumipat sa Everlasting Pictures at sumali sa mga pelikulang Prinsesa ng Kagubatan ni Celia Fuentes, Haring Tulisan ni Johnny Monteiro at Impiyerno sa Paraiso.
Kapanganakan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lugar ng Kapanganakan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1948 - Malaya (Mutya sa Gubat)
- 1949 - Ibigin mo Ako, Lalaking Matapang
- 1949 - Capas
- 1949 - Hen. Gregorio del Pilar
- 1950 - Mutya ng Pasig
- 1950 - Florante at Laura
- 1950 - Candaba
- 1950 - Nagsaulian ng Kandila
- 1950 - Tininti del Barrio
- 1951 - Ang Tapis mo Inday
- 1951 - Venus
- 1951 - Lihim ni Bathala
- 1951 - Dalawang Prinsipeng Kambal
- 1951 - Singsing na Sinulid
- 1954 - Krus na Bakal
- 1954 - Kandilerong Pilak
- 1955 - Tagapagmana
- 1955 - Elephant Girl
- 1956 - Heneral Paua
- 1956 - Princesa ng Kagubatan
- 1956 - Haring Tulisan
- 1958 - Impiyerno sa Paraiso