Pumunta sa nilalaman

Teoriya ng selula

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang selula ng kanser ng isang tao na may nukleyus (lalung-lalo na ang DNA) na may bahid na asul. Ang gitna at pinakakanan na selula ay nasa interphase, kaya may tanda ang kabuuang nukleyo. Nasa proseso ng mitosis ang selula na nasa kaliwa at lumapot na ang DNA.

Sa biyolohiya, ang teorya ng selula ay isang teoryang makaagham na kung saan ay inilalarawan ang mga katangian ng mga selula. Ang selula ay ang pangunahing yunit ng estruktura sa lahat ng organismo at pangunahing yunit din ng reproduksyon. Dahil sa patuloy na pagbuti ng mikroskopyo, sumulong ang teknolohiya ng magnipikasyon na nagsanhi upang matuklasan ang mga selula noong ika-17 siglo. Ang pagkatulas na ito ay malakihang tinangi kay Robert Hooke, at nagsimulang magkaroon ng makaagham na pagaaral sa selula, na kilala din sa tawag na biyolohiyang pangselula. Makalipas ang isang siglo, maraming debate tungkol sa selula ang nagsimula sa mga siyentipiko. Karamihan sa mga debateng ito ay tumatalakay sa kalikasan ng selular na rehenerasyon, at ang selula bilang pundamental na yunit ng buhay. Sa bandang huli, nabuo din ang teorya ng selula noong 1839. Kadalasang tinatangi ito kina Matthias Schleiden at Theodor Schwann. Subalit, maraming ibang siyentipiko tulad ni Rudolf Virchow ang nagambag sa teorya. Naging pundasyon ng biyolohiya ang teorya ng selula at pangkalahatang tinatanggap na paliwanag sa tungkulin (function) ng mga selula.

Inilalarawan sa ibaba ang tatlong tenet/aral ng teorya ng selula:

  1. Lahat ng nabubuhay na organismo ay naglalaman ng isa o marami pang selula. (Subalit, kinokonsidera itong isang kontrobersya dahil may ilang buhay na hindi naglalaman ng selula tulad na lamang ng birus ay pinagtatalunan pa bilang isang anyo ng buhay.[1])
  2. Ang selula ay ang pangunahing yunit ng estruktura at organisasyon sa organismo.
  3. Nagmula ang mga selula sa dati pang nabuhay na selula.

Modernong interpretasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinasama sa karaniwang tinatanggap na bahagi ng modernong teorya ng selula ay ang:

  1. Lahat ng kilalang nabubuhay na organismo ay binubuo ng isa o marami pang selula.[2]
  2. Lahat ng nabubuhay na selula ay nanggaling sa dati pang nabubuhay na selula sa pamamagitan ng dibisyon ng selula.
  3. Ang selula ay ang pundamental na yunit ng estruktura at tungkulin (function) sa lahat ng nabubuhay na organismo[3]
  4. Nakadepende ang aktibidad ng isang organismo sa kabuuang aktibidad ng malayang selula.
  5. Nagaganap sa mga selula ang daloy ng enerhiya (metabolismo at biyokemistri).
  6. Naglalaman ang bawat selula ng DNA na makikita sa chromosome at ang RNA ay makikita sa nukleyo at cytoplasm.[4]
  7. Lahat ng selula ay pareho sa kemikal na nilalaman sa mga organismo na kaparehang species.

Modernong Salin ng Teorya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasama sa modernong salin ng teorya ng selula na:

  • Nagaganap sa mga selula ang daloy ng enerhiya.[5]
  • Ang impormasyong hereditaryo (DNA) ay napapasa mula sa isang selula patungo sa isa pang selula[5]
  • Lahat ng selula ay pareho sa kemikal na nilalaman sa mga organismo na kaparehang species.[5]
  1. Villarreal, Luis P. (August 8, 2008) Are Viruses Alive? Scientific American
  2. Wolfe
  3. Wolfe, p. 5
  4. Wolfe, p. 8
  5. 5.0 5.1 5.2 "The modern version of the Cell Theory". Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Pebrero 2015. Nakuha noong 12 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Malayuang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]