Pumunta sa nilalaman

Teoryang pampanitikan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Teoriyang literaryo)

Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan.[1] Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.

Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa tao.

Eksistensiyalismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kapakanan ng madami na siyang pinakasentro ng kamatayan sa mundo o pagkabuhay sa mundo (death ,life)

Naturalismo

Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito. Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan, sa mga tauhan nito. Ito'y isa sa mga namamayagpag sa kasalukuyan.

Humanismo

Ipinapakita na ang tao ang simula ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao.

Romantisismo

Sa teoryang romantisismo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,bayan at iba pa.

Modernismo

Ito ay ang makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan ay hindi maunawaan, puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon ng mundo. Ang layuninin ng panitikan ay iparating ni Asiong Salonga ang nais niyang ipaabot sa mga tao gamit ang tuwirang panitikan. Samakatuwid kung ano ang nais iparating ni Rizal ay siya ring nais niyang ipaabot sa kanyang mga taga-tangkilik. walang labis at kulang, ngunit mayroong sapat lamang.walang halong simbolismo at walang halong kalokohan at hindi kailangan ng malalimang pagsusuri at pag-unawa.

Marxismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampolitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Pisikal

Nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mambabasa. Ito'y naghari sa panahon ng amerikano.

Moralismo

Ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lamang ng literal na katotohanan kundi mga panghabangbuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di mapapawing mga pagpapahalaga at kaasalan.

Sosyolohikal

Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.

Biyograpikal

Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.

Sikolohikal

„Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. Mahihinuha sa kanyang akda ang antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan, paniniwala, at pagpapahalaga, gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at kamalayan.

Arkitaypal

Ayon kay John Loui Medina at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud at Carl Jung na may di-malay na bahagi ang tao, subalit hindi ito personal na unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious na nagmumula sa "tendency na mabuo ang isang motif".

Mga sanggunian

  1. Culler 1997, p.1