Pumunta sa nilalaman

Tetrarkiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Tetrarkiya ay ang salitang pinagtibay upang ilarawan ang sistema ng pamamahala ng sinaunang Imperyong Romano na itinatag ng Romanong Emperador na si Diocleciano noong 293, na minamarkahan ang pagtatapos ng Krisis ng Ikatlong Siglo at ang paghilom ng Imperyong Romano. Ang gobyerno ng imperyo ay hinati sa pagitan ng dalawang nakatatandang emperador, ang augusti, at ang kanilang mga nakababata at itinalagang kahalili, ang caesares.

Sa una pinili ni Diocleciano si Maximiano bilang kanyang caesar sa 285, iniangat siya na maging kapuwa-augustus sa sumunod na taon; si Maximiano ang namamahala sa mga lalawigan sa kanluran at si Diocleciano ang mamamahala sa mga nasa silangan. Ang papel na ginagampanan ng augustus ay inihalintulad kay Hupiter, habang ang kaniyang caesar ay katulad ng anak ni Hupiter na si Herkules. Itinalagang caesares sina Galerius at Constantius noong Marso 293. Nagretiro sina Diocleciano at Maximiano noong Mayo 305, na nagtaas sa ranggo ng augustus para kanila Galerius at Constantius. Ang kanilang mga posisyon bilang caesares ay kinuha naman nina Valerius Severus at Maximinus Daia.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]