Thalia (nimpa)
- Para sa ibang paggamit, tingnan ang Thalia (paglilinaw).
Sa mitolohiyang Griyego, si Thalia (Θάλεια / Tháleia o Θάλια / Thália, "ang masayahin, ang namumukadkad:, mula sa θάλλειν / thállein, "mamukadkad, maging lunti") ay isang nimpa na anak ni Hephaestus. Siya ay isa ring antromorpikong pangalawang diyos ng buhay ng halaman at mga usbong, na maaaring kulminasyon ng pagpapadala ng kaalaman hinggil sa paggamit ng abong bulkaniko bilang pataba (abono), na katangian ng sinaunang bitikultura sa mga lupang bolkaniko katulad ng nasa mga pulo ng Thera at Santorini.
Ang tradisyong nakapaligid sa kaniya ay nakakalito, subalit siya ay maaaring ikinalilito sa musa, sa grasya o sa Nereid na katulad ng pangalan niya. Ipinahayag sa Saturnales (awit V) ni Macrobius kung paano dinaklot ni Zeus si Thaliang ito habang si Zeus ay nasa anyo ng isang agila, katulad ng ginawa niyang pagdakip kina Aegina, Leto at Ganymede. Pagkaraan ay nakipagtalik si Zeus sa kaniya malapit sa ilog na Symethe sa Sicily at pagkaraan ay inilibing siya ni Zeus sa lupa upang maiwasan ang pagseselos ni Hera. Ang kaniyang dalawang mga anak na magkakambal, ang tinatawag na Palici, kung gayon ay ipinanganak mula sa lupa, bagaman mayroong ibang mga may-akda na ang Palici ay ginawang mga anak na lalaki ni Hephaestus.