The Greatest Showman

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang The Greatest Showman ay isang pelikulang musikal na mula sa Estados Unidos at ipinalabas noong 2017. Dinirehe ito ni Michael Gracey at ito ang kanyang kauna-unahang pagdirehe. Sinulat naman ito nina Jenny Bicks at Bill Condon na pinagbibidahan nina Hugh Jackman, Zac Efron, Michelle Williams, Rebecca Ferguson, at Zendaya. Kinuha ng pelikula ang inspirasyon mula sa kuwento ng likha ni P. T. Barnum na Barnum & Bailey Circus at buhay ng mga tampok na atraksyon nito.

Nagsimula ang prinsipal na potograpiya sa Lungsod ng New York noong Nobyembre 2016. Nag-premiere o unang pinalabas ang pelikula noong Disyembre 8, 2017, sa loob ng barkong RMS Queen Mary 2. Nailabas sa Estados Unidos noong Disyembre 20, 2017, ng 20th Century Fox at kumita ng $ 434 milyon sa buong mundo na naging ang ikalimang live-action na pelikulang musikal na may pinakamalaking kinita sa lahat ng panahon.