Pumunta sa nilalaman

The Human Centipede (First Sequence)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
The Human Centipede (First Sequence)
Ang mga Taong Alupihan (Unang Kabanata)
DirektorTom Six
PrinodyusTom Six
Ilona Six
SumulatTom Six
Itinatampok sinaDieter Laser
Ashley C. Williams
Ashlynn Yennie
Akihiro Kitamura
MusikaPatrick Savage
Holeg Spies
SinematograpiyaGoof de Koning
In-edit niTom Six
Produksiyon
Six Entertainment
TagapamahagiBounty Films (International)
IFC Films
(United States)
Inilabas noong
  • 30 Abril 2010 (2010-04-30)
Haba
92 minutes
BansaPadron:Film Netherlands
WikaIngles
German
Hapones
Kita$252,207 (approx. €187,000)

Ang The Human Centipede (First Sequence) ay isang pelikulang katatakutang ipinalabas noong 2010 mula sa panulat at direksiyon ni Tom Six. Ang pelikula ay tumatalakay sa kuwento ng isang doktor na bumihag ng tatlong turista at ipinagdugtong- dugtong ang kanilang mga katawan sapamamagitan ng isang operasyon kung saan ang bibig o bunganga ng isang indibidwal ay direktang nakatahi o nakakonekta sa pwet ng isa pang indibidwal na siyang magbibigay daan sa pagkakabuo ng "human centipede." Ang pelikula ay pinangungunahan ng aktor na si Dieter Laser na gumaganap bilang Dr. Heiter, ang siruhano. Kabilang din sa pelikula sina Ashley C. Williams, Ashlynn Yennie, and Akihiro Kitamura na gumaganap bilang mga turistang biktima ng doktor. Ayon kay Six, ang konsepto ng pelikula ay nagmula sa pagbibiruan niya at ng kanyang mga kaibigan ukol sa mga nararapat na parusa sa mga masasamang loob ng lumalabag sa karapatan ng mga kabataan sa sekswal na dimensiyon sapamamagitan ng pangmomolestya. Sinabi din ni Six na isa pa sa mga inspirasyon ng pelikula ay ang Nazi medical experiments na isinagawa noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang pelikula ay ipinalabas sa Estados Unidos noong 28 Abril 2010, at sa mga piling sinehan sa iba't ibang bansa noong Abril 30. Sa kasalukuyan, si Tom Six ay abala sa pagkatha ng kasunod na yugto ng The Human Centipede na pinamagatan niyang : "The Human Centipede II", na nakatakdang ipalabas ngayong 2011.

Si Lindsay (Ashley C. Williams) at Jenny (Ashlynn Yennie), dalawang Amerikanong turista sa Germany, ay nabihag ng isang surihanong si Dr. Heiter (Dieter Laser)noong minsan ay humingi sila ng tulong sa huli bunsod ng di inaasahang pagkasira ng kanilang sasakyan sa isang di pamilyar na lugar. Nagising ang dalawang babaeng turista sa isang silid na mistulang klinika, kung saan nila nasaksihan si Dr. Heiter na kausap ang isa pang biktima kung saan sinabi niya ditong hindi ito angkop para sa pinaplano niyang proyekto kaya napagdesisyunan ng doktor na patayin na lamang ito. Nang muling magising ang dalawang babae may isang panibagong biktima na silang kasama sa silid sa katauhan ni Katsuro (Akihiro Kitamura), isang turistang Hapon.Ipinaliwanag ni Dr. Heiter sa kanyang mga biktima ang bawat detalye ng gagawin niyang maselang operasyon. Pagkatapos ng tangkang pagtakas ni Lindsay, isinagawa na ni Dr. Heiter ang operasyon at ipinosisyon si Lindsay sa gitna bilang parusa sa tangkang pagtakas nito. Samantalang si Katsuro naman sa unahan at si Jenny ang nakaposisyon sa likuran ng "human centipede." Bago simulan ang operasyon, inilahad ni Dr. Heiter kay Lindsay ang isinagawa niyang kawangis na operasyon sa mga aso na naging sanhi ng daliang pagkamatay ng mga hayop. Dagdag pa dito, sinabi niya sa babaeng turista na ang nakaposisyon sa gitna ang nakaranas ng pinakamalubhang pasakit. Pagkatapos ng operasyon, sinanay ni Dr. Heiter ang kanyang mga biktima at itinuring ang mga itong hayop. Lubha siyang naligayahang pagmasdan kung paano unti unting sinusubukan ni Lindsay na lunukin ang dumi ni Katsuro na direktang nakakonekta sa kanyang bibig. Gayunpaman, hindi rin nagtagal at unti unting nanghina si Jenny sanhi ng pagkalason ng dugo. Nang dalawang imbestigador sa katauhan nina Kranz (Andreas Leupold) at Voller (Peter Blankenstein) ang bumisita sa bahay ng doktor upang siyasatin at imbestigahan ang pagkawala ng mga turista, naisip ng doktor na maari niyang isama ang mga ito sa kanyang proyekto bilang kapalit ni Jenny, ngunit siya ay nabigo. Sa ikalawang pagkakataon, si Lindsay, kasma si Katsuro, ay nagtangkang tumakas ngunit muling nabigo. Dahil dito, ipinasya na lamang ni Katsuro na wakasan ang kanyang buhay sapamamagitan ng paghiwa sa kanyang leeg gamit ang isang matalas na bubog. Bumalik naman ang mga imbestigador upang ipagpatuloy ang pagsisiyasat at isang putok ang narinig ni Kranz at kalaunan ay nadiskubreng ang kasamahan niyang si Voller ang tinamaan ng bala at binaril ni Dr. Heiter. Natagpuan din niya ang biktima ng doktor ngunit wala na siyang nagawa upang tulungan ang mga ito sapagkat siya man ay binaril ng siruhano. Gayunpaman, sinikap ng imbestigador na gumanti at nagtagumpay ng tamaan niya ng baril sa ulo ang dorktor. Samantala, si Jenny at Lindsay ay magkahawak kamay habang unti- unting binabawian ng buhay ang huli. Sa pagtatapos ng pelikula, makikita si Lindsay na naiwang mag-isa sa bahay kasama ang mga walang buhay na kapwa niya biktima.

  • Dieter Laser bilang Dr. Heiter
  • Ashley C. Williams bilang Lindsay
  • Ashlynn Yennie bilang Jenny
  • Akihiro Kitamura bilang Katsuro
  • Andreas Leupold bilang Detective Kranz
  • Peter Blankenstein bilang Detective Voller

Bukod sa pelikula, si Tom Six ang nagsilbing direktor ng Dutch na serye ng Big Brother. Inilahad niya ang karanasang mabigyan ng pagkakataong obserbahan ang ilang mga tao na gumagawa ng mga kakaibang bagay dahil sa paniniwalang walang ibang taong nakakasaksi sa kanila. Dagdag pa ni Six, siya ay tahasang naimpluwensiyahan ng mga katha ni David Cronenberg at ng mga pelikulang katatakutan ng Hapon. Isa pa sa mga pangunahing inspirasyon ng pelikula ay ang kontrobersiyal na katha ni Pier Paolo Pasolini na pinamagatang Salò o kilala rin sa tawag na "120 Days of Sodom" noong 1975.

Sa pangangalap ng pondo para sa pelikula, hindi inilahad ni Six ang kumpletong detalye tungkol sa mga maseselang eksena na napapaloob sa operasyon ng "human centipede" sa pagkabahalang maging dahilan ito ng pagatras ng mga potensiyal na isponsor.

Bagama't ang orihinal na nakatalang lugar na pinangyarihan ng mga tagpo ay sa Germany, ang mga eksena ay kinunan sa Netherlands. Ang tahanan ni Dr, Heiter, kung saan naganap ang marami sa mga eksena ng pelikula, ay isang villa sa Netherlands na natagpuan ng mga tao sa likod ng produksiyon. May mga bahagyang ginawang pagbabago sa mga lugar na ginamit sa pelikula. Halimbawa nito ay ang sinehan sa basement ng villa na ginawang munting klinika ni Dr. Heiter kung saan isinagawa ang operasyon. Ang eksena sa silid ng hotel sa mga unang tagpo ng pelikula ay kinuhanan sa isang hotel sa Amsterdam. Si Dieter Laser ay nanatili sa kanyang karakter at lubusan itong pinagyabong. Idinistansiya niya ang kanyang sarili mula sa iba pang mga kabahagi ng pelikula upang higit na mapangatawanan ang kanyang karakter. Si Laser ay nakibahagi din sa pagtatala ng ilang mga linya sa "script" ng pelikula. Dahil sa hirap ng paggapang na dinadanas ng mga aktor, binibigyan sila ng masahe pagkatapos kuhanan ang bawat eksena sa pelikula. Marami sa mga sound effects na ginamit sa pelikula ay nalikha sapamamagitan lamang ng pagmamanipula sa karne ng hayop. Isang halimbawa ay ang isang eksena kung saan nabali ang buto ng ilong ng isa sa mga aktor sa pelikula. Ang tunog ay nalikha sapamamagitan ng pagpalo ng isang matigas na bagay sa karne ng hayop upang malikha ang tunog na kawangis ng hinihingi sa bawat eksena.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

1. "The Human Centipede (First Sequence)", British Board of Film Classification, 22 Hunyo 2010, nakuha noong 26 Hunyo 2010 2. Peter Bradshaw (19 Agosto 2010), "The Human Centipede (First Sequence)", The Guardian (UK), nakuha noong 28 Marso 2011 3. Tom Six. (2010). The Human Centipede (First Sequence) commentary track. [DVD]. Bounty Films. 4. Mr Disgusting (2009), "Human Centipede: The First Sequence Star Ashley C. Williams", Bloody Disgusting (The Collective), nakuha noong 11 Nobyembre 2009 5. "Sitges 09 Interview – Tom Six/Human Centipede", JoBlo.com, 22 Oktubre 2009, nakuha noong 13 Nobyembre 2009 6. Mr Disgusting (2009), "Human Centipede: The First Sequence Star Ashlynn Yennie", Bloody Disgusting (The Collective), nakuha noong 11 Nobyembre 2009 7. a b Steve Dollar (30 Abril 2010), "‘Human Centipede’ Akihiro Kitamura Gets a Leg Up", 24 Times Per Second, nakuha noong 2 Hunyo 2010 8. a b c Clark Collis (30 Abril 2010), "'Human Centipede': Director and star of the year's most disgusting horror film spill their guts", Entertainment Weekly, nakuha noong 10 Mayo 2010

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]