Thongloun Sisoulith
Thongloun Sisoulith | |
---|---|
![]() Si Thongloun Sisoulith noong 2024 | |
Kapanganakan | 10 Nobyembre 1945
|
Mamamayan | Kalawán |
Nagtapos | Herzen University Academy of Social Sciences of the Central Committee of CPSU |
Trabaho | politiko |
Opisina | Minister of Foreign Affairs (8 Hunyo 2006–20 Abril 2016) Prime Minister of Laos (20 Abril 2016–22 Marso 2021) General Secretary of the Lao People's Revolutionary Party (15 Enero 2021–) President of Laos (22 Marso 2021–) Deputy Prime Minister of Laos (27 Marso 2001–20 Abril 2016) |
Anak | Moukdavanh Sisoulith |
Si Thongloun Sisoulith ( Lao: ທອງລຸນ ສີສຸລິດ ; ipinanganak noong 10 Nobyembre 1945)[1] ay isang Laosiyanong istoryador at politiko na nagsisilbi bilang Pangkalahatang Kalihim ng Rebolusyonaryong Partido ng Laos mula noong 15 Enero 2021 at Pangulo ng Laos mula noong 22 Marso 2021.[2]
Si Thongloun ay ipinanganak at nag-aral sa lalawigan ng Houaphan, bago tumanggap ng edukasyon sa Leningrad at Mosku sa Unyong Sobyet. Sa panahon ng Digmaang Sibil sa Laos, sinuportahan niya ang Pathet Lao noong siya'y isang guro. Siya ay naging Deputadong Ministro ng Usaping Pangdayuhan noong 1987 na tumagal hanggang 1992, kung saan nagsilbi siya sa maraming iba pang mga posisyon sa gobyerno. Noong 2001, siya ay naging Deputadong Punong Ministro ng Laos bago naging Ministro ng Usaping Pangdayuhan noong 2006. Inilarawan bilang 'katamtamang pinuno' ng US embassy sa Vientiane, tumulong si Thongloun na mapabuti ang relasyong Laos-Estados Unidos, na tinanggap noong 2009 ni Senador Jim Webb at noong 2010 ni Hillary Clinton; habang pinapabuti rin ang relasyon ng Laos sa Tsina at Vietnam. Noong 2016, siya ay naging punong ministro ng Laos kung saan nagsagawa siya ng mga kampanya laban sa katiwalian. Pagkatapos ay naging Pangkalahatang Kalihim ng LPRP at Pangulo noong 2021.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "25th International Conference on The Future of Asia | Seeking a new global order -- Overcoming the chaos". future-of-asia.nikkei.jp. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-03-05. Nakuha noong 2021-01-15.
- ↑ "Laos Communist Party names PM Thongloun as new leader". Jan 15, 2021. Nakuha noong Jan 15, 2021 – sa pamamagitan ni/ng www.reuters.com.
- ↑ "Thongloun Sisoulith". www.globalsecurity.org. Nakuha noong 2023-08-10.