Pumunta sa nilalaman

Thor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Thor

Sa Mitolohiyang Norse, si Thor ay ang Diyos na tagapaghatid ng kidlat. Anak nina Odin at Fjorgyn (Jord).

Kabilang sa mga katangian ni Thor ang pagkakaroon ng matinding lakas ng katawan. Nagmamay-ari siya ng isang mahiwagang martilyo na palaging bumabalik sa kanyang kamay kapag inihahagis niya. Kapag hinahawakan ni Thor ang mahimalang martilyong ito, palagi siyang nakasuot ng mga guwantes na bakal. Mjolnir ang tawag ni Thor sa martilyong ito.[1]

Nagsusuot rin si Thor ng isang malapad na paha o sinturong panghapit sa puson, na lalong nakapagpapatindi ng kanyang lakas. Mga kalahati pa ang nadaragdag sa lakas niya dahil sa pahang ito.[1]

Malimit na nililisan ni Thor ang kanyang palasyo upang maglakbay sa mundo. Sumasakay siya sa isang karong pandigmang hinihila ng dalawang mga baka. Batay sa isang salaysay ukol sa kanyang paglalakbay, minsang nagutom si Thor kaya't kinailangan niyang huminto, iluto at kainin ang sariling mga kambing. Sa pagsapit ng kasunod na araw, hinawakan niya ang natirang mga balat ng mga kambing at muling nabuhay ang mga ito. Pagkatapos, nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Thor". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 279.