Pumunta sa nilalaman

Tiyangge

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tiyanggihan)
Isang tiyangge sa Ixcateopan de Cuauhtémoc, Guerrero sa Mehiko.

Ang isang tiyangge (Kastila sa Mehiko: tianguis o "araw ng pamilihan") ay isang panlabas na pamilihan o basar o almasen ng sari-saring mga bagay na nakaugaliang ginaganap sa partikular na mga araw ng pamimili o pagbibili (pagbebenta) sa isang pook o pamayanan ng isang bayan o lungsod. Kabilang sa mga bansang pinangyayarihan ng mga tiyangge ay ang Pilipinas at Mehiko, ngunit nagaganap din ito sa ilang mga bansa na nasa Gitnang Amerika. Ang ganitong tradisyon ng pagkakaroon ng mga basar ay mayroong mga pinag-ugatan mula sa kapanahunang prehispaniko at nagpapatuloy, sa maraming mga pagkakataon, na sadyang walang pinagbago kahit na sa kasalukuyan.[1] Ang salitang "tianguis" ay nagmula sa Nahuatl, ang wika ng Imperyong Aztec.[2] Sa mga pook na rural, maraming makatradisyong mga uri ng mga kalakal ang ipinagbibili pa rin, katulad ng mga kagamitan at mga produktong pang-agrikultura, pati na mga kalakal na moderno at ginagawa nang maramihan o pambenta. Sa mga lungsod, ang karamihang mga kalakal na maraming kung likhain ang mga ipinagbibili, subalit ang paghahanda at pagganap ng mga tiyangge ay halos magkakatulad.[2][3] Mayroon ding mga tiyangge ng mga espesyalidad na ginaganap tuwing mga kapistahan, katulad ng tuwing Pasko, pati na para sa partikular na mga uri ng mga bagay, kagaya na ng mga kotse o mga produkto ng sining.[4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Orihuela, Gabriel (Pebrero 12, 2001). "El Comercio Informal: entre negocio y cultura". Mural (sa wikang Kastila). Guadalajara, Mexico. p. 1. {{cite news}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Rios, Adalberto (Mayo 14, 2006). "Ecos de Viaje / De tianguis y mercados". Reforma (sa wikang Kastila). Lungsod ng Mehiko. p. 14. {{cite news}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Padgett, Humberto (Disyembre 9, 2004). "Invaden tianguis las calles". Reforma (sa wikang Kastila). Lungsod ng Mehiko. p. 4. {{cite news}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Marquez, Deyanira (Mayo 21, 2001). "Uno de cada 10 autos es 'chocolate' en los tianguis". Mural (sa wikang Kastila). Guadalajara, Mexico. p. 6. {{cite news}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Sorrentino, Joseph (2010). "Mexico City's Oldest Traditional Art Market". Americas (English edition). Washington, DC. 62 (2): 58–60. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)