Pumunta sa nilalaman

Tabang trans

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Trans fat)
Tabang trans

Ang tabang trans ang karaniwang pangalan ng isang uri ng tabang insaturadong nagtataglay ng tabang isomerong trans. Ang tabang trans ay maaaring monoinsaturado o poliinsaturado.

Nalilikha ang tabang trans sa pag-init ng vegetable oil, o langis ng halaman, kasama ng idroheno, isang prosesong tinatawag na idrohenasyon.[1] Ang mga langis na bahagiang sumailalim sa idrohenasyon[2] ay mas matatag at mas matagal mapanis.[1]Ginagawa rin ng idrohenasyon na solido ang langis, kaya mas madali itong ilipat-lipat mula pook hanggang pook.[1]Nakakayanan din ng mga langis na sumailalim sa idrohenasyon ang paulit-ulit na pag-init, ginagawa itong ideal sa pagprito ng mga fast food.[1]Mas mura rin ito sa taba ng hayop.[3]Dahil sa mga ito, malaki ang nagiging pakinabang ng mga kainan at ng industriyang pampagkain sa tabang trans.[1][3]

Kapag ang langis ng halaman ay buuang sumailalim sa idrohenasyon,[4] naglilikha ito ng tabang parang-saturado,[1]bagaman hindi ito itinuturing na tabang trans.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.