Pumunta sa nilalaman

Transport phenomena

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa inhinyeriya, pisika, at kimika, ang pag-aaral ng mga transport phenomena (wikang Ingles, literal na salin sa Tagalog: kaganapang paglilipat) ay tungkol sa pagpapalit ng timbang, enerhiya, at momentum ng mga inoobserbahan at inaaral na sistema. Datapwa't may kaugnayan ito sa iba't-ibang asignatura tulad ng continuum mechanics at thermodynamics, mas mabigat ang pagbibigay-diin nito sa mga pagkakahawig ng mga nasabing asignatura. Ang paglilipat ng timbang, momentum, at init ay lubos na magkapareho ang pang-matematikang balangkas, at ang kanilang pagkakapare-pareho ay inaaral sa mga kaganapang paglilipat upang makabuo na malalim na pangmatematikang ugnayan na madalas ay nagbibigay ng mahahalagang kagamitan para sa pagsusuri ng mga paksa na nagmula sa ibang mga larangan.

Datapwa't ang teoretikal na balangkas nito ay nagmula sa mga prinsipyo ng iba't-ibang larangan, karamihan sa mga pangunahing teorya sa asignaturang ito ay simpleng pagsasalin ng mga pangunahing batas ukol sa konserbasyon. Ang pangunahing pagsusuri ay madalas nagmumula sa simpleng prinsipyo na ang kabuuan ng inaaral na bagay ay hindi nababago ng sistema at ng kapaligiran nito. Matapos ito, ang iba't-ibang kaganapan na nagdudulot ng paglilipat, sa kaalaman na ang kabuuan nila ay wala, ay iniisa-isa. Ang pagsusuring ito ay mahalaga sa pagkuha ng mga makabuluhang halaga. Halimbawa, isang gamit ng pagsusuring paglilipat sa mekanikang panglikido ay ang pagkuha ng velocity profile ng isang likidong gumagalaw sa gitna ng isang matibay na bulto.

Ang mga kaganapang paglilipat ay mahahanap sa iba't-ibang disiplinang pang-inhinyeriya. Ilan sa mga madlas na halimbawa ng panunuring paglilipat sa inhinyeriya ay makikita sa larangan ng inhinyeriyang proseso, kemikal, biyolohikal, at mekanikal, ngunit ang asignatura na ito ay makikita sa lahat ng disiplinang may kinalaman sa mekanikang panglikido, paglilipat ng init, at paglilipat ng timbang. Tinuturi na itong bahagi ng disiplina ng inhinyeriya kagaya ng thermodynamics, mekanika, at elektromagnetismo.