Pumunta sa nilalaman

Tricking

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tricking (kilala din bilang martial arts tricking) ay ang impormal na pangalan ng isang uri ng himnastiko na batay sa galaw at pamamaraan ng martial arts.

Ang layunin ng palakasang ito ay makabuo ng iba’t ibang klase ng paglundag, pagsipa at pag-ikot na maganda sa paningin.

Pinagsama sa 'tricking' ang iba’t ibang uri ng galaw mula sa iba’t ibang uri ng sining tulad ng paglundag sa himnastiko, 540 na sipa mula sa Taekwondo, ‘butterfly twist’ mula sa Wushu at ‘double leg’ mula sa Capoeira. Makikilala ang ‘tricking’ sa mga kakaibang sipa, lundag at pag-ikot, at mga magagandang galaw na mapagkakakilanlan sa ibang sining. Ang tawag sa taong gumagawa ng ‘tricking’ ay isang ‘trickster’ or ‘tricker’.

Ang hilig na gumawa ng kakaiba at mahihirap na istilo at pamamaraan ay makikita sa ‘martial arts’ simula pa ng 1960’s, mas nauna pa sa kasalukuyang kilos sa ‘tricking’. Kapansin-panisn ito sa Taekwondo na binigyang pansin ang pagpapabuti sa kakaibang pag-ikot, paglundag at pagsipa ng panahong iyon ng simulan ang pandaigdigang labanan.

Sa kasalukuyan, ang NASKA ( North American Sport Karate Association) ay nagdadaos ng paligsahan na mayroong ‘Creative Open’ at ‘Xtreme Open’ na kategorya. Sa ‘Creative Open’ ang kalahok ay hindi gumagawa ng mga patiwarik na pamamaraan at maari lamang sumipa ng paikot na hindi tataas sa 360o. Sa kabilang banda, ang lahat ng istilo ay pwedeng gawin sa ‘Xtreme Open’.

Ang ‘tricking’ ay nauso sa internet noong 2000’s. Sa pagtatapos ng 2003, ang samahan ng ‘tricking’ sa internet ay lalo pang umunlad at napagsama ang mga ‘trickers’ sa buong mundo. Nang mauso ang YouTube, naipamahagi ng mga ‘trickers’ ang kanilang mga bidyo sa isa’t isa at ang mundo ng ‘tricking’ ay nakaranas ng malawakang katanyagan at interes. Pinakita rin sa YouTube ang mga bagong kilos sa mga baguhang ‘trickers’. Sa simula ng 2008, nakakatanggap na ang ‘tricking’ ng mas malawak na publisidad at katanyagan kahit sa mga mga hindi ‘trickers’ dahil sa pagsisikap ng mga sikat na koponan tulad ng Loopkicks, Team FS, Unito, Disatrickz, Flipmonk Squad, Furious Force at New Age Ninjas (NAN).

Terminolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinahalintulad ang ‘tricking’ sa ‘extreme martial arts’ (XMA), subalit magkaiba ang dalawang ito. Kadalasan umiiwas ang mga ‘trickers’ na ihambing sila sa ‘extreme martial arts’ dahil sa negatibong impresyon nito sa mundo ng martial arts.

Ang totoong terminolohiyang ginamit sa ‘tricking’ ay maraming masalimuot na salitang may unlapi at hulapi na nagsasalarawan ng mga pag-ikot, mayabang na porma at kaayusang teknikal. Ang mga salita tulad ng ‘swipe’, ‘gyro’, ‘cheat’, ‘pop’, ‘missleg’, ‘switch’, ‘swingthru’ at ‘hyper’ ay karaniwang ginagamit at naglalarawan ng sari-saring galaw.

Hindi tulad ng ibang matatagal ng palakasan, ang ‘tricking’ ay walang pormal na tuntunin at regulasyon, at walang organisasyong namamahala. Sa madaling salita, ang mga kalahok dito ay maaring gumawa ng kahit na anong kakaibang galaw at tatawagin itong ‘trick’, kahit na may mga kilos itong kasama talaga sa ‘tricking’. May mga ‘trickers’, lalo na yung mga nalaman lang ang ‘tricking’ sa internet ay may ugaling pag-aralan muna ang madadaling kilos tulad ng ‘540 Kick’, ‘Aerial’, ‘Kip-Up’ at ‘Backflip’; at unti-unting gumawa ng mas mahihirap na galaw. Subalit, kahit gaano kahirap ang kilos ay maiiba sa bawat taong gagawa nito. May mga galaw na madali para sa iba, ngunit mahirap para iba.

Ang mga ‘trickster’ ay maaaring hatiin sa iba-ibang kategorya ng istilo: mayroong mas gustong gawin ang mga kilos na ginagawa sa ‘martial arts’ ( kadalasang pinagsasama ang mga sipa sa isang ‘trick’), ang iba nama’y ‘freestyle gymnastics’ at mga paglundag ( pagbibigay-pansin sa sunud-sunod na lundag at pagsasama-sama ng iba’t ibang klase ng ikot), subalit karamihan sa ‘tricksters’ ay pinagsasama ang mga ito. Dapat silang mag-ensayong mabuti upang magawa nil ang kanilang mga ‘tricks’.

Dahil sa tagong estado ng ‘tricking’ halos hindi natutukan ang pag-eensayo at pagtuturo. Ang ibang gumagawa nito ay mayroong karanasan sa ‘martial arts’ at himnastiko, pero karamihan sa mga ‘tricksters’ ay nag-aral mag-isa. Dagdag sa kanilang kaalaman sa himnastiko at ‘martial arts’ ang mga ‘trickster’ ay kadalasang natuto sa kanilang mga kaibigan o sa ibang mga tao na mas unang natuto ng ‘tricking’. Maraming ‘tricksters’ na walang sapat na kagamitan para matuto ay napipilitang gayahin ang napapanood sa bidyo. Nakakahiligan na rin nilang bumuo ng mga koponan. Ang mga grupong ito ay hindi lamang naghihikayat sa ibang tao, kundi nakakapagtaguyod ng sariling pagkakakilanlan at kredibilidad bilang ‘trickster’ sa komunidad. Bukod dito ang mga nag-eensayo ay humihingi ng tulong sa mga pagtitipon at kampo ng ‘tricking’ na nagpapakita sa kanila ng ibang taong may mas higit na kaalaman dito.

Kadalasang ginagawa ng mga ‘trickers’ ang kanilang mga ‘stunts’ sa damuhan o sa ‘plyometric flooring’. Banig sa gawa sa alpombra, trampolina o ‘jumping jamborees’ ay ginagamit upang mas maging pamiliar sa mga bagong galaw sa ligtas na kapaligiran. Dagdag pa sa pag-eensayo ng mga ‘tricksters’ ay ang kanilang pagpapabuti sa kondisyon ng kanilang mga katawan. Karaniwang makikita sa mga ‘tricksters’ ang pagpapakondisyon ng katawan at pagbubuhat ng barbel dahil karamihan sa mga galaw ay nangangailangan ng lakas. Kailangan din na may kakayahang ibaluktot ang katawan dahil sa mga kakaibang galaw na ginagawa sa ‘tricking’.

Naging regular ang pagtitipon ng mga ‘tricksters’ simula ng ito ay unang gawin. Nang itinatag ito ng mga ‘tricksters’ sa tulong ng mga ‘online forum’, ang mga ganitong pagtitipon ay naging pagkakataon upang maipakita nila ang kanilang istilo at humingi na rin ng payo sa ibang ‘tricksters’. Ang ganitong pagtitipon ay mayroong isa o higit pang ‘gym session’, ang isang ‘gymnasium’ ay nirerentahan para sa ganitong okasyon. Mayroon din namang tinatawag na munting pagtitipon na mas makilala na tawag na ‘seminar’/’session’. Kumpara sa regular na pagtitipon na dinadaluhan ng mga ‘trickers’ na galing sa ibang bansa, ang munting pagtitipon ay dinadaluhan lamang ng mga lokal na ‘tricksters’. Sa mga munting pagtitipon ang mga lokal na ‘tricksters’ ay nagkikita-kita, sama-samang nagti-‘tricking’, at nagpapalakas ng ‘tricking’ sa kani-kanilang lugar. Halos taun-taon nagiging punong-abala ang Team Loopkicks sa mga munting pagtitipon gaya ng: Back to School Session, Trix N’ Treats, Trixgiving, Trixmas, at Valentine’s Tricking Session. Sa mga munting pagtitipon na ito nagtuturo ang koponan ng mga bagong galaw at mga kombinasyon ng mga galaw na akma sa kanilang kakayahan.

Taunang pagtitipon
Pamagat Lokasyon Mga taong punong-abala Mga taong pinlano Punong-abala
The Bergen Gathering Bergen, Norway 2006 NAN
2007
2008
2009
Loopkicks Camp San Jose, California 2005 LoopKicks
2006
2007
2008
2009
UK Devon Devon, UK 2007
  • SIRJoe
  • Joe Shields
2008
IT Brescia Brescia, Italy 2008
  • Venturelli
  • Solinas

Habang umuunlad ang ‘tricking’ nagkaroon ito ng iba’t ibang klase ng ‘trickers’. Noong una mayroong lang dalawang klase ng ‘trickers’, ang ‘martial arts trickers’ at ‘gymnastic trickers’. Sa ngayon mayroon ng mga bagong uri ng ‘trickers’: ‘breakdancer trickers’, ‘backyard trickers’, ‘high school trickers’, at ‘cheerleader trickers’. Ang mga ‘breakdancer trickers’ ay gumagamit ng mga kombinasyon ng mga galaw ng ‘tricking’ sa kanilang mga sayaw para pahangain ang mga manonood o di kaya’y yabangan ang mga katunggali nila. Ang mga ‘backyard trickers’ naman ay walang kaalaman sa ‘martial arts’ at natututo lamang sa panonood ng mga bidyo sa internet para matuto ng mga galaw at ineensayo nila ito sa kanilang bakuran. Ang mga ‘high school trickers’ ay mga estudyante sa mataas na paaralan humanga at inumpisahan gawin ito, madalas silang nag-eensayo sa ‘football field’ ng kanilang paaralan. Ang mga ‘cheerleader trickers’ ay may kaalaman sa pagsirko at himnastiko na kanila pang dinagdagan ng mga galaw ng ‘tricking’.

Sabayang Tricking

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga ‘trickers’ ay hindi lamang bumubuo ng koponan at nag-eensayo ng sabay, nagtatanghal din sila ng sama-sama. Maraming koponan ang meron nang hinandang kilos upang ipalabas sa isang okasyon. Hindi lang nito pinapakilala ang kanilang koponan, naipapakilala din nila ang ‘tricking’ sa buong mundo. At sa mga kompetisyon, may mga ‘trickers’ na pumapares sa ibang ‘trickers’ at sabay na nagtatanghal gaya nila Steve Terada at Rudy Reynon na sabay na lumaban sa isang (musikal) ‘open form’.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sangguniang Babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]